backup og meta

Heartburn: Mga Sintomas At Tips sa Pamamahala

Heartburn: Mga Sintomas At Tips sa Pamamahala

Ang heartburn ay pangkaraniwang pakiramdam na madalas ay nangyayari pagkatapos uminom ng mga carbonated drinks o kumain ng acidic foods. Kahit na palagi mong nararanasan ang burning sensation sa iyong dibdib o lalamunan, hindi ibig sabihin na nakakaranas ka ng heartburn. Upang mas maintindihan, alamin natin kung paano malalaman ang heartburn at mga sintomas nito. Ano nga ba ang mga sintomas ng heartburn?

Ano ang Heartburn?

Ang heartburn ay ang burning sensation na nararamdaman sa gitna ng dibdib na maaaring umabot sa lalamunan; madalas itong mangyari pagkatapos kumain.

Ang pagkakaroon ng heartburn paminsan-minsan ay normal. Gayunpaman, kung ang kondisyong ito ay nagiging madalas, at nagkakaroon ng negatibong epekto sa iyong pang-araw-araw na buhay, maaaring ito ay senyales ng mas malubhang problema sa kalusugan. 

Kung ito ay nagiging madalas, at nagsisimulang negatibong nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na buhay, maaaring ito ay isang senyales ng isang mas malubhang problema sa kalusugan.

Paano Matukoy ang Heartburn

Upang malaman kung heartburn, dapat mo munang malaman na ang heartburn ay isang sintomas at hindi disorder. Kung may heartburn ka, malamang na mayroong kang acid reflux, na karaniwang trigger ng heartburn.

Nangyayari ang acid reflux kapag ang acid ay umakyat pabalik ng iyong esophagus na nagreresulta sa burning sensation na tinatawag na heartburn. Kung ang acid reflux ay tumatagal ng higit sa 2 linggo, ito ay nagiging digestive disorder na tinatawag na gastroesophageal reflux disease o GERD. Bukod sa tagal, kung ito ay nagdudulot ng nakakabahalang mga sintomas o pinsala sa esophagus ito ay nagiging GERD. 

Ang heartburn ay pwede ring mapagkamalan na seryosong health emergency tulad ng atake sa puso. Pananakit ng dibdib ang pinaka karaniwang sintomas ng heartburn, ngunit ang pananakit ng heartburn ay medyo katulad ng atake sa puso. Ito ay maaaring sobrang pareho; na kinakailangan ng mga doktor na magsagawa ng extensive test para ma-rule out ang atake sa puso.

Kung nakakaranas ka ng pananakit ng dibdib, pinakamainam na tumawag sa emergency para sa mabilis na medical care.

Upang higit pang malaman kung paano matukoy ang heartburn, narito ang iba pang mga kondisyong pangkalusugan na nagbibigay ng katulad na burning chest pain sensation:

Angina

Pananakit ng dibdib o discomfort na resulta ng pansamantalang hindi sapat na daloy ng dugo sa puso.

Mga bato sa apdo

Kung ang gallstones ay humahadlang sa iyong bile duct, malamang na makaramdam ka ng matinding pananakit sa itaas o kanang itaas na bahagi ng iyong tiyan.

Ang sakit na ito ay mas masakit kaysa sa heartburn at hindi mapapawi ng antacid.

Ulcer sa tiyan

Ang mga sugat sa lining ng iyong tiyan ay maaaring magdulot ng pangmatagalang pananakit sa upper abdomen. Maaaring kailanganin mo ang isang antibiotic upang gamutin ang ulcer sa tiyan kung ito ay sanhi ng bacterial infection. Para sa mabilis na ginhawa, antacid ang maaaring solusyon.

Hiatal hernia

Ang hiatal hernia ay nangyayari kapag ang isang bahagi ng tiyan ay nakausli sa pamamagitan ng diaphragm patungo sa chest cavity. Ang mga sintomas ng hiatal hernia ay kinabibilangan ng burping, nausea, acid reflux, at pananakit o discomfort sa dibdib, na katulad ng mga sintomas ng heartburn.

Pleuritis

Ito ay resulta ng pamamaga ng mga lining sa paligid ng mga baga (pleura). Ang pleuritis ay sanhi ng bacterial o viral infection na maaaring humantong sa katulad ng heartburn na pananakit ng dibdib.

Ano ang mga Sintomas ng Heartburn?

Ang isa pang paraan kung paano matukoy ang heartburn ay sa pamamagitan ng pagkilala sa mga sintomas nito. Narito ang mga karaniwang sintomas ng heartburn:

  • Masakit na nasusunog na sensasyon na nagsisimula sa itaas na tiyan at tumataas sa dibdib o lalamunan.
  • Maaari mong maramdaman ang burning sensation pagkatapos kumain, kapag nakahiga, o kapag nakayuko.
  • Ang heartburn ay kadalasang may kasamang maasim o mapait na lasa sa bibig na maaaring magdulot ng bad breath.
  • Paulit-ulit na ubo o sinok
  • Paos na boses
  • Gustong i-regurgitate ang pagkain na kakakain mo lang.

