Ang alcohol liver disease ay seryosong kondisyon na sanhi nang pag-abuso sa alak. Kung iiwanang hindi nagagamot, ang kondisyong ito ay maaaring humantong sa huling yugto, na kilala sa tawag na liver cirrhosis. Basahin upang matuto tungkol sa kung paano maiwasan ang alcoholic liver disease, maging ang tips sa pag-iwas sa liver cirrhosis.
Tips paano maiwasan ang alcoholic liver disease
Pangunahing nagreresulta ang alcoholic liver disease mula sa pinsala sa atay na sanhi ng labis na pag-inom ng alak. Ang kondisyon na ito ay hindi nagde-develop sa magdamag lamang, ngunit ito ay sa taon ng pag-abuso sa alak.
Kalaunan, kung ang isang tao ay huminto sa pag-inom o hindi inalagaan ang kanilang atay, ang pinsala ay lalala. Ito ay kung ang atay ay naghihirap na mula sa cirrhosis o pagkakaroon ng permanenteng peklat sa tissues ng atay.
Ang pagkakaroon ng scar tissue ay partikular na masama para sa atay dahil ito ay labis na humahadlang sa abilidad ng atay na mag-function. Sa pinakamasamang senaryo, ang kadalasang paraan upang maka-survive ang pasyente ay sa pamamagitan ng liver transplant.
Upang maiwasan ang lahat ng problema sa kalusugan at mga komplikasyon, mainam na tugunan at iwasan nang maaga ang alcoholic liver disease. At maaari mo itong gawin sa pagsunod ng mga sumusunod na tips:
Ihinto ang pag-inom ng alak
Kung ang pag-uusapan ay ang pag-iwas sa liver cirrhosis, maging ang pag-iwas sa alcoholic liver disease, ang paghinto sa pag-inom ng alak ay ang pinakamahalagang hakbang na gawin.
Ang ilang tao ay naniniwala na ang katamtamang pag-inom ng alak ay ayos lamang. Ngunit sa realidad, maaari pa rin itong magbigay ng banta sa iyong kalusugan. Gayunpaman, napag-alaman ng mga siyentipiko na ang paminsan-minsang pag-inom ng alak ay makapagbibigay ng banta sa kalusugan ng tao, lalo na sa atay. Kaya’t mainam na ihinto nang ganap ang pag-inom ng alak.
Karagdagan, ang alak ay mayroong nakaaadik na substansya, kaya ito ay madalas na naaabuso. Kung ikaw ay nahihirapan na ihinto ang pag-inom ng alak, mainam na paunti-unti muna itong gawin. Sa pagsasagawa nito nang mabilisan ay maaaring mag-sanhi ng pagbabalik sa dati kung huminto ka na sa pag-inom nito.
Magandang ideya rin na kausapin ang iyong mga kaibigan at pamilya tungkol sa pagtigil sa pag-inom ng alak upang magawa nila ang kanilang makakaya upang suportahan ka.
Kumain ng masustansyang diet
Maliban sa pag-iwas sa pag-inom ng alak, magandang ideya rin sa pangkalahatan na magkaroon ng masustansyang diet. Subukan na bawasan ang konsumo ng karne at fatty na pagkain, at sa halip tumuon sa pagkain ng mga prutas at gulay.
Ang pagkakaroon ng masustansyang diet ay nakasisiguro na ang iyong katawan ay mayroon ng lahat ng bitamina at mineral na kailangan nito upang mag-function nang maayos. Nakatutulong din itong mapababa ang banta ng problema sa kalusugan tulad ng diabetes, obesity, hypertension at fatty liver disease.
Manatiling aktibo
Maliban sa pagkakaroon ng masustansyang diet, mainam din na subukan na manatiling aktibo. Ang pag-ehersisyo ng nasa 30 minuto kada araw, o 150 minuto kada linggo ay inirerekomenda upang manatiling fit at malusog.
Sa pagsasama ng masustansyang diet, mapananatili nito ang iyong katawan na malakas at makababawas ng banta ng problema sa atay.
Pababain ang konsumo sa sodium
Sa huli, napakahalaga na pababain ang konsumo sa asin o sodium. Ang rason sa likod nito ay ang sobrang pagkain ng maalat ay nakapagdaragdag ng pinsala sa atay.
Mainam na iwasan ang processed na pagkain tulad ng chips, canned goods, at instant noodles dahil ang mga pagkain na ito ay mataas sa sodium. Sa paghahanda ng pagkain, gumamit ng herbs at ibang pampalasa sa halip na ito.
Kailangan ng katawan ng sodium, ngunit hindi nito kailangan ng asin gaya ng konsumo ng maraming mga tao sa panahon ngayon. Ang pagbaba ng konsumo ng sodium ay nakapagpapababa ng banta ng hypertension, stroke, atake sa puso, at cardiovascular disease.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Digestive rito.