backup og meta

Sakit sa Baga: Alamin Dito ang mga Karaniwang Sakit sa Baga

Sakit sa Baga: Alamin Dito ang mga Karaniwang Sakit sa Baga

Upang maunawaan ang mga uri ng sakit sa baga, kailangan muna nating maunawaan ang kahalagahan ng paghinga.

Ang paghinga ay mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao. Ang sistema ng katawan na responsable sa paghinga ay ang respiratory system. Hinahayaan tayo nito na magpasok ng hangin upang makakuha ng oxygen para magamit ng katawan at mag-exhale ng carbon dioxide papalabas ng katawan.

Ang baga ay may pinakamalaking gampanin na organ sa respiratory system. Ito ang nagsasagawa ng pagpapalit ng mga gas, samantalang ang respiratory system sa kabuoan ang nagpapadala ng dugo at oxygen.

Ang mga komplikasyon kaugnay sa baga ay isa sa pinakakaraniwang medikal na kondisyon sa buong mundo. Maaari itong maapektuhan ng lifestyle tulad ng paninigarilyo, impeksyon sanhi ng viruses at bacteria, at maging ang genetics.

Uri ng mga Sakit sa Baga

Maraming mga bahagi ang respiratory system maging ang mga gampanin. Mula rito, ang mga komplikasyon na makikita sa pagsasagawa ng mga gampanin na ito ay sanhi ng sakit kabilang ang partikular na bahagi.

Airways

Una, ikonsidera natin ang airways o daanan. Ang airways ay nahahati sa upper (ilong, nasopharynx paakyat sa trachea) at lower airways (bronchus pababa sa mga baga). Ang trachea ay nahahati pa papuntang bronchi. 

Kadalasang komplikasyon panungkol sa airways ay kadalasang balakid sa paghinga at chronic tulad ng asthma, chronic obstructive pulmonary disease (COPD) at ang mga variant nito.

Sakit sa Baga: Alamin Dito ang mga Karaniwang Sakit sa Baga Upang maunawaan ang mga uri ng sakit sa baga, kailangan muna nating maunawaan ang kahalagahan ng respiration. Ang respiration o paghinga ay mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao. Ang sistema ng katawan na responsable sa paghinga ay ang respiratory system. Hinahayaan tayo nito na mag-inhale ng hangin upang iproseso ang oxygen sa katawan at mag-exhale ng carbon dioxide. Ang baga ay may pinakamalaking gampanin na organ sa respiratory system. Ang mga baga ang nagsasagawa ng pagpapalit ng mga gas at ang respiratory system ang nagpapadala ng dugo at oxygen. Ang mga komplikasyon kaugnay sa baga ay isa sa pinaka karaniwang medikal na kondisyon sa buong mundo. Maaari itong maapektuhan sa pagpili ng lifestyle tulad ng paninigarilyo, impeksyon sanhi ng viruses at bacteria, maging ang genetics. Uri ng mga Sakit sa Baga Maraming mga bahagi ang respiratory system maging ang mga gampanin. Mula rito, ang mga komplikasyon na makikita sa pagsasagawa ng mga gampanin na ito ay sanhi ng sakit kabilang ang partikular na bahagi. Airways Una, ikonsidera natin ang airways. Ang airways ay nahahati sa upper (ilong, nasopharynx paakyat sa trachea) at lower airways (bronchus pababa sa mga baga). Ang trachea ay nagba-branch pa papuntang bronchi. Ang mga komplikasyon na maaaring maranasan tungkol sa airways ay hiirap sa paghinga at maaaring lumala tulad ng asthma, chronic obstructive pulmonary disease (COPD) at ang variant nito. Kabilang sa mga uri ng COPD ang chronic bronchitis at emphysema. Ang mga kaugnay na infectious airways na sakit ay acute fibrosis na sanhi ng virus at cystic fibrosis, isang genetic airway na sakit. Ito ay mapapansin sa paulit-ulit na impeksyon sa baga. Alveoli Pangalawa, tignan naman natin ang alveoli. Ang alveoli o air sacs ay halos kabuuan ng tissue sa baga. Ang mga air sacs na ito ay nagfa-facilitate ng pagpapalit ng gas. Nahihirapan huminga ang mga taong may sakit na emphysema at ibang porma ng COPD na nakaaapekto sa alveoli. Ang lung trauma o injury, na sanhi ng pulmonary edema o fluid leakage, acute respiratory distress syndrome (ARDS) na sanhi ng seryosong karamdaman, at pneumonoconiosis, na sanhi ng inhalation ng abrasive na bagay o maaaring ma-injure ang iyong mga baga. Ang pneumonia ay dala ng infected na alveoli na dulot ng bacteria at viruses at maaaring palalalain ito ng tiyak na bacteria na Mycobacterium tuberculosis, na magiging tuberculosis. Blood Vessels Pangatlo, pag-usapan naman natin ang blood vessels. Ang mga blood vessels na ito ay nagdadala ng mababang oxygen blood mula sa iyong puso papunta sa iyong mga baga para sa oxygenation at pabalik sa iyong puso upang ma-pump sa buo mong katawan. Ang mga isyu sa clotting ay maaaring magdulot ng pulmonary embolism (PE) at makita ang mababang blood oxygen na sanhi ng kakapusan sa paghinga dahil sa mababang blood pressure. Ang pulmonary hypertension ay kabaliktaran na ang ibig sabihin ay may mataas na blood pressure sa iyong arteries. Chest Wall Pang-apat, ikonsidera natin ang chest wall. Mahalaga ang chest wall sa pag-facilitate ng paghinga dahil ito ay muscles na kumokonekta sa ribs at hinahayaan ang mga baga na magkaroon ng sapat na espasyo upang mag-expand. Isa pang muscle na tinatawag na diaphragm ay ginagawa rin ito. Ito ay makikita sa ilalim ng iyong mga baga. Ang labis na timbang sa iyong tiyan ay nagpapahirap sa iyong chest wall na gumalaw at nagiging sanhi ng obesity at hyperventilation syndrome. Ang pagko-contract ng pinsala sa nerves na nagkokontrol ng muscles ay nagiging sanhi na hindi ito magtrabaho. Nagiging resulta ito ng iba’t ibang neuromuscular disorder na nagpapahirap sa paghinga tulad ng amyotrophic lateral sclerosis at myasthenia gravis. Sintomas ng Sakit sa Baga Dahil ang baga ay responsable sa paghinga, ang mga komplikasyon tungkol sa paghinga ay indikasyon ng sakit sa baga. Kabilang dito ang kakapusan sa paghinga o pakiramdam ng walang sapat na hangin. Ang pagbawas ng abilidad sa pag-ehersisyo ay maaaring sanhi ng problema sa paghinga dahil nahihirapan ang iyong katawan na maglaan ng hangin sa mga bahaging may fatigue. Ang pag-ubo at wheezing ay sintomas din ng sakit sa baga at posibleng viral o bacterial infection. Ang pagkakaroon ng ubo sa mahabang panahon ay maaaring senyales ng malalang karamdaman habang ang pag-ubo na may plema at dugo ay senyales ng malalim na komplikasyon. Maaaring indikasyon din sa dibdib ang sakit sa baga sa pagkakaroon ng pakiramdam ng naninikip na dibdib o masakit habang humihinga. Kinakailangan ng mga tiyak na test upang matukoy kung nasaan eksakto ang problema upang maayos na malunasan. Ang mga test na ito ay kabilang ang spirometry, bronchoprovocation, chest x-ray o electrocardiogram (ECG o EKG). Lunas sa Sakit sa Baga Iba-iba ang lunas dito gaya ng iba-iba ang iba’t ibang sakit sa baga. Ang iba’t ibang karamdaman ay may iba’t ibang lunas. Ang mga malalang sakit tulad ng asthma, ay hindi nalulunasan ngunit ginagamot. Mayroong mga pangmatagalang control medicine upang mabawasan ang atake. Kabilang dito ang beta-agonists, corticosteroids, o leukotriene modifiers. Sa kabilang banda mayroon ding mga mabilis na ginhawa na gamot (o rescue meds) kung nangyayari ang mga ito. Kinakailangan din ng pagbabago ng lifestyle upang maiwasan ang triggers. Ang lunas sa cancer ay tulad rin sa mga karaniwang lunas dito na gumagamit ng radiation o chemotherapy kabilang ang posibleng operasyon at targeted therapy. Sa pinsala sa baga, karaniwang gumagamit ng apparatus kasama ang inhaled steroids at antibiotics. Ang ilan sa mga ito ay respirators, bronchodilator at ventilators. Kabilang din ang alternatibong pamamaraan tulad ng oxygen therapy, operasyon, at pulmonary rehabilitation. Mayroon ding mga preemptive vaccines para sa pinaka nakahahawang sakit tulad ng flu at pneumonia. Ito ay nakatutulong na palakasin ang herd immunity at pababain ang banta para sa komunidad bilang pangkalahatan upang hindi mahawaan. Ang mga baga ang pinakamahalagang bahagi ng katawan at sana ay makatulong ang artikulong ito na maging pamilyar sa iba’t ibang uri ng sakit, bahagi, at paggamot upang mas maalagaan mo pa nang mabuti ang iyong mga baga. Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Respiratory dito. Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kabilang sa mga uri ng COPD ang chronic bronchitis at emphysema. Ang mga kaugnay na infectious airways na sakit ay acute fibrosis, na sanhi ng virus at cystic fibrosis, isang genetic na sakit sa airway. Ito ay mapapansin sa paulit-ulit na impeksyon sa baga.

Alveoli

Pangalawa, tignan naman natin ang alveoli. Ang alveoli o air sacs ay ang nagbubuo ng kabuuan ng tissue sa baga. Ang mga air sacs na ito ang namamahala sa pagpapalit ng gas. Nahihirapan huminga ang mga taong may sakit na emphysema at ibang porma ng COPD na nakaaapekto sa alveoli. 

Ang lung trauma o injury (na sanhi ng pulmonary edema o fluid leakage), acute respiratory distress syndrome (na sanhi ng seryosong karamdaman), at pneumonoconiosis (na sanhi ng inhalation ng abrasive na bagay) ay maaaring makapanugat ng iyong mga baga. 

Ang pneumonia ay dala impeksyons sa alveoli na dulot ng bacteria at viruses at maaaring palalalain ito ng tiyak na bacteria na Mycobacterium tuberculosis, na sanhi ng tuberculosis.

Blood Vessels

Pangatlo, pag-usapan naman natin ang blood vessels. Ang mga blood vessels na ito ay mga daanan na naglalaman ng dugo na siyang nagdadala ng mababang oxygen blood mula sa iyong puso papunta sa iyong mga baga para makakuha ng oxygen at pabalik sa iyong puso upang ma-pump at maibigay ang dugo na may dalang oxygen sa buo mong katawan.

Maaaring magdulot ng pulmonary embolism (blood clot na nalipat at kumapit sa baga) ang mga isyu sa clotting at makita ang mababang blood oxygen na sanhi ng kakapusan sa paghinga dahil sa mababang blood pressure.

Ang pulmonary hypertension ay kabaliktaran na ang ibig sabihin ay may mataas na blood pressure sa iyong arteries. 

Chest Wall

Pang-apat, ikonsidera natin ang chest wall. Mahalaga ang chest wall sa pag-facilitate ng paghinga dahil ito ay muscles na kumokonekta sa ribs at tumutulong sa baga na magkaroon ng sapat na espasyo upang mag-expand.

Isa pang muscle na tinatawag na diaphragm ay ginagawa rin ito. Ito ay makikita sa ilalim ng iyong mga baga. Ang labis na timbang sa iyong tiyan ay nagpapahirap sa iyong chest wall na gumalaw at naiiipit ang diaphragm na siyang nagiging sanhi ng hyperventilation syndrome.

Ang pinsala sa ugat na nagkokontrol ng muscles ay nagiging sanhi ng kakulangan o kawalan ng abilidad para magalaw ang muscles. Nagiging resulta ito ng iba’t ibang neuromuscular disorder na nagpapahirap sa paghinga tulad ng amyotrophic lateral sclerosis at myasthenia gravis.

Sintomas ng Sakit sa Baga

Dahil ang baga ay responsable sa paghinga, ang mga komplikasyon tungkol sa paghinga ay indikasyon ng sakit sa baga.

  • Kabilang dito ang kakapusan sa paghinga o pakiramdam ng walang sapat na hangin. Ang pagbawas ng abilidad sa pag-ehersisyo ay maaaring sanhi ng problema sa paghinga dahil nahihirapan ang iyong katawan na maglaan ng hangin sa mga bahaging may fatigue.
  • Sintomas din ng sakit sa baga ang pag-ubo at wheezing na posibleng dulot ng viral o bacterial infection. Ang pagkakaroon ng ubo sa mahabang panahon ay maaaring senyales ng malalang karamdaman habang ang pag-ubo na may plema at dugo ay senyales ng malalim na komplikasyon.
  • Maaaring indikasyon din sa dibdib ang sakit sa baga sa pagkakaroon ng paninikip na dibdib o masakit habang humihinga.

Kinakailangan ng mga tiyak na test upang matukoy kung nasaan eksakto ang problema upang maayos na malunasan. Ang mga test na ito ay kabilang ang spirometry, bronchoprovocation, chest x-ray o electrocardiogram (ECG o EKG).

sakit sa baga

Lunas sa Sakit sa Baga

Iba-iba ang lunas dito gaya ng  iba’t ibang sakit sa baga. Ang iba’t ibang karamdaman ay siya ring may iba’t ibang lunas.

Katulad na lamang ng mga malalang sakit tulad ng asthma, na hindi nalulunasan agad at nawawala ng permanente ngunit maaaring magamot. Mayroong mga gamot na ginagamit upang makontrol ang sintomas o maiwasan ang flares or acute attacks. 

Kabilang dito ang beta-agonists, corticosteroids, o leukotriene modifiers. Sa kabilang banda mayroon ding mga mabilis na ginhawa na gamot (o rescue meds) kung biglaang atake ng sintomas ng asthma. Kinakailangan din ng pagbabago ng lifestyle upang maiwasan ang triggers.

Ang lunas sa cancer ay tulad rin sa mga karaniwang lunas dito na gumagamit ng radiation o chemotherapy kabilang ang posibleng operasyon at targeted therapy.

Sa pinsala sa baga, karaniwang gumagamit ng apparatus kaakibat ang inhaled steroids at antibiotics. Ang ilan sa mga ito ay respirators, bronchodilator at ventilators. Kabilang din ang alternatibong pamamaraan tulad ng oxygen therapy, operasyon, at pulmonary rehabilitation. 

Mayroon ding mga preemptive vaccines para sa pinaka nakahahawang sakit tulad ng flu (trangkaso) at pulmonya. Ito ay nakatutulong na palakasin ang herd immunity at pababain ang banta para sa komunidad bilang pangkalahatan upang hindi mahawaan.

Ang mga baga ang pinakamahalagang bahagi ng katawan at sana ay makatulong ang artikulong ito na maging pamilyar sa iba’t ibang uri ng sakit, bahagi, at paggamot upang mas maalagaan mo pa nang mabuti ang iyong mga baga.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Respiratory dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lungs and Breathing, https://medlineplus.gov/lungsandbreathing.html, Accessed February 20, 2021

Respiratory, https://training.seer.cancer.gov/anatomy/respiratory/, Accessed February 20, 2021

Lung Diseases, https://medlineplus.gov/lungdiseases.html, Accessed February 20, 2021

Warning Signs of Lung Disease, https://www.lung.org/lung-health-diseases/warning-signs-of-lung-disease, Accessed February 20, 2021

Lung Disease, https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/lung-disease , Accessed February 20, 2021

Kasalukuyang Version

07/23/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Hindi Gumagaling na Ubo: Paggamot at Pag-iwas sa Chronic na Ubo

Obstructive At Restrictive Lung Disease


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement