Madalas nahihirapan ang ilang mga taong kumain dahil sila ay sinisikmura dahil sa GERD. Ngunit, normal ba sa mga taong may GERD na isuka ang lahat ng kanilang kainin at inumin maging ang simpleng tubig? Maaaring senyales na ito ng iba pang kondisyon tulad ng achalasia. Ano ang achalasia? Alamin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kondisyong ito dito.
Ano Ang Achalasia?
Hindi tulad ng mga karaniwang digestive conditions tulad ng gastritis o GERD, bihirang magkaroon ng achalasia ang isang tao. Ito ay tumutukoy sa sakit na partikular na nagaganap sa esophagus o ang tubong karaniwang nagdadala ng pagkain mula sa lalamunan papunta sa tiyan. Sa kondisyong ito, hindi nacocontract nang maayos ang mga muscles ng esophagus, dahilan para hindi rin magbukas nang maayos o hindi talagang magbukas ang lower esophageal sphincter o ang ring na muscle. Dahil dito, nahihirapan ang isang taong may achalasia na lumunok ng pagkain o tubig dahil nagiging stuck ito. Madalas din ito bumabalik pataas at isinusuka na lang.
Ang ibig sabihin ng achalasia ay kabiguang magrelaks. Ito ay kilala rin sa katawagang esopahageal achalasia o achalasia cardia. Karamihan sa mga kaso nito ay sanhi ng pagkawala ng mga nerve cell na kumokontrol sa paglunok ng mga muscles sa esophagus.
Napagkakamalan ito ng ilang tao bilang gastroesophageal reflux disease (GERD). Gayunpaman, sa achalasia ang pagkain ay nagmumula sa esophagus, samantalang sa GERD, ang materyal ay nagmumula sa tiyan. Kadalasan, mabagal ang pag-unlad ng naturang kondisyon, at kalaunan, nagiging mas mahirap ang paglunok ng pagkain o inumin.
Sa kasamaang palad, walang gamot ang achalasia. Kapag ang esophagus ay paralisado, ang muscles ay hindi na maaaring gumana nang maayos muli. Ngunit, maaaring makontrol ang mga sintomas na nararamdaman sa pamamagitan ng endoscopy. Minimally invasive therapy o surgery.
Ano Ang Achalasia At Mga Sintomas Nito?
Katulad ng nabanggit, unti-unti ang paglabas at paglala ng mga sintomas ng achalasia sa paglipas ng panahon. Maaaring iba-iba ang mga sintomas sa kada tao, ngunit kadalasan lumalabas ang mga ito kapag lumalawak at humihina ang esophagus. Ilan sa mga karaniwang sintomas ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Maaari ring makaranas ng pneumonia ang isang tao mula sa apirasyon ng pagkain sa baga. Ilan sa mga sintomas na ito ay tulad ng sa GERD. Subalit, tumataas ang panganib na magkaroon ng cancer sa esophagus kapag mayroon kang pangmatagalang achalasia. Kung kaya, mahalagang masuri ito sa pamamagitan ng ilang mga tests tulad ng endoscopy, esophogram, at manometry.
Ano Ang Achalasia At Paano Ang Paggamot Para Rito?
Nakatutok ang paggamot sa achalasia sa pagrerelaks o pag-uunat ng bukasan ng lower esophageal sphincter upang mas madaling gumalaw sa digestive tract ang pagkain at inumin. Bilang karagdagan, mainam din ang mga mababanggit upang maibsan ang paglala ng mga sintomas at pagkakaroon ng mga komplikasyon.
- Pneumatic dilation. Ito ay isang outpatient procedure kung saan ipinapasok ang isang balloon sa gitna ng esophageal sphincter sa pamamagitan ng endoscopy upang palakihin ang opening. Maaari itong ulit-ulitin kung hindi magbukas ang naturang sphincter.
- Botox (botulinum toxin type A). Ang muscle relaxant na ito ay maaaring direktang iturok sa esophageal sphincter na may endoscopic needle. Tulad ng pneumatic dilation, maaaring kailanganin itong ulitin, at ito ay maaaring magdulot ng kahirapan sa pagsasagawa ng operasyon. Ito ay kung kakailanganin man ito sa susunod na pagkakataon. Ngunit, ang botox injection ay inirerekomenda lamang kung hindi pwede ang pneumatic dilation o operasyon.
- Medication. Maaari ring magreseta sa iyo ang iyong doktor ng mga muscle relaxants tulad ng nitroglycerin o nifedipine bago kumain. Gayunpaman, ang mga ito ay mayroong limitadong epekto at malubhang mga side effect. Kung kaya, hindi rin ito basta-bastang ibinibigay.
Bukod sa mga ito, mayroon ding ilang mga surgical procedures na maaaring ikonsidera tulad ng Heller myotomy at peroral endoscopic myotomy.
Dapat maunawaan na ang partikular na paggamot ay nakadepende sa iyong edad, kondisyon ng kalusugan at ang kalubhaan ng achalasia.
Key Takeaways
Isang hindi pangkaraniwang kondisyon ang achalasia na nangangailangan ng agarang aksyon upang hindi lalo lubusang lumala at maging komplikado. Bagaman wala pang lunas para rito, makatutulong kung maisasagawa ang paggamot sa lalong madaling panahon. Para sa karagdagang impormasyon kung ano ang achalasia at angkop na paggamot, siguraduhing kumunsulta sa iyong doktor.
Alamin ang iba pa tungkol sa Iba Pang Isyu sa Digestive Health dito.