Ang pag-inom ng antacid ay madaling makapagbigay sa iyo ng ginhawa kung dumaranas ka ng heartburn.

Sa kabilang banda, kung nakakaranas ka ng atake sa puso, ito ang mga sintomas na maaaring mag-alis ng heartburn:

  • Hindi lamang sa dibdib ang pananakit pero pwede rin itong maramdaman sa mga braso, leeg, panga, o likod. 
  • Ang pressure at paninikip ay maaari ding maramdaman sa dibdib at sa iba pang bahagi ng katawan na nabanggit kanina.
  • Nahihirapang lumunok
  • Patuloy na pagkahilo, pagduduwal, pagsusuka, heartburn, at pananakit ng tiyan
  • Malamig na pawis
  • Kinakapos na paghinga

Tandaan na ang posibilidad ng isang atake sa puso ay depende rin sa edad at iba pang mga kasalukuyang comorbidities ng pasyente.

Paano Pamahalaan ang Mga Sintomas ng Heartburn?

Narito ang mga do’s at don’ts kung paano mapawi ang mga sintomas ng heartburn:

DO’s

  • Magbawas at panatilihin ang malusog na timbang lalo na kung ikaw ay overweight o obese.
  • Kumain ng masusustansyang pagkain nang madalas at sa maliliit na bahagi.
  • Itaas ang iyong ulo kapag nakahiga kapag mayroon kang patuloy na heartburn. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-elevate ng katawan mula sa bewang pataas. Dagdagan ang taas sa ilalim ng iyong kutson para mas mataas ang ulo. Ang pagtaas ng iyong ulo kapag nakahiga ay pumipigil sa pag-akyat ng acid sa tiyan patungo sa iyong dibdib o lalamunan.
  • Maaaring palalain ng stress ang iyong heartburn, kaya mas mabuti kung hahanap ka ng mga paraan kung paano ma-destress.

DON’TS

  • Limitahan o iwasan ang mga pagkain na maaaring mag-trigger ng heartburn gaya ng carbonated sodas, alcohol, caffeinated na inumin, pati na rin ang acidic at maanghang na pagkain.
  • Iwasan ang mga pagkain sa gabi o pigilin ang pagkain sa loob ng 2 hanggang 3 oras bago matulog.
  • Huwag humiga kaagad pagkatapos kumain.
  • Iwasan ang pagsusuot ng masikip na damit na nagbibigay ng sobrang pressure sa iyong baywang.
  • Itigil ang paninigarilyo. 
  • Huwag kailanman mag-self-medicate. Palaging kumunsulta sa doktor bago subukan ang anumang mga gamot o paggamot.

Key Takeaways

Ang heartburn ay maaaring hindi kasing seryoso ng ibang mga medikal na kondisyon, ngunit kapag ito ay nagiging mas madalas, at ito ay nakakasagabal sa iyong pang-araw-araw na gawain, pinakamainam na magpasuri kaagad.
Mahalagang alam mo ang mga sintomas ng heartburn, lalo na para sa mga taong paulit-ulit na dumaranas nito.
Pinakamahalaga pa rin ang paghingi ng medical care kung ikaw o ang kakilala mo ay nakakaranas ng burning chest pains. Kailangan ng agarang interbensyong medikal para sa kondisyong ito, dahil maaaring ito ay isang senyales ng ongoing heart attack kaysa sa heartburn.

Matuto pa tungkol sa Digestive Health at Heartburn, dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heartburn https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heartburn/diagnosis-treatment/drc-20373229 Accessed August 30, 2020

Heartburn and Acid Reflux https://www.nhs.uk/conditions/heartburn-and-acid-reflux/ Accessed August 30, 2020

Heartburn https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9617-heartburn-overview Accessed August 30, 2020

9 Serious Conditions That Can Feel Like Heartburn https://www.health.com/condition/gerd/9-serious-conditions-that-can-feel-like-heartburn Accessed August 30, 2020

Heartburn or Heart Attack: When to Worry https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heartburn/in-depth/heartburn-gerd/art-20046483 Accessed August 30, 2020

What Does Heartburn Feel Like? https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/what-does-heartburn-feel-like Accessed August 30, 2020

Kasalukuyang Version

02/07/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Heartburn o GERD? Ano Ang Pinagkaiba Nilang Dalawa?

Pananakit ng dibdib: Kailan ito heartburn o kabag?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement