backup og meta

Sanhi ng Pancreatitis, Anu-ano ba? Alamin Dito

Sanhi ng Pancreatitis, Anu-ano ba? Alamin Dito

Ang lapay ay isang mahalagang parte ng katawan na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at pagpapanatiling kontrolado ang lebel ng asukal sa ating dugo. Ang Pancreatitis ay isa sa karaniwang problemang maaaring harapin ng mga tao sa kanilang lapay. Ngunit ano ba talaga ang pancreatitis? Ano ang sanhi ng pancreatitis at paano ito ginagamot?

Ano ang pancreatitis?

Ang pancreatitis ay ang pamamaga ng lapay. Ang pinakakaraniwang sintomas nito ay patuloy na pagsakit ng tiyan. At ano ang sanhi ng pancreatitis?

May dalawang pangunahing uri ang kondisyong ito. Ito ang acute o panandaliang pancreatitis at chronic o pangmatagalang pancreatitis.

Acute pancreatitis

Nangyayari ang acute pancreatitis kapag namamaga ang lapay. Biglaan itong nangyayari, at nakakaramdam ang mga tao ng matinding sakit sa tiyan nang walang anumang babala.

Kadalasang namamaga ang lapay dahil napipinsala ng mga enzyme ang lapay kung saan din ito nagmula. Ito ang maaaring resulta ng pinsala sa lapay, tulad ng sugat, o pag-abuso sa alak.

Isa pang sanhi ng pamamaga ng lapay ay dahil sa mga bato sa apdo. Posibleng mapunta ang mga bato sa lapay, na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng harang sa mga maliliit na tubo ng lapay. Dahil nahaharangan ang daloy ng mga enzyme, nagdudulot ito ng pamamaga at nagsisimulang mapinsala ang lapay.

Para sa mga kasong hindi ganoon kalala, nawawala ang mga sintomas matapos ang ilang araw. Ngunit posibleng mas tumagal pa dito ang kondisyong ito, o bumalik makalipas ang ilang linggo.

Posible rin itong maging chronic o pangmatagalang pancreatitis, na maaaring magdulot ng mas maraming pinsala sa lapay.

Chronic pancreatitis

Isa itong uri ng pancreatitis na mas matagal ang pamamaga. Maaaring magpatuloy ang sakit na ito nang ilang taon.

Ang nangyayari, sa paglipas ng panahon, nasisira ang lapay, kaya’t hindi ito gumagana nang maayos. Kung hindi mapipigilan ang pagkasira ng lapay, magdudulot na ito ng mantinding sakit at titigil na ito sa paggana.

Ang pag-abuso sa pag-inom ng alak ang pinakakaraniwang sanhi ng ganitong uri ng pamamaga, lalo na sa mga pasyenteng ilang taon nang umiinom.

Gayunpaman, posibleng ang ganitong anyo ng pancreatitis ay namamana. Ang Cystic fibrosis mutations ay puwede ring sanhi ng pamamaga ng lapay, maging ang autoimmune disease.

Gaya ng acute pancreatitis, ang pinakakaraniwang sintomas nito ay matinding pananakit ng tiyan. Ang pinagkaiba, mas matagal ang sakit na nararamdaman kapag ito ay pangmatagalan. May posibilidad na bumalik ang mga sintomas sa paglipas ng panahon.

Maaari ding makaranas ang mga pasyente ng pagkapagod, biglaang pagbaba ng timbang, at madulas na dumi dahil hindi na natutunaw ng katawan ang pagkain nang mabuti.

sanhi ng pancreatitis

Ano ang gamutan para dito?

Kung sa tingin mo ay may pancreatitis ka, pinakamabuting umiwas sa anumang pagkain o inumin hangga’t hindi ka pa nakakapunta sa doktor. Ito ay dahil kapag kumain ka o uminom, maglalabas ng mga enzyme ang iyong lapay papunta sa iyong digestive system.

Kung may pamamaga, magdudulot ito ng matinding sakit at hindi ito magiging maganda sa pakiramdam.

Gamutan

Nakadepende sa uri ng pancreatitis ang klase ng gamutan dito, maging sa sanhi nito.

Kadalasan sa mga kaso nito, nagbibigay ng pampawala ng sakit hindi upang gamutin ang sakit, kundi pagaanin ang mga sintomas. Sa ilang mga kaso, maaaring magbigay ang mga doktor ng antibiotics kung ang impeksyon ay nagdudulot ng pamamaga.

Operasyon

Maaari ding magsagawa ng operasyon ang mga doktor upang makatulong sa paggamot ng pamamaga. Sa mas maraming kaso, maaaring tanggalin ang bato sa apdo upang maalis ang harang sa lapay.

Kung mas malala ang problema, puwedeng tanggalin ang ilang bahagi o ang buong lapay. Sa kaso ng pagtatanggal ng buong lapay, kadalasang kailangan ng insulin ng mga pasyente at ng mga digestive enzymes sa kanilang buong buhay.

Key Takeaways

Pagdating sa pancreatitis, tandaan o isulat ang nararamdaman mong mga sintomas. Makatutulong ito sa doktor na masuri ang iyong kondisyon at matukoy ang uri ng gamutang para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa Digestive Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pancreatitis inflammation, https://medlineplus.gov/pancreatitis.html#:~:text=Pancreatitis%20is%20inflammation%20of%20the,a%20few%20days%20with%20treatment., Accessed December 11, 2020

Pancreatitis – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pancreatitis/symptoms-causes/syc-20360227, Accessed December 11, 2020

Symptoms & Causes of Pancreatitis | NIDDK, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/pancreatitis/symptoms-causes, Accessed December 11, 2020

Acute Pancreatitis – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/a_to_z/acute-pancreatitis-a-to-z, Accessed December 11, 2020

Chronic Pancreatitis – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/a_to_z/chronic-pancreatitis-a-to-z, Accessed December 11, 2020

Kasalukuyang Version

11/22/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement