backup og meta

Ano ang Lapay, at Bakit Ito Kailangan ng Ating Katawan?

Ano ang Lapay, at Bakit Ito Kailangan ng Ating Katawan?

Kapag tinanong mo sa mga tao kung ano ang lapay, karamihan sa kanila ay hindi alam ang sagot. Kahit hindi madalas napapansin at naiintindihan ang bahagi ng katawang ito, malaki ang ginagampanan ng lapay o pancreas pagdating sa pagtunaw ng pagkain at pagpapanatiling kontrolado ng sugar level.

Ano ang lapay?

Isang maliit na organ ang lapay na matatagpuan sa ilalim ng sikmura at nakakonekta sa maliit na bituka. Isa itong natatanging organ dahil kaya nitong gumawa ng parehong enzymes na nakatutulong sa pagtunaw ng pagkain, at maging ng hormones na tumutulong sa asukal upang maging enerhiya.

Dahil sa lokasyon nito sa loob ng katawan, mahirap minsan ang pagsusuri ng mga sakit sa lapay. Ito ay dahil mahirap itong maramdaman dahil nasa kaloob-looban ito ng katawan.

Sa kaso ng tumor o pancreatic cancer, napapansin lamang ito ng mga tao kapag lumaki na ang tumor at nakaaapekto na sa iba pang organ.

Ano ang ginagawa ng lapay?

Dalawa ang trabaho ng lapay:

  1. Maglabas ng enzymes na nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain. Ang enzymes ay inilalabas ng exocrine cells, na ipinapadala sa maliit na bituka sa pamamagitan ng malilit na tubo. Dito nakatutulong ang enzymes sa pagtunaw ng mga pagkain sa bituka.
  2. Medyo naiiba naman ang pangalawang trabaho ng lapay. Nagagawa rin nitong gumawang hormones, na nililikha ng endocrine cells. Kabilang sa hormones na ito ang insulin at glucagon, na parehong napakahalaga sa pagpapanatiling malusog ng lebel ng asukal sa dugo.

Sa kabila ng kahalagahan nito sa pagtunaw ng pagkain at pagkontrol ng asukal sa dugo, maaaring mabuhay ang tao nang walang lapay. Sa mga kaso ng pancreatic cancer o chronic pancreatitis, maaaring tanggalin ang lapay upang magamot ang kanser.

Gayunpaman, mahirap ang mabuhay nang walang lapay dahil kailangan ng pasyente ng patuloy na insulin shots upang makontrol ang asukal sa dugo, maging ng digestive enzymes upang makatulong sa pagtunaw ng pagkain. At kahit na magawa ito, ang inaasahang itatagal ng buhay ng isang taong walang lapay ay 7 na taon. Mas mababa pa dito ang itatagal ng buhay ng taong nagkaroon ng kanser sa lapay o pancreatic cancer.

ano ang lapay

Ano ang mga karaniwang karamdamang nakaaapekto sa lapay?

Narito ang ilan sa karaniwang karamdamang nakaaapekto sa lapay ng isang tao:

Acute pancreatitis

Ang uri ng pancreatitis na ito ay nagdudulot ng matinding sakit at maaaring tumagal nang ilang araw. Maaari ding makaranas ang mga pasyente ng matinding pananakit ng tiyan at mataas na lebel ng pancreatic enzymes sa dugo. Ang pinakakaraniwang sanhi ng acute pancreatitis ay sobrang pag-inom ng alak, bato sa apdo, sugat, impeksyon, at mga side effect ng gamutan.

Ang mga taong may acute pancreatitis ay kadalasang gumagaling paglipas ng ilang araw.

Chronic pancreatitis

Sa kabilang banda, ang chronic pancreatitis ay isang uri ng pancreatitis na maaaring tumagal. Sa mga taong may chronic pancreatitis, dumaranas ang kanilang lapay ng pangmatagalang pamamaga, na sa paglipas ng panahon ay maaaring maging sanhi ng pinsala sa lapay.

Bukod sa sakit, ang iba pang karaniwang sintomas ay mamantika na dumi, malnutrisyon, at biglaang pagbaba ng timbang. Habang nagtutuloy-tuloy ang sakit, maaari nitong mabago ang trabaho ng lapay at maging dahilan upang magkaroon ng diabetes ang isang tao.

Maaaring dulot ng sobrang pag-inom ng alak, cystic fibrosis, at mga sakit na namamana ang nakaaapekto sa lapay ang chronic pancreatitis.

Pancreatic cancer

Mahirap gamutin ang sakit na pancreatic cancer. Lumalaban ang ganitong uri ng kanser sa karamihan sa anyo ng gamutan. Hindi rin madalas napapansin ng mga pasyenteng may pancreatic cancer ang mga sintomas sa mga unang antas ng sakit na ito.

Kapag natukoy na ang pancreatic cancer, kadalasang nasa dulong antas na ito. Dahil dito, ang bahagdan ng mga nabubuhay sa sakit na ito ay napakababa, na may 5% – 10% ng mga pasyente ang nabubuhay sa loob ng limang taong diagnosis. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing na isa sa pinakanakamamatay na anyo ng kanser ang pancreatic cancer.

Key Takeaways

Kahit hindi gaanong alam ng mga tao kung ano ang lapay, marami itong nagagawa sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang regular na pagpapatingin sa doktor, pagkain ng masusustansya at pag-iwas sa alak ay mga paraan upang matiyak na malusog ang iyong lapay at walang sakit.

Matuto pa tungkol sa digestive health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Digestive Process: What Is the Role of Your Pancreas in Digestion? | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/the-digestive-process-what-is-the-role-of-your-pancreas-in-digestion#:~:text=It%20is%20located%20inside%20your,digestive%20system%20by%20making%20hormones., Accessed December 11

What Is The Pancreas?, https://pathology.jhu.edu/pancreas/BasicOverview1.php?area=ba, Accessed December 11

The Pancreas and Its Functions | Columbia University Department of Surgery, https://columbiasurgery.org/pancreas/pancreas-and-its-functions, Accessed December 11

What Does the Pancreas Do for the Human Body? | UPMC HealthBeat, https://share.upmc.com/2015/09/what-does-the-pancreas-do-for-the-human-body/, Accessed December 11

Common Disorders of the Pancreas – The National Pancreas Foundation, https://pancreasfoundation.org/patient-information/about-the-pancreas/common-disorders-of-the-pancreas/, Accessed December 11, 2020

Pancreatic Cancer Prognosis | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/pancreatic-cancer/pancreatic-cancer-prognosis#:~:text=Compared%20with%20many%20other%20cancers,just%205%20to%2010%20percent., Accessed December 11, 2020

Kasalukuyang Version

11/22/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Kaalaman Tungkol sa Short Bowel Syndrome

Bakit Kumukulo ang Tiyan? Alamin sa Artikulo


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement