backup og meta

Bakuna sa Pneumonia: Safe ba Ito Para sa May Chronic Disease?

Bakuna sa Pneumonia: Safe ba Ito Para sa May Chronic Disease?

Hindi mo matutukoy kung ano ang mangyayari sa buhay. Sa kabutihang palad, ang ating katawan ay dinesenyo na matibay at matatag sa lahat ng hamong ibato sa atin. Gayunpaman, para sa mga taong may malalang sakit o immunodeficiency, mas mahirap ito. Ang mga infections tulad ng pneumonia ay mas nagiging karaniwan at mas mahirap na labanan. Ang bakuna sa pneumonia para sa malalang sakit at immunocompromised ay nagbibigay ng kinakailangan na proteksyon. At kung protektado na, maaari ka nang maglaan ng mahabang panahon na i-enjoy ang buhay kasama ng iyong mga mahal sa buhay sa halip na mangamba tungkol sa pagkakaroon ng sakit.

Benepisyo ng Bakuna sa Pneumonia

Lahat ng bakuna na ginagamit ngayon ay ligtas, epektibo, at nagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa mga taon na lilipas. Habang wala pang tiyak na bakuna na available upang maiwasan ang malalang mga sakit tulad ng diabetes, hypertension, COPD, at asthma, may mga bakuna na available upang mabawasan ang banta ng infection at seryosong mga komplikasyon.

Bagaman maraming mga tao na tinatawag itong bakuna sa pneumonia, ang pneumococcal conjugate vaccine ay nagbibigay hindi lamang proteksyon laban sa pneumonia. Sa isang dose, ang mga tsansa ng pagkakaroon ng mga sakit tulad ng pneumonia, otitis media, at meningitis ay mababawasan. Sa gayon, mas kaunti ang tsansa na maipasa ang infection sa mga kaibigan, pamilya, at mga katrabaho.

Maaari bang Magpabakuna ng Bakuna sa Pneumonia ang mga Indibidwal na may Immunodeficiency?

Sa normal, ang malusog na immune system ay nagtatrabaho bilang invisible shield laban sa invaders na sanhi ng infections. Sa kasamaang palad, sa kaso ng mga immunodeficiency o mahinang immunity, ang natural na depensa ng katawan ay madaling nao-overwhelmed

Ang mga indibidwal na immunocompromised ay kadalasan ay ang mga taong may cancer, HIV/AIDS, o mga taong gumagamit ng immunosuppressants. Bahagi rin ng grupong ito ang mga taong sumailalim sa organ transplant o natanggalan ng spleen. Karagdagan, ang mga bata at matatanda na higit sa 65 na taong gulang ay tipikal na mas susceptible sa pneumococcal infections.

Maaari bang magkaroon ng bakuna sa pneumonia ang grupo ng mga taong ito? Ang sagot ay OO. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang bakuna sa pneumonia ay inirerekomenda ng mga bata at matatanda na hindi pa bakunado at mayroon ng mga sumusunod na kondisyon:

  • Diabetes mellitus
  • Sickle cell anemia
  • Asplenia (walang spleen)
  • Cerebrospinal fluid (CSF) leaks
  • Chronic heart, lung o kidney disease
  • HIV infection
  • Cancer (hal. leukemia, lymphoma)

Para sa mga taong kinakailangan sumailalim sa operasyon upang tanggalin ang spleen (splenectomy) o sumailalim sa cochlear implant, mahalaga na makatanggap ng bakuna bago ang operasyon. Upang mag-produce ng sapat na antibodies na kailangan upang maiwasan ang pneumococcal infections, mainam na kumuha ng bakuna sa pneumonia dalawang linggo bago ang operasyon. Dahil ang influenza ay maaaring magpataas ng banta ng pagiging malala ng pneumococcal infections at vice versa. Ang parehong bakuna sa pneumonia at flu shot ay maaaring ibigay sa parehong araw ng pagbisita.

Maaari bang Mabakunahan Laban sa Pneumococcal Infections ang mga Indibidwal na may Malalang Sakit?

Ang mga indibidwal na may malalang sakit ay maaari at dapat na mabakunahan laban sa pneumococcal infections. Ito ay sa kadahilanan na ang mga malalang sakit tulad ng diabetes ay maaaring makapinsala sa immune system response. Ibig sabihin nito na mas mataas ang banta ng infection na humahantong sa hospitalizations, malalang sintomas, at matagal na recovery.

Maliban sa malalang mga sakit, ang labis na konsumo ng sigarilyo at alak ay maaari ding magpataas ng banta ng pneumococcal infection. Para sa mga aktibong naninigarilyo at lasinggero, nirerekomenda na magpabakuna kahit na walang malalang sakit.

Dahil ang mga malalang sakit ay karaniwan na panghabang buhay, ang mga bakuna ay kinakailangan dahil nakapagbibigay sila ng immunity sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng isang dose. Karagdagan sa pagpapabakuna ng bakuna sa pneumonia, ikonsidera ang pagkuha ng flu shot kada taon gayundin ang kahit na anong booster shots para sa tetanus, diphtheria, at pertussis (Td/Tdap). Kausapin ang iyong dokto tungkol sa iyong vaccination history at ang iyong estado sa iyong sunod na appointment.

bakuna sa pneumonia

Mahalagang Tandaan

Oo, ligtas ang magpabakuna ng bakuna sa pneumonia para sa mga may malalang sakit at mga indibidwal na immunocompromised. Sa katunayan, prayoridad ang pagkakaroon ng bakuna para sa mga grupo ng mga tao na ito.

Ang bakuna sa pneumonia ay nakaiiwas o nakababawas sa pagiging malala ng pneumococcal infections sa pamamagitan ng isang turok lamang. Gayunpaman, ang bakuna ay epektibo kasama ng maayos na pag-inom ng maintenance na gamot at malusog na lifestyle.

Karagdagan, ikonsidera ang pagkakaroon ng bakuna para sa buong pamilya upang manatiling malusog at protektado.

Matuto pa tungkol sa pneumonia dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Ask the Experts: Pneumococcal Vaccines (PCV13 and PPSV23) https://www.immunize.org/askexperts/experts_pneumococcal_vaccines.asp Accessed May 4, 2021

2 Pneumococcal Vaccination: Who and When to Vaccinate https://www.cdc.gov/vaccines/vpd/pneumo/hcp/who-when-to-vaccinate.html Accessed May 4, 2021

3 Pneumococcal Disease: Risk Factors and Transmission https://www.cdc.gov/pneumococcal/about/risk-transmission.html Accessed May 4, 2021

4 Prevnar 13 Package Insert https://www.fda.gov/files/vaccines/published/Package-Insert-Prevnar-13.pdf Accessed May 4, 2021 

5 Flu and Pneumonia Shots www.diabetes.org/healthy-living/medication-treatments/flu-and-pneumonia-shots Accessed May 4, 2021 

6 The Economic Value of Vaccination: Why Prevention is Wealth https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4802700/ Accessed May 4, 2021 

7 Adult Immunization Schedule (AAFP) https://www.aafp.org/dam/AAFP/documents/patient_care/immunizations/adult-immunization-schedule.pdf Accessed May 4, 2021

Kasalukuyang Version

06/13/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Ika Villanueva Caperonce, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Tanong Tungkol Sa Pneumonia Vaccine: Karaniwang Mga Katanungan

Pulmonya Sa Pilipinas: Dapat Bang Ipag-Alala Ang Sakit Na Ito?


Narebyung medikal ni

Ika Villanueva Caperonce, MD

Infectious Disease · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement