Ang inflammatory bowel disease (IBD) ay tumutukoy sa grupo ng mga sakit na nakakapekto sa lining ng gastrointestinal tract o GI tract. Maaaring magsanhi ang IDB ng matinding sakit at walang kaginhawaan sa pasyente, kung kaya ang pag-alam kung ano ang gamot sa pananakit ng bituka ay makakatulong.
Ano ang Sanhi ng Inflammatory Bowel Disease?
Hanggang ngayon, ang mga siyentipiko ay hindi sigurado kung ano ang mga sanhi ng inflammatory bowel disease. Gayunpaman, ang kumakalat na teorya ay mula ito sa immune system ng tao.
Ang nangyayari ay imbis na atakihin ang naiibang substances, inaatake ng immune system ang malulusog na cells sa GI tract. Ito ay nauuwi sa mga sintomas ng IBD na alam na alam ng mga pasyente.
Walang gamot ang inflammatory bowel disease. Ibig sabihin, kailangan harapin ng mga pasyente na may IBD ang kondisyong ito habang-buhay. Gayunpaman, ang pag-manage sa IBD ay madali lamang, karamihan sa mga pasyente ay mayroong mataas na kalidad ng pamumuhay sa pagsunod nila sa payo ng kanilang doktor.
Paano Gamutin ang Masakit na Bituka
Narito ang ilan sa kapakipakinabang na mga bagay na dapat tandaan sa gamot sa pananakit ng bituka at pag-manage ng IBD.
Suriin ang kinakain
- Dahil ang IBD ay nakakaapekto sa gastrointestinal tract, ang pagkain na kinakain ng tao ay may epekto sa sintomas ng IBD. Isa sa pinakamahusay na paraan upang i-manage ang IBD ay ang pag-alam sa mga pagkain na maaaring mag-trigger sa sintomas at iwasan o bawasan ang pagkain nito.
- Sa kaso ng taong may Crohn’s disease, ang pagkain ng kaunting fiber ay isa sa paraan upang pangasiwaan ang mga sintomas. Ang pagkain na nakapagpapataas ng dumi ay dapat kainin nang kaunti.
- Ang pagkain ng less fatty foods ay maganda ring ideya, partikular sa mga taong may fat malabsorption. Hindi maayos na nakakapag-digest ng fat ang mga taong may kondisyon nito. Dahil dito humahantong ito sa malangis at mabahong dumi.
- Para sa mga taong may lactose intolerance, mahalaga na basahin ang label ng kinakain. Minsan, gumagamit ang mga gumagawa nito ng dairy products bilang fillers o extenders at ito ay maaaring mag-trigger sa mga sintomas ng IBD.
- Kung kakain sa labas, magandang ideya na itanong kung ang pagkain ay naglalaman ng anumang magkakapag-trigger. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkain ng na maaaring magdulot ng hindi maginhawang pakiramdam.
- Isang problema sa paghihigpit sa kinakain ay ang posibilidad na hindi makakuha ng sapat sa sustansya sa iyong diet. Kung kaya makipag-ugnayan sa diabetrician upang masiguro na ang diet ay sapat sa pangangailangan ng katawan.
Inumin ang gamot
Hindi karaniwan sa pasyenteng may IBD na resetahan ng gamot. Makakatulong ang pag-manage ng sintomas at mabawasan ang panganib ng flare-ups.
Ang gamot sa IBD ay kadalasang anti inflammatory drugs, immune system suppressors, o bagong uri ng gamot na tinatawag na biologics. Ito ay nag-neutralize ng inflammation na dulot ng protein sa katawan.
Napakahalaga na masiguro na tama ang gamot na iniinom sa kondisyon at tamang dosage. Hindi lamang ito makakatulong sa pagpapaginhawa ng sintomas, ngunit maaari din nito mabawasan ang IBD. Gayunpaman, mangyayari lamang ito kung seseryosohin ang pag-inom ng gamot.
Kung sa pakiramdam ay hindi sapat ang gamot, o nakakaranas ng ilang side effects, huwag mag-atubiling kausapin ang doktor tungkol dito. May kakayanan silang magbigay ng mga alternatibo o magpalit ng dosage upang masiguro na ang gamot ay manatiling epektibo.
Key Takeaways
Siguruhing komunsulta sa doktor, upang makatanggap ng mas mainam na payo sa pag-manage ng IBD. Kung maayos itong mapapangasiwaan ang IBD, magkakaroon ng labis na kasiyahan sa pamumuhay.
Matuto pa tungkol sa IBD dito.