backup og meta

Bakit Minsan Nakararanas ng Constipation Pagkatapos ng Diarrhea?

Bakit Minsan Nakararanas ng Constipation Pagkatapos ng Diarrhea?

Bihira ang makaranas ng constipation pagkatapos ng pagtatae at pagsusuka. Sa oras na makaranas ng ganito, likas na sa taong mag-alala dahil hindi nila alam kung anong kondisyon ang maaaring mayroon sila. Bukod dito, mayroong isa pang kondisyong pangkalusugan na maaaring mauwi sa constipation pagkatapos ng pagtatae at pagsusuka. Ito ang tinatawag na post-infectious irritable bowel syndrome.

Bakit nangyayari ang constipation pagkatapos ng pagtatae?

Nangyayari ang constipation pagkatapos ng pagtatae at/o pagsusuka dahil sa mga impeksyon o sikolohikal na mga problema. Tinatawag ang uri ng kondisyong ito na post-infectious irritable bowel syndrome (PI-IBS) at kadalasan itong nangyayari sa mga taong na-diagnose noon na may acute gastroenteritis. 

constipation pagkatapos ng pagtatae

Ang posibilidad na magkaroon ng post-infectious irritable bowel syndrome ay nasa pagitan ng 5% at 36%.

Ang mga sintomas ng post-infectious irritable bowel syndrome ay:

  • Pagtatae
  • Pamumulikat ng tiyan
  • Pagduduwal
  • Para sa ilang tao, constipation

May mga taong nakararanas pa rin ng mga hindi kaaya-ayang sintomas na ito kahit na nagamot na sila para sa viral gastroenteritis o iba pang bacterial infection tulad ng E.coli,Salmonella, C.difficile, Campylobacter, o Shigella.

Nagpapatuloy ang hindi komportableng mga sintomas na ito at hindi bumabalik sa normal ang galaw ng kanilang panunaw. Sa kasong ito, kailangan na nilang humingi agad ng medikal na tulong.

Natukoy na ang mga bacterial infection ay pangunahing sanhi ng post-infectious irritable bowel syndrome, at dahil dito, kailangang iwasan ng mga tao ang mga sumusunod dahil higit na laganap ang bacterial infection dito:

  • Kontaminadong pagkain at tubig
  • Pakikisalamuha sa mga tao at hayop na may impeksyon

Normal lang ba ang constipation pagkatapos ng pagtatae?

Normal lang ang constipation pagkatapos ng pagtatae at/o pagsusuka. May ilang mga taong nakararanas pa rin ng discomfort sa tiyan at isa na nga rito ang constipation. Pareho ang mga sintomas na nararanasan ng mga taong may post-infectious irritable bowel syndrome sa irritable bowel syndrome. Ngunit dapat tandaang magkaiba ang dalawang ito.

Kadalasang hindi gaanong malala ang mga sintomas ng post-infectious irritable bowel syndrome at mawawala rin pagkalipas ng ilang araw. Kaya’t hindi dapat ipag-alala kung makaranas ng constipation pagkatapos ng pagtatae at/o pagsusuka.

Dagdag pa, kung nagkaroon na noon ang isang tao ng viral gastroenteritis, normal lang ding makaranas ng constipation.

Dahil kasama ang pagtatae, pamumulikat ng tiyan, pagduduwal at pagsusuka sa ilang mga sintomas ng viral gastroenteritis, karaniwan na ang makaranas ng constipation pagkatapos.

Gaano Kadalas Mangyari ang PI-IBS?

Ang mga taong na-diagnose na may irritable bowel movement ang karaniwang nagkakaroon ng PI-IBS ng 6-17%. Sa kabilang banda, ang mga taong na-diagnose na may bacterial gastroenteritis ay may 10% posibilidad na makakuha ng PI-IBS. 

May mga kaso ring ang pagtatae ang pangunahing sintomas na nararanasan. Tinatawag itong IBS-D. Sa ilan namang mga kasong palitang nangyayari ang pagtatae at constipation, tinatawag naman itong IBS-M. Panghuli, sa mga kaso na ang constipation ang pangunahing sintomas, tinatawag itong IBS-C at ito ang pinakabihira.

Ano ang mga salik ng panganib?

  • Tagal at lala ng unang sakit
  • Kakayahan ng bacteria na gumawa ng toxins
  • Sikolohikal na salik, gender, at edad

Paano matutugunan ang post-infectious irritable bowel syndrome?

Pwedeng matugunan ang post-infectious irritable bowel syndrome sa pamamagitan ng direktang paggamot sa mga sintomas nito kaysa sa paggamot sa disorder sa kabuoan.

Wala pang malinaw na paraan ng pagtugon sa post-infectious irritable bowel syndrome. Ito ang dahilan kung bakit ang gamutan ay nakatuon direkta sa mga sintomas.

Dagdag pa, may iba pang paraan upang mabawasan ang discomfort ng PI-IBS tulad ng pagbabago sa diyeta at pag-inom ng mga supplement at gamot.

Ang pagbabago sa diyeta ng isang tao ay makatutulong upang mabawasan ang hindi kaaya-ayang mga sintomas ng PI-IBS, gayunpaman, mahalagang tandaan na ang dietary requirement ay nagkakaiba-iba depende sa tao. Upang malaman ang tamang diyeta para sa iyo, kumonsulta sa doktor.

Para sa gamutan, maaaring irekomenda ng mga doktor ang probiotics, antispasmodics, at antidiarrheal medication. Lahat ng ito ay mayroon sa mga botika.

Kailan dapat magpunta sa doktor?

Kadalasan, ang mga sintomas ng PI-IBS ay tumatagal ng 3 linggo bago maresolba nang kusa. Gayunman, may mga pagkakataon ding ang mga sintomas nito ay nananatili nang mas matagal kumpara sa karaniwan.

Kung magpatuloy ang mga sintomas, ito na ang oras upang magpunta sa doktor. Ito rin ang oras upang itanong kung anong gamot ang kailangan nilang inumin.

Key Takeaways

Hindi isang malalang kondisyon ang makaranas ng constipation pagkatapos ng pagtatae at pagsusuka. Hindi dapat sobrang mag-alala ang mga tao dahil mawawala rin nang kusa ang mga sintomas nito. Palaging humingi ng tulong medikal kapag nagpatuloy ang mga sintomas.

Key-takeaways

Matuto pa tungkol sa managing constipation dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Viral gastroenteritis

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/viral-gastroenteritis/symptoms-causes/syc-20378847

Accessed July 21, 2021

PI-IBS

What to Do When a Stomach Bug Won’t Go Away

https://health.clevelandclinic.org/what-to-do-when-a-stomach-bug-wont-go-away/

Accessed July 21, 2021

Post-infectious irritable bowel syndrome

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2721231/

Accessed July 21, 2021

Therapy of the postinfectious irritable bowel syndrome: an update

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5433563/

Accessed July 21, 2021

https://aboutibs.org/what-is-ibs/post-infectious-ibs/

Post-infectious IBS

Accessed July 21, 2021

Kasalukuyang Version

12/29/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang mga Benepisyo ng Mangga sa Kalusugan?

Sanhi ng Constipation, Anu-ano ang mga Ito? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement