backup og meta

Pinagkaiba ng Acid Reflux at Heartburn, Ano nga ba?

Pinagkaiba ng Acid Reflux at Heartburn, Ano nga ba?

Karamihan sa mga tao ay may posibilidad na gamitin ang mga salitang acid reflux at heartburn nang magkapalit. Gayunpaman, alam mo ba na mayroong talagang pagkakaiba sa pagitan ng acid reflux kumpara sa heartburn?

Ano ang Acid Reflux?

Bago makarating sa pinagkaiba ng acid reflux at heartburn, kailangan muna nating tukuyin kung ano ang mga kondisyong ito.

Ang salitang “acid” sa acid reflux ay tumutukoy sa mga asido sa tiyan na pabalik sa esophagus. Sa tamang konsepto, ang esophagus ay dapat lamang maging isang one-way na tubo. Nangangahulugan ito na ang anumang kinakain o inumin ay dapat pumunta sa iyong bibig, pababa sa iyong esophagus at sa iyong tiyan, at hindi na ito bumabalik sa pinanggalingang daan.

Kapag nangyari ang reflux, nangangahulugan ito na ang pagkain at inumin na iyong nakain, kasama ng mga asido sa tiyan, ay bumalik sa esophagus. Nangyayari ito dahil ang esophageal sphincter, na nagsisilbing one-way valve (balbula na iisa lamang ang daanan), ay hindi gumagana ng tama o maayos. Ito ay maaaring dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng pagiging obese o sobra sa timbang, paninigarilyo, pagkain ng labis, atbp.

Kung ang mga asido sa tiyan ay tumaas, pagkatapos ay ang esophagus ay nagsisimulang mairita. Nagreresulta ito sa sakit at kakulangan sa ginhawa, pati na rin ang nasusunog na sensasyon na iniuugnay ng karamihan sa acid reflux.

pinagkaiba ng acid reflux at heartburn

Ano ang Heartburn?

Ang heartburn ay isang pakiramdam sa dibdib na parang may nasusunog sa looban ng katawan. Kadalasang itinuturing ng mga tao na mahirap ang heartburn kung nakararanas sila ng mga banayad na sintomas dalawa o higit pang araw kada linggo, o kung mayroon silang katamtaman o malubhang sintomas nang higit sa isang beses kada linggo.

Maaaring mangyari ang heartburn anumang oras, ngunit kadalasang nararamdaman ito pagkatapos kumain. Maaari rin itong ma-trigger kung madalas nakahiga. Minsan, nahihirapan ang mga tao na makatulog kung nakakaranas sila ng heartburn.

Sa ilang mga kaso, ang mga nararamdamang heartburn ay katulad sa sakit sa dibdib na nararanasan kapag may angina o atake  sa puso. Ito ang dahilan kung bakit maaaring mapagkamalang atake sa puso ang heartburn, at vice versa.

Ang heartburn mismo ay hindi naman isang seryosong problema. Milyun-milyong tao sa buong mundo ang nakakaranas ng heartburn araw-araw. Gayunpaman, kung ang isang tao ay nakararanas ng heartburn nang higit sa dalawang beses sa isang linggo para sa isang pinahabang panahon, maaaring ito ay sintomas ng GERD.

Kung mangyari ito, pinakamahusay na makipag-usap sa isang doktor tungkol dito. Ang paulit-ulit na pamamaga ng esophagus ay maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon sa kalusugan.

Ano ang maaari mong gawin tungkol dito?

Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin upang mabawasan ang iyong panganib ng acid reflux at heartburn:

Limitahin ang pagkain sa maliliit na bahagi per meal

Ang paglilimita ng pagkain sa maliliit na bahagi per meal ay makakatulong na mabawasan ang panganib ng acid reflux. Ang isang paraan ng paggawa nito ay sa halip na kumain ng 3 buong meal bawat araw, ipaparte mo ito sa 6 na maliliit na bahagi sa buong araw. 

Panatilihin ang isang malusog na timbang

Ang mga taong obese o sobra sa timbang ay may posibilidad na magkaroon ng mas mataas na pagkaktaon ng acid reflux. Ang taba na ito ay ang “pumipisil” ng tiyan, at nagiging sanhi ng mas maraming asido na umakyat papuntang esophagus. Ito ay maaaring magpalala ng acid reflux, o maging sanhi ng GERD.

Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng isang malusog na timbang, maaari mong mapawi ang presyon sa iyong tiyan at babaan ang pagkakataon na magkaroon ng acid reflux.

Huminto sa paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay isa pang posibleng dahilan ng para magkaroon ng acid reflux. Ang isang dahilan kung bakit ito nangyayari ay ang nikotina na galing sa usok ng sigarilyo ay nakakapagpakalma sa esophageal sphincter, na nagiging sanhi ng mga asido sa tiyan na umakyat sa esophagus.

Ito rin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga naninigarilyo ay may posibilidad na magdusa mula sa acid reflux o GERD. Ang mga sintomas ay lumalala lamang kapag sila ay naninigarilyo. Ang usok ng sigarilyo ay nakakairita din sa esophagus at nagiging sanhi ng karagdagang pamamaga.

Pinakamainam na huminto sa paninigarilyo sa lalong madaling panahon upang mabawasan ang panganib ng acid reflux pati na rin ang mas malubhang problema na nauugnay sa paninigarilyo.

Iwasan ang pag-inom ng alak at kape

Ang parehong alkohol at kape ay may nakakakalma na epekto sa esophageal sphincter. Nangangahulugan ito na kung umiinom ka ng alak at kape, may posibilidad na mag-trigger ito ng acid reflux dahil sa kataasan ng pagkakataon na umakyat sa esophagus

Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasang mangyari ito ay ang pag-iwas sa ganap na pag-inom ng alak at kape. Kung hindi ito posible, subukang bawasan uminom ng mga ito, lalo na kung ikaw ay mayroon ng sintomas ng acid reflux or na-diagnose na meron nito. 

Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo na ito, maaari mong bawasan ang iyong panganib para sa heartburn, acid reflux, pati na rin ang GERD.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

GERD (Chronic Acid Reflux): Symptoms, Treatment, & Causes, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17019-gerd-or-acid-reflux-or-heartburn-overview, Accessed January 5, 2021

What’s the Difference Between Heartburn, Acid Reflux and GERD? – Health Essentials from Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/whats-the-difference-between-heartburn-acid-reflux-and-gerd/, Accessed January 5, 2021

The Difference Between Heartburn and Reflux | Piedmont Healthcare, https://www.piedmont.org/living-better/whats-the-difference-between-heartburn-and-reflux, Accessed January 5, 2021

Acid reflux and GERD: The same thing? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heartburn/expert-answers/heartburn-gerd/faq-20057894, Accessed January 5, 2021

Heartburn and acid reflux – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/heartburn-and-acid-reflux/, Accessed January 5, 2021

Kasalukuyang Version

07/23/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Pananakit ng dibdib: Kailan ito heartburn o kabag?

Alamin: Sanhi Ng Heartburn, Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement