Kadalasan nating ginagamit ang katagang ‘butterflies in the stomach’. Ngunit alam niyo ba na ang emosyon at digestive health ay talagang may koneksyon? Ang mga malalakas na emosyon tulad ng pangamba at stress ay maaaring maging sanhi ng isyu sa tiyan at vice versa. Ito ay sa kadahilanan na ang ating digestive system ay sensitibo sa emosyon. Ang mga emosyon tulad ng galit, stress at pangamba ay maaaring mag-trigger ng sintomas sa iyong tiyan. Maraming mga sakit sa tiyan na sanhi ng malalang sakit at ang emosyonal o stress gastritis ay maaaring maging mahirap na harapin. Ano ang stress gastritis?
Pag-unawa sa Stress Gastritis
Upang umpisahan, unawain natin ano ang stress gastritis. Ang gastritis ay isang kondisyon kung saan ang lining ng tiyan ay namamaga at iritable. Ang labis na konsumo ng alak, tiyak na gamot kabilang ang painkillers, pagkahilo, at impeksyon sa tiyan ay mga banta ng gastritis.
Ito ay nakasasamang kondisyon at kung iiwanang hindi nalulunasan ay magiging sanhi ng malalang side effects kabilang ang cancer sa tiyan. Ang mga impeksyon na sanhi ng bacteria H. pylori ay isa sa mga nangungunang sanhi ng gastritis. Kung mati-trigger ng emosyon, ang kondisyon na ito ay tinatawag na emotional gastritis o stress-induced gastritis.
Hindi tulad ng ibang uri ng gastritis na sanhi ng infections o masamang lifestyle, ang stress gastritis o emotional gastritis ay nati-trigger dahil sa emosyon. Ang mga emosyon tulad ng pangamba, stress at kalungkutan kung babalewalain sa mahabang panahon ay maaaring maging malala at maging sanhi ng seryosong isyu sa kalusugan at isa sa mga ito ay gastritis.
Kung nakokontrol nang maayos ang emotional stress, ang sintomas ng kondisyon sa kalusugan ay unti-unting mawawala. Sa ibang mga kaso, ang lunas upang i-manage ang parehong emotional stress at kondisyon sa kalusugan ay mahalaga.
Sintomas ng Stress Gastritis
Ano ang stress gastritis? Sa pagtaas ng lebel ng stress ng isang tao, ang lebel ng stress hormones tulad ng cortisol ay tumataas din sa kanilang daluyan ng dugo. Ang mga hormones na ito ay nagpaparami ng gastric acid. Ang pagtaas ng lebel ng cortisol at gastric acid ay nagpapababa ng abilidad ng katawan upang ayusin ang namaga at napinsalang tissues.
Makatutulong sa digestive system ang pagkonsumo ng mga masusustansyang pagkain ng kaunting dami sa regular na pagitan.
Ang mga karaniwang sintomas na maaari mong maramdaman ay:
Sakit sa tiyan
Ang sakit sa tiyan ay isa sa pinakamahalagang sintomas ng gastritis.
Gayunpaman, sa kaso ng stress, ang sakit ay maaaring malala. Ang mga taong may emotional o stress gastritis ay binibigyang katangian ang sakit sa tiyan bilang sakit na sanhi ng isa pang sakit sa tiyan ngunit mas malala.
Kahit na ang sakit ay walang kinalaman sa kinain, ang pagmo-monitor ng mga kinakain ay makatutulong sa pag-iwas ng sakit sa tiyan. Maaari ka ring magpanatili ng food journal na makatutulong upang maunawaan kung ano ang maaaring magti-trigger ng gastritis.
Kawalan ng gana kumain
Ang iyong gana sa pagkain ay malaki ang epekto sa emotional gastritis. Ang pamamaga ay maaaring magresulta sa pagkasira at pagkawala ng protective cells sa lining ng tiyan.
Maaari itong magresulta sa kawalan ng gana sa pagkain o pakiramdam ng pagiging busog matapos kumonsumo ng kaunting pagkain. Maaari itong magresulta sa biglaang pagbaba ng timbang at ang pagkakaroon ng medikal na kondisyon.
Lunas sa stress gastritis
Ang stress-induced gastritis ay dala ng matinding emosyon. Ang lunas ay nagkokompromiso sa kombinasyon ng diet, pagbabago ng lifestyle, at gamot.
Pagbabago sa diet
Maging ang simpleng pagbabago sa diet ay makatutulong sa pag-iwas ng mga sintomas ng stress-induced gastritis.
Ang iyong diet ay malaki ang gampanin sa pagpapanatili hindi lamang ng kalusugan ng digestive system ngunit maging ang pangkalahatang kalusugan. Ang ilan sa mga pagkain at inumin ay maaaring magpalala ng gastritis.
Kaya’t mahalaga na iwasan ang ibang mga pagkain at inumin upang maiwasan ang kondisyon sa paglala. Kung ikaw ay may gastritis, mahalaga na iwasan ang acidic o maaasim na pagkain tulad ng kamatis at mga pagkain na maanghang, prito, at puno ng fats.
Iwasan ang pagkonsumo ng mga pagkain na magiging sanhi ng allergic reactions. Ilan sa mga inumin na dapat iwasan ay kabilang ang carbonated (mabula), caffeinated (kape at coke), at alcoholic na inumin. Damihan ang pagkonsumo ng mayaman sa fiber at mababa sa fat na mga pagkain.
Mga gamot upang i-manage ang stress gastritis
Kahit na ang kondisyon ay mula sa stress, ang sintomas ay maaaring makontrol nang kaunti sa tulong ng mga gamot. Maaaring magreseta ang iyong doktor ng proton pump inhibitors na nakatutulong sa pagharang sa mga cells na gumagawa ng acid. Ang mga gamot na ito ay karaniwang inirereseta sa maiksing panahon lamang dahil ang sobrang pagkonsumo ng proton pump inhibitors ay maaaring magpataas ng banta ng mga bali sa buto.
Ang ilang mga gamot na maaaring ireseta ng iyong doktor ay kabilang ang acid blockers. Gumagana ang mga gamot na ito sa pamamagitan ng pagbawas ng dami ng acid na nilalabas ng iyong digestive system. Sa ibang mga kaso, inirerekomenda rin ang antacids ng mga doktor upang i-neutralise ang acid sa tiyan.
Kahit na habang kumokonsumo ng gamot, siguraduhin na ito ay kasama ng ibang mga lunas. Ang mga gamot na ito ay epektibo lamang upang mabawasan ang mga sintomas. Upang malunasan nang ganap ang kondisyon, mahalaga na i-manage ang emosyon.
I-manage ang emosyon upang maiwasan ang sintomas ng stress gastritis
Ang pagkontrol ng emosyon ay isa sa pinakamahalagang pamamaraan na lunas. Ang pinaka sanhi ng emotional gastritis ay ang emosyon. Kaya’t ang tanging paraan upang i-manage ang sintomas at maiwasan ang kondisyon ay i-manage nang maayos ang iyong emosyon. Mahalaga na tanggalin ang negatibong emosyon. Gayundin, maaari mong gawin ang mga lunas tulad ng meditation, yoga, relaxation, techniques at iba pa.
Kailangan mo lamang na i-monitor ang iyong stress. Maging ang pang-araw-araw na stress ay maaaring humantong sa malalang isyu sa tiyan. Mahalaga na matukoy ang pinagmumulan ng stress at gawin ang mga paraan upang i-manage ito.
Upang i-manage ang stress, maaari mo ring hingin ang tulong ng counselling at therapy.
Ilan sa mga simpleng management tips sa stress na maaari mong sundin sa pang-araw-araw mong buhay
- Matutong humindi. Kung ikaw ay may mga stress kaugnay ng trabaho at pinalala mo ang sitwasyon ng mga trabahong mahirap i-manage, matutong humindi. Sa ganitong mga kaso, kausapin ang iyong manager at magbigay ng konklusyon na praktikal at convenient sa parehong pagkakataon.
- Maaari ka ring sumubok ng pagpapanatili ng journal at gawing gawi ang pagsusulat tungkol sa mga magandang bagay na nangyayari at mga bagay na nagbibigay sa iyo ng stress. Kung alam ang pinagmumulan ng stress, gumawa ng paraan upang i-manage ito. Gayundin, gumawa ng mga bagay na magpapasaya sa iyo.
- Iwasan na ma-stress sa mga bagay na hindi makontrol. Sa halip, mag-react sa mga isyu sa paraang positibo. Gayundin, sa halip na ma-stress sa gastritis at mga sintomas na nararanasan, umisip ng mga paraan paano ito malulunasan.
Matuto pa tungkol sa Gastritis management dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.