backup og meta

Totoo Bang Mabisa Ang Apple Juice Para Sa Gallstones? Alamin Dito

Totoo Bang Mabisa Ang Apple Juice Para Sa Gallstones? Alamin Dito

Tinatawag na gallstones ang matitigas na particle na gawa sa calcium bilirubinate o kolesterol, na nabubuo sa gallbladder. Iba-iba ang laki ng gallstones, maaaring maliit ang iba o malaki (tulad ng laki ng mga bola ng golf). Bukod dito, posible ring isang malaking tipak ang mga gallstones na nabubuo sa gallbladder o daan-daang maliliit na particle. Anong mga gamutan ang epektibo rito? Mabisa ba ang apple juice para sa gallstones?

Bago natin talakayin ang pag-inom ng apple juice para sa gallstones, mahalagang maunawaan muna ang mga epekto ng mga bato sa gallbladder.

Sa sandaling mabuo ang gallstones sa gallbladder, unti-unti nitong hinaharangan ang mga bile duct at biliary tract hanggang sa magdulot ito ng biglaang pananakit sa kanang itaas na bahagi ng tiyan. Hindi lahat ng gallstones ay may kakayahang magbara, at tinatawag itong silent gallstones. Hindi kinakailangan ng agarang medikal na atensyon ang mga ito.

Mayroong mga debate ngayon tungkol sa kung anong mga natural na gamutan ang maaaring magpalambot ng gallstones at makatulong sa paglabas nito sa katawan sa paraan ng pagdumi. Isa sa pinakakilalang natural remedy ang apple juice para sa gallstones. Ang tanong, mabisa ba talaga ito?

Apple Juice Para Sa Gallstones: Nakatutulong Ba Ito?

Hindi mabisang remedy sa pagpapalambot ng gallstones ang pag-inom ng apple juice. 

Ayon kay Dr. Brent A. Bauer ng Mayo Clinic, ginagawa ang gallbladder cleanse o flush upang alisin ang gallstones sa katawan. Gayunpaman, walang sapat na data o ebidensya upang patunayan na talagang pinipigilan o ginagamot nito ang gallstones o anumang digestive na kondisyon.

Bukod sa apple juice, may mga kumakain o umiinom din ng herbs at olive oil na naniniwalang nakatutulong ito sa pagtanggal o pagtunaw ng gallstones. Tinutulak nito ang katawan na ilabas ito habang dumudumi.

Bagaman totoong kilala ang olive oil bilang laxative, kailangan pa ng maraming pag-aaral para malaman kung mabisa ito para sa gallstones.

Tulad ng karamihan sa mga remedy o treatment, mayroon ding panganib sa mga ganitong uri ng cleansing. May mga nag-uulat na nakararanas ng pananakit, pagtatae, pagduduwal, at pagsusuka.

Kung hindi nagdudulot ng mga sintomas ang gallstones, karaniwang hindi na nito kailangan ng treatment. Ngunit sa panahon na kailangan na gamutin ang mga bato na ito, pinakamabuting kumonsulta sa doktor. Kabilang sa treatment nito ang sound wave therapy o surgical removal. 

Iba Pang Posibleng Treatment

Ngayong alam na natin ang katotohanang walang kakayahan magpalambot ng gallstones ang apple juice, at iba pang mga fruit juice, walang ibang paraan para gamutin ang gallstone kundi ang umasa sa iba pang posibleng treatment.

Nasa ibaba ang listahan ng iba pang remedy (bukod sa apple juice para sa gallstones):

Kung nakararamdam ng mga sintomas na may kaugnayan sa gallstones ang isang tao, ang surgical removal ng gallbladder ang pinakamabuting paraan. Kailangang manatili ng isang linggo sa ospital ang taong sasailalim sa operasyon.

Sa ngayon, may minimal invasive surgical approach para sa pag-alis ng gallbladder na maaaring hindi kailanganin ng tao na maospital sa loob ng isang linggo.

Tinatawag na laparoscopic cholecystectomy ang bagong paraan na ito.

Tinatanggal ng surgeon ang gallbladder sa pamamagitan ng maliliit na paghiwa sa tiyan. Mapanganib din ito dahil maaaring mapinsala ang mga bile duct.

  • Kung hindi maaaring sumailalim sa operasyon ng pagtanggal ng gallbladder ang isang tao, maaari silang pumili ng medical option. May ilang uri ng gamot na maaaring tumunaw ng maliliit na gallstones. Tumatagal ang treatment mula anim hanggang 12 na buwan. At may posibilidad din na bumalik ang gallstones paglipas ng limang taon. Ursodiol ang isang halimbawa ng gamot na tumutulong sa pagtunaw ng cholesterol gallstones, ngunit tumatagal ito ng ilang buwan bago umepekto.
  • Ginagamitan ng Extracorporeal Shock Wave Lithotripsy o ESWL ang isa pang treatment. Gumagamit ng mga soundwave ang prosesong ito para sirain ang gallstones. Mataas din ang rate ng pagbalik ng gallstones sa ESWL pagkatapos ng limang taon.
  • Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang percutaneous therapy kung mataas ang iyong surgical risk at hindi maaaring sumailalim sa agarang operasyon. Sa procedure na ito, isang tubo ang pinapasok sa gallbladder para maalis at/o makuha ang gallstone.

Matuto pa tungkol sa Gallbladder Disease dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Gallbladder Cleanse: A natural solution for gallstones? https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gallstones/expert-answers/gallbladder-cleanse/faq-20058134, Accessed September 2, 2021

2 Gallstones, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/gallstones/definition-facts, Accessed September 2, 2021

3 Apple juice for gallstones, https://doi.org/10.1016/S0140-6736(05)77083-5 , Accessed September 2, 2021

4 What to do about gallstones, https://www.health.harvard.edu/womens-health/what-to-do-about-gallstones, Accessed September 2, 2021

5 Gallstone disease treatment, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/gallstone-disease-treatment, Accessed September 2, 2021

6 Surgical and nonsurgical management of gallstones, https://www.aafp.org/afp/2014/0515/p795.html, Accessed September 2, 2021

7 Gallstones, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/7313-gallstones, Accessed September 2, 2021

Kasalukuyang Version

08/16/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Sakit Sa Gallbadder: Ano Ang Ibig Sabihin Ng "Contracted Gallbladder?"

Pagtanggal Ng Gallbladder, Bakit Isinasagawa Ito? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement