backup og meta

Senyales ba ng Sakit ang Pagsinok? Kailan ba Dapat Magpakonsulta sa Doktor?

Senyales ba ng Sakit ang Pagsinok? Kailan ba Dapat Magpakonsulta sa Doktor?

Nakakairita ang pagsinok. Ngunit kailangan bang mag-alala kung tumagal ang sinok kaysa sa karaniwan? Tignan natin ang mga normal na sanhi ng sinok, paano mahihinto, at kung senyales ba ng sakit ang pagsinok.

Ano ang sinok?

Ang pagsinok ay hindi bolontaryong contractions ng diaphragm. Ang iyong diaphragm ay muscle na may mahalagang gampanin sa iyong paghinga. Ito ay naghihiwalay ng iyong dibdib at tiyan. Matapos ang hindi boluntaryong contraction, ang iyong vocal chords ay mabilis na magsasara, na nagiging sanhi ng tunog sa tuwing sinisinok.

Mga sanhi

Ang sinok ay maaaring sanhi ng maraming mga salik.

Mayroon kang tiyak na nerves sa iyong leeg at dibdib. Kung ang mga ito ay nairita, maaari itong maging sanhi ng sinok. Narito ang ilang mga sitwasyon kung ang nerves ay naging irritated:

  • Pagkakaroon ng busog na tiyan dahil sa pagkain, alak, o hangin
  • Nasasabik, stressed, o pakiramdam ng malakas na emosyon
  • Mabilis na pagbabago sa temperatura
  • Pagnguya ng gum (maaari itong maging sanhi na makalunok ng hangin)

Home remedies para sa sinok

Upang mawala ang sinok at makabalik sa pang-araw-araw na gawain, maaari mong subukan ang mga ilang remedies. Hangga’t ang iyong pagsinok ay hindi pabalik-balik at patuloy, maaari mo munang subukan ang mga pamamaraan na ito. Bagaman ang mga pamamaraan ay walang patunay na nakatutulong sa lahat ng may sinok, maaari mo pa rin itong subukan kung akma sa iyo.

Maaari mong subukan ang mga sumusunod:

  • Subukang pigilan ang paghinga sa maiksing panahon
  • Uminom ng malamig na may yelong tubig nang dahan-dahan
  • Huminga sa paper bag ngunit huwag itong ilagay sa iyong ulo

Ang pagsinok na maaaring tumagal nang higit sa 48 oras ay tinatawag na persistent hiccups. Maaaring mayroong medikal na kondisyon dahil dito. Kung ang iyong sinok ay tumagal ng higit sa 48 na oras, mainam na kontakin ang iyong healthcare provider upang maayos na ma-check-up.

Karagdagan sa persistent hiccups, maaari mo ring maranasan ang pabalik-balik na sinok na nakaaapekto sa regular na pang-araw-araw na buhay. Ipinapayo na konsultahin ang iyong doktor tungkol dito.

Ano ang senyales ng patuloy na pagsinok?

Kung ang iyong sinok ay tumagal ng higit 48 na oras, siguraduhin na magpatingin sa iyong healthcare provider upang makita kung may pinag-ugatan na medikal na kondisyon.

Ang endoscopy ay maaaring gamitin upang matukoy kung ikaw ay nakararanas ng mga sakit tulad ng acid reflux o maging kanser.

Pabalik-balik o patuloy na sinok ay maaaring senyales ng mga sumusunod:

  • Thyroid o neck mass na maaaring matulak sa nerves na nakaaapekto sa diaphragm
  • Anxiety o stress disorders
  • Pinsala sa iyong central nervous system
  • Disorders na nakaaapekto sa metabolism

Kung ang iyong healthcare provider ay hindi kayang matukoy ang rason bakit nakararanas ng mga problemadong sinok, maaari pa rin silang magbigay ng gamot na maaaring makatulong. Bagaman maaari itong hindi epektibo para sa lahat.

Mahalagang Tandaan

Ang sinok ay maaaring maliit na bagay na nakaiirita at bagaman walang aktuwal na home remedies na maaaring maging akma para sa lahat, maaari kang sumubok ng iba’t ibang bagay upang makatulong na huminto. Gayunpaman, maaari mo ring maranasan ang pabalik-balik o patuloy na pagsinok na maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na buhay. Sa ganitong pagkakataon, mahalaga na malaman kung senyales ba ng sakit ang pagsinok, at agad na humingi ng medikal na atensyon.

Matuto pa tungkol sa Ibang Isyu sa Kalusugan ng Digestive rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hiccups – Symptoms and causes – Mayo Clinic

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hiccups/symptoms-causes/syc-20352613

Accessed March 24, 2021

 

What causes hiccups? – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/what-causes-hiccups

Accessed March 24, 2021

 

Hiccups – NHS (www.nhs.uk) , https://www.nhs.uk/conditions/hiccups/

Accessed March 25, 2021

 

Concern about recurring hiccups – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/mens-health/concern-about-recurring-hiccups

Accessed March 25, 2021

Kasalukuyang Version

04/11/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement