backup og meta

Extrapulmonary Tuberculosis: Kapag Kumalat ang TB Mula sa Baga

Extrapulmonary Tuberculosis: Kapag Kumalat ang TB Mula sa Baga

Ang Tuberculosis (TB) ay isang sakit na sanhi ng bacterium na kilala bilang Mycobacterium tuberculosis. Karaniwang tinatarget ng bacteria na ito ang baga, ngunit maaari din itong tumama sa iba pang organ tulad ng meninges, abdomen, genitourinary tract, mga buto, at iba pang gaya ng mga ito. Kilala ang ganitong uri ng TB bilang extrapulmonary tuberculosis. Alamin pa dito kung ano ang extrapulmonary tuberculosis.

Ang mga na-diagnose na may HIV ay mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng tuberculosis. Karamihan sa mga kaso, ang mga taong positibo sa HIV ay puwedeng magkaroon ng parehong pulmonary at extrapulmonary TB disease nang sabay. Ano ang extrapulmonary tuberculosis?

Ano ang Sanhi ng Extrapulmonary Tuberculosis?

Karamihan sa extrapulmonary tuberculosis ay nangyayari kapag ang TB bacteria mula sa baga ay nakahawa ng iba pang organ sa pamamagitan ng bloodstream.

Nakakahawa ba ang Extrapulmonary Tuberculosis?

Mahalagang tandaang bagaman karaniwang nakakahawa ang TB sa baga, ang mga taong may extrapulmonary disease ay hindi nakakahawa, maliban kung:

  • Mayroon din silang pulmonary tuberculosis.
  • Kung nasa oral cavity o sa paligid ng larynx ang kanilang extrapulmonary TB
  • Kung lumilikha ng abscesses ang kanilang extrapulmonary TB na nahawaan ng foreign organisms.

Mga Senyales at Sintomas ng Extrapulmonary Tuberculosis

Ang mga sintomas ng extrapulmonary TB ay iba-iba depende sa kung anong bahagi ng katawan o organ ang apektado.

TB Lymphadenitis

Ang ganitong uri ng TB ay nakakaapekto sa lymph nodes. Karaniwan nitong nahahawa ang mga kulani sa paligid ng leeg. Maaari din itong makahawa sa mga kulani sa iba pang bahagi ng katawan. Ito ang isa sa pinakakaraniwang uri ng extrapulmonary tuberculosis.

Pinakahalatang senyales nito ang pamamaga at kadalasang walang sakit na bukol sa paligid ng leeg na dulot ng lumaking lymph nodes. Kabilang din sa iba pang sintomas nito ang:

  • Lagnat
  • Pananamlay o pagkapagod
  • Biglang pagbagsak ng timbang
  • Pagpapawis sa gabi

Genitourinary TB

Ang sakit sa pag-ihi na ito ay pangalawa sa pinakakaraniwang uri ng extrapulmonary TB. Maaaring sanhi ng bacteria sa daluyan ng dugo o naapektuhang lymph nodes ang genitourinary TB. Naaapektuhan nito ang kidney ng tao, ngunit maaari din itong makaapekto sa daluyan ng ihi o genitals. Nakakahawa ito. May mga naiulat na kaso na kumakalat ito sa iba sa pamamagitan ng pakikipagtalik. 

Ang mga may genitourinary TB ay nakakakita ng ulcers sa kanilang mga ari o sa daluyan ng ihi. Kabilang sa iba pang sintomas ang:

  • Pamamaga ng testicles
  • Masakit na pakiramdam kapag umiihi
  • Mas kakaunti ang ihing nailalabas
  • Matinding pananakit ng likod at pelvis
  • Mas kakaunti ang dami ng semen
  • Impotence o infertility

Skeletal TB

Tinatawag ding bone TB, nakakaapekto ito sa karamihan, kundi man lahat ng iyong buto, kabilang na ang spine. Ang impeksyon ay maaaring kumalat mula sa baga at/o lymph nodes. Mas laganap ang skeletal TB sa mga bansang may mataas na kaso ng HIV positive at AIDS dahil ito ang nakapagpapababa ng resistensya ng katawan. 

Walang nakikitang mga sintomas sa una ang skeletal TB, ngunit unti-unti, nagdudulot ito ng pagbabago sa hugis ng mga buto. Kabilang sa iba pang senyales ang:

  • Matinding pagsakit ng likod
  • Stiffness
  • Pagtubo ng abscesses

Miliary TB

Nakakaapekto ang ganitong anyo ng extrapulmonary TB sa ilang mga organ nang sabay-sabay. Maaaring kumalat ang impeksyon sa baga, bone marrow, at atay, ngunit maaari ding makaapekto sa spine, utak, at puso.

Pareho ang mga sintomas ng miliary TB sa karaniwang mga sintomas ng TB. Kabilang dito ang:

  • Pagsakit ng likod
  • Pagkapagod
  • Pamamaga
  • Maaari ding may sintomas na para sa tiyak na mga organ na apektado
  • Pagbaba ng timbang
  • Lagnat

Liver TB

Kilala rin bilang hepatic TB, ang liver TB ay medyo hindi bihirang anyo ng extrapulmonary TB na nakakaapekto sa atay. Bukod sa baga, maaari din itong kumalat sa gastrointestinal tract, at lymph nodes.

Kabilang sa mga sintomas ng liver TB ang:

  • Mataas na lagnat
  • Upper abdominal pain
  • Lumaking atay
  • Jaundice o paninilaw ng mga mata

Gastrointestinal TB

Nahahawa ng gastrointestinal TB ang karamihan sa parte ng gastrointestinal tract. Kabilang na dito ang magkakaibang organ mula sa bibig hanggang sa anus.

Ang ganitong extrapulmonary TB ay may mga senyales na pareho sa iba pang gastrointestinal na sakit o kondisyon. Kabilang sa iba pang mga sintomas ang:

  • Pagsakit ng tiyan
  • Pagkawala ng ganang kumain at pagbaba ng timbang
  • Paulit-ulit na pagtatae
  • Constipation
  • Pagduduwal

TB Meningitis

Ang ganitong uri ng extrapulmonary TB ay kumakalat at lumalaki sa meninges, ang tissue sa paligid ng utak at spinal cord. 

Maaaring ikalat ng baga at dugo ang impeksyon sa meninges. Hindi tulad ng ibang uri, puwedeng mabagal ang pag-develop ng mga sintomas ng TB meningitis.

Kabilang sa mga senyales ang: 

  • Pagsakit ng likod at kalamnan
  • Pagkapagod
  • Pagkawala ng ganang kumain
  • Paulit-ulit na pagsakit ng ulo
  • Lagnat
  • Pagduduwal

Kung magpatuloy ang TB meningitis, maaari itong maghatid ng:

  • Matinding pagsakit ng ulo
  • Pagiging sensitibo sa liwanag
  • Stiff neck

TB Peritonitis

Ang TB peritonitis ay isang sakit na nakakaapekto sa peritoneum, ang tissue sa lining ng abdomen at sa mga organ sa parehong lugar.

Kabilang sa mga sintomas ng TB peritonitis ang:

  • Lagnat
  • Naiipon ang fluid sa paligid ng tiyan
  • Pamamaga at bloating dulot ng naipong fluid
  • Panghihina
  • Pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Kawalan ng ganang kumain

TB Pericarditis

Ang impeksyong ito ay nakakaapekto sa pericardium, na binubuo ng mga layer ng tissue na naglalagay sa puso sa permanenteng lugar nito.

Kabilang sa mga senyales at sintomas ng TB pericarditis ang:

  • Pagsakit ng dibdib
  • Lagnat
  • Palpitations
  • Kinakapos ng hininga
  • Pag-ubo

Maaari ding warning signs ng atake sa puso ang mga ganitong sintomas. Agad na tumawag sa doktor upang maiwasan ang higit pang komplikasyon. 

Cutaneous TB

Isang bihirang extrapulmonary TB ang Cutaneous TB na nakakaapekto sa balat at maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng katawan. Bagaman may magkakaibang uri ng ganitong impeksyon, ang karaniwang mga sintomas nito ay sores na:

  • Hindi masakit
  • Kulay purple o reddish brown
  • Mukhang kulugo
  • Maliit at mabukol

Maaaring lumitaw ang ganitong mga sugat sa mga sumusunod na bahagi ng katawan:

  • Paligid ng siko
  • Mga kamay
  • Puwet
  • Balat sa likod ng tuhod
  • Paa

Extrapulmonary Tuberculosis Diagnosis

Maaaring magsagawa ng sputum smear ang mga doktor, isang karaniwang laboratory test na isinasagawa upang ma-dianose ang lahat ng uri ng TB. Maaari ding sumailalim ang pasyente sa molecular-based diagnostic tests.

Extrapulmonary Tuberculosis Treatment

Karaniwan na ang pag-inom ng antibiotic para sa paggamot sa TB. Depende sa kung anong bahagi ng katawan ang apektado, tumatagal ng 6 hanggang 9 na buwan ang gamutan. Para sa TB meningitis, maaaring tumagal ito ng 9 hanggang 12 buwan. Maaari ding mangailangan ang pasyente ng corticosteroids para sa mga kaso ng pericarditis at meningitis, o kung saan may resistance sa gamot.

Kailangan ng surgery para sa:

  • Pag-drain ng abscesses at sobrang pericardium fluids
  • Pagsasara ng bronchopleural fistulas
  • Pagtatanggal ng infected bowel
  • Pagbawas ng spinal cord encroachment

Key Takeaways

Ano ang extrapulmonary tuberculosis? Nagkakaroon ng extrapulmonary TB kapag na-infect ng TB bacteria ang mga organ sa katawan na kaugnay ng baga. Maaari itong makapanghawa kung naapektuhan nito ang oral cavity o ang larynx. Kabilang sa karaniwang mga sintomas ang lagnat, pagsakit ng dibdib, at pagkapagod.

Maaaring magrekomenda ang mga doktor ng antibiotics bilang gamutan. Pwede ring mangailangan ng surgery depende sa bahagi ng katawan ang apektado.

Matuto pa tungkol sa Tuberculosis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Extrapulmonary tuberculosis (EPTB), https://medicalguidelines.msf.org/viewport/TUB/latest/2-2-extrapulmonary-tuberculosis-eptb-20320217.html, Accessed May 15, 2021

Tuberculosis: Types, https://www.nationaljewish.org/conditions/tuberculosis-tb/types, Accessed May 15, 2021

Transmission and Pathogenesis of Tuberculosis, https://www.cdc.gov/tb/education/corecurr/pdf/chapter2.pdf, Accessed May 15, 2021

Treatment of extrapulmonary TB and of TB in special situations, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK138753/#:~:text=The%20recommended%20initial%20TB%20treatment,months%20of%20isoniazid%20and%20rifampicin., Accessed May 15, 2021

Peritoneum, https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/peritoneum, Accessed May 28, 2020

Ascites, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/ascites, Accessed May 28, 2020

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Paano Nagagamot ang Tuberculosis?

Mayroon bang Herbal Medicine para sa Tuberculosis?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement