Ano Ang Achalasia?
Hindi tulad ng mga karaniwang digestive conditions tulad ng gastritis o GERD, bihirang magkaroon ng achalasia ang isang tao. Ito ay tumutukoy sa sakit na partikular na nagaganap sa esophagus o ang tubong karaniwang nagdadala ng pagkain mula sa lalamunan papunta sa tiyan. Sa kondisyong ito, hindi nacocontract nang maayos ang mga muscles ng esophagus, dahilan para hindi rin magbukas nang maayos o hindi talagang magbukas ang lower esophageal sphincter o ang ring na muscle. Dahil dito, nahihirapan ang isang taong may achalasia na lumunok ng pagkain o tubig dahil nagiging stuck ito. Madalas din ito bumabalik pataas at isinusuka na lang.
Ang ibig sabihin ng achalasia ay kabiguang magrelaks. Ito ay kilala rin sa katawagang esopahageal achalasia o achalasia cardia. Karamihan sa mga kaso nito ay sanhi ng pagkawala ng mga nerve cell na kumokontrol sa paglunok ng mga muscles sa esophagus.
Napagkakamalan ito ng ilang tao bilang gastroesophageal reflux disease (GERD). Gayunpaman, sa achalasia ang pagkain ay nagmumula sa esophagus, samantalang sa GERD, ang materyal ay nagmumula sa tiyan. Kadalasan, mabagal ang pag-unlad ng naturang kondisyon, at kalaunan, nagiging mas mahirap ang paglunok ng pagkain o inumin.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap