Para sa marami, ang pananatiling malusog ang pinaka-priority. Ang ibig sabihin ng pagkakasakit ay hindi kayang alagaan o makapagbigay para sa pamilya, at ang mga gamot at lunas na kabilang dito ay sobrang magastos. Kaya’t lagi nating sinusubukan ang ating buong makakaya upang manatiling malusog at maiwasan ang sakit.
Sa Pilipinas, isa sa nangungunang sanhi pananatili sa ospital ay pneumonia. Ito ay isang nakahahawang sakit na naaapektuhan ang baga, at maaaring humantong sa seryosong karamdaman at pagkamatay kung hindi magagamot.
Sino ang nagkakaroon ng pneumonia? Ang pneumonia ay isang uri ng pneumococcal infection. Ang ilan ay benign tulad ng sinusitis, o otitis media, habang ang iba ay mas malaking alalahanin, tulad ng meningitis. Nakatutulong para sa iyo na magdesisyon ng gagawing aksyon upang maiwasan ang pagkakasakit kung alam mo ang banta ng pneumonia at pneumococcal infections.
Ang pag-alam kung sino ang at risk ay makapagsasabi kung vulnerable ba ang iyong mga mahal sa buhay. Kung mas marami kang alam tungkol sa pneumococcal infection, mas maaalagaan mo ang iyong sarili at ang iyong pamilya.
Sino ang Nagkakaroon ng Pneumonia at Pneumococcal Infections?
Ang mga tao na nasa sumusunod na pangkat ay kailangan ng labis na pag-iingat dahil sila ang mga pinaka maaaring maging infected.
Mga bata at sanggol
Sino ang nagkakaroon ng pneumonia? Ang mga bata at sanggol ay mas maaaring magkaroon ng pneumonia dahil wala pa silang well-developed na immune systems. Ibig sabihin nito na kung nagkaroon sila ng pneumococcal infection, maaaring hindi kayang labanan ito ng kanilang katawan, kaya’t may posibilidad na maaari itong kumalat sa kanilang baga at humantong sa pneumonia.
Hindi ibig sabihin nito na lahat ng mga bata ay may parehong risk. Dahil sa maraming mga dahilan, ang ilang mga bata ay mas vulnerable kumpara sa iba. Kabilang dito ang:
- Mga baby na 6 na buwang gulang o mas bata pa
- Premature na babies
- Mga baby na isinilang na may problema sa baga at puso
- Mga batang may birth defects, o mga batang may seizures o cerebral palsy
- May mga asthma na mga bata
Mga Matatanda
Ang pneumonia sa matatandang pasyente ay seryosong concern. Ito ay sa kadahilanan na ang mga matatandang pasyente ay mas mahina ang immune systems, at ang kanilang katawan ay hindi kayang labanan ang pneumonia tulad sa mga bata.
Kadalasan na nararanasan ng mga matatanda ang mas seryosong komplikasyon at nananatili sila sa ospital para sa mas mahabang panahon ng recovery. Ang banta ng mortality sa mga matatandang pasyente na may pneumonia ay maaaring tumaas hanggang sa 20%, kaya’t nakapahalaga na maging maingat upang maiwasan ang kahit na anong sakit.
Immunocompromised na mga indibidwal
Maliban sa mga bata at matatanda, ang mga tao na immunocompromised ay at risk din sa pneumonia. Ibig sabihin ng “immunocompromised” na ang immune system ng isang tao ay mahina na, at walang abilidad na lumaban sa infection.
Sa partikular, ang pinaka-vulnerable na magkaroon ng pneumonia ay ang mga taong may:
- HIV
- Cancer
- Sumailalim sa paggamit ng chronic steroid
- Mayroong solid o sumailalim sa stem cell transplantation
- Chemotherapy treatment
- Immune deficiency diseases
Para sa mga taong ito, kahit na ang simpleng ubo o sipon ay mabilis na magiging seryosong karamdaman, dahil ang kanilang immune cells ay hindi kayang labanan ang infection sa loob ng katawan.
Mga Taong may Problema sa Respiratory
Sino ang nagkakaroon ng pneumonia? Ang pneumonia ay infection na nakaapekto sa baga ng tao, na nagreresulta ng inflammation. Ibig sabihin nito na ang mga taong may kasalukuyang problema sa respiratory ay mas vulnerable.
Ang mga taong may chronic respiratory problems ay at risk sa pneumonia, tulad ng mga taong may:
- Asthma
- Chronic obstructive pulmonary disease o COPD
- Bronchiectasis
- Cystic fibrosis
Mga Taong may Malalang Karamdaman
Sino ang nagkakaroon ng pneumonia? Sa huli, ang mga taong may malalang karamdaman tulad ng diabetes, sakit sa puso at bato ay vulnerable rin sa pneumonia.
Sa kaso ng sakit sa puso, ang mga seryosong sakit tulad ng pneumonia ay mas magbibigay ng stress sa puso. Kung ang isang tao na may sakit sa puso ay magkaroon ng pneumonia, may banta na maaaring magkaroon ng atake sa puso, o heart arrhythmia mula sa infection.
Ang mga taong namumuhay na may diabetes ay nasa 3 beses na at risk at maaaring mamatay mula sa pneumonia dahil sa mas mahinang immune system na sanhi ng mataas na blood sugar.
Karagdagan, ang paninigarilyo at abuso sa pag-inom ng alak ay may banta rin ng pneumonia.
Mahalaga na tandaan na bagaman ang ibang mga tao ay mas maaaring magkaroon ng pneumonia, hindi ibig sabihin nito na ang malulusog na tao ay “immune” dito. Kahit na ikaw na malusog at walang history ng problema sa respiratory, maaari ka pa ring magkaroon ng pneumonia, bagaman mababa ang tsansa.
Paano mo Maiiwasan ang Pneumonia?
Narito ang mga paraan upang maiwasan at mapababa ang banta ng pneumonia:
Bakuna
Ang pinaka mainam na paraan upang maiwasan ang pneumonia ay magpabakuna. May dalawang uri ng bakuna na makatutulong upang protektahan ang mga tao sa pneumonia.
Ang una ay ang pneumococcal conjugate vaccine (PCV). Ang bakunang ito ay karaniwan na inirerekomenda ng mga doktor para sa mga sanggol, bata, at mga taong at risk ng sakit na ito.
Para sa mga sanggol, 3 doses ang tipikal na ibinibigay upang makakuha ng kabuuang proteksyon ng bakuna.
Ang mga adult at matatanda ay kadalasang binibigyan ng isang dose. Sapat na ito upang protektahan sila laban sa pneumonia at pneumococcal infections nang panghabang buhay.
Ang pangalawang bakuna ay PPSV23. Maaaring gamitin ang bakunang ito kasama ng PCV upang maiwasan ang malalang pneumococcal disease. Ang mga indibidwal na at risk ay inirerekomenda na magpabakuna muna ng PCV, at sunod na magpabakuna ng PPSV23 matapos ang isang taon.
Mahalaga na kausapin ang iyong doktor. Siguraduhin na sabihin lahat ng mga kondisyon sa kalusugan at alamin kung anong bakuna ang nararapat para sa iyo.
I-manage ang Iyong Kondisyon
Maliban sa bakuna, mahalaga para sa lahat na mayroon nang kondisyon sa kalusugan na gawin ang lahat ng makakaya nila upang i-manage ang kondisyon. Ibig sabihin nito na ang mga may diabetes ay kailangan na tingnan lagi ang lebel ng blood sugar, ang mga pasyenteng may HIV ay kailangan na gumamit ng antiretroviral na gamot, at ang mga taong may asthma ay kailangan ng maintenance na gamot, kung mayroon.
Hindi lamang nito natutulungan na maiwasan ang komplikasyon, ngunit nakatutulong din ito na mapababa ang infection at seryosong sakit, tulad ng pneumonia.
Matuto pa tungkol sa pneumonia dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.