backup og meta

Nahihirapang huminga? Alamin dito kung ano ang posibleng dahilan

Nahihirapang huminga? Alamin dito kung ano ang posibleng dahilan

Naranasan na natin na hinihingal tayo pagkatapos ng ehersisyo o isang nakakapagod na gawain. Madalas nawawala ito matapos ng saglit na pahinga. Pero paano kung biglang nahihirapang huminga, na walang ibang sintomas? Ano ang maaaring sanhi nito? Alamin dito. 

Mga Dahilan ng Kung Bakit Nahihirapang Huminga

Kinakapos sa paghinga o nahihirapang huminga nang walang ibang sintomas. Ito ay maaaring nakakatakot na karanasan. Kung naranasan mo na o nararanasan mo pa rin ito, malamang na nauugnay ito sa mga kondisyon ng puso o baga. 

Narito ang ilang posibleng mga kondisyon na may kaugnayan sa puso at baga kaya nahihirapang huminga:

Hika

Ito ay ang pamamaga ng mga daanan ng hangin at ang pamumuo ng mucus sa bahaging iyon. Magkakaiba sa bawat tao ang tindi ng pag-atake ng hika. Sa ilang mga kaso, makakayanan ang mga ito, ngunit sa iba, maaari silang maging banta sa buhay.

Heart Arrhythmia

Ito ay isang kondisyon ng puso kapag ang iyong puso ay tumibok ng masyadong mabilis o masyadong mabagal. Ang mga posibleng sanhi ng sobrang bilis ng tibok ng puso ay atrial fibrillation, atrial flutter, supraventricular tachycardia, o Wolff-Parkinson-White syndrome. Samantala, ang masyadong mabagal na tibok ng puso ay maaaring dahil sa sick sinus syndrome at conduction block. Bukod dito, ang paninigarilyo, pag-inom, drug abuse, mataas na presyon ng dugo, at impeksyon sa COVID-19 ay maaari ding underlying factors.

Pneumothorax

Bagamat ito ay isang bihirang kondisyon, ito ay potensyal na mapanganib sa kalusugan. Maaari itong maging dahilan kung bakit nahihirapang huminga nang walang iba pang mga sintomas. Ang pneumothorax ay nangyayari kapag ang baga ay dumaranas ng pressure mula sa hangin na dumadaloy sa labas ng iyong mga baga. Tinatawag din itong collapsed lungs.

Pulmonary Embolism

Nangyayari ito kapag may namuong blood clot, kadalasan sa blood vessels sa binti, at papunta sa baga kung saan hinaharangan nito ang daloy ng dugo. Sa ilang mga kaso, ang isang tao ay maaaring magpakita ng senyales ng kahirapan sa paghinga nang walang iba pang sintomas. Ang kakulangan ng daloy ng dugo ay maaari ring humantong sa pagbaba ng blood oxygen levels na pwedeng magresulta sa pinsala sa ibang organs.

Obesity Hypoventilation Syndrome

Ang mga taong obese ay maaaring magkaroon ng ganitong kondisyon. Isa itong breathing disorder sanhi ng kakulangan ng oxygen sa dugo, at masyadong maraming carbon dioxide. Ang taba ng leeg o dibdib ang pangunahing dahilan kung bakit ka nahihirapang huminga.

Iba pang Kondisyon na Nagdudulot ng Hirap sa Paghinga

Sa kabilang banda, maaari kang makaranas ng kahirapan sa paghinga kasama ng iba pang mga sintomas. Sa kasong ito, ang sanhi ay maaaring kabilang sa mga sumusunod na kondisyon:

Pulmonya

Ito ay impeksyon sa baga kung saan ang mga baga napupuno ng likido o nana. Nagdudulot ito ng problema sa paghinga. Kasabay ng pag-ubo na may plema o uhog man o wala. Kasama sa iba pang sintomas ang pananakit ng ulo, lagnat, at mababang antas ng oxygen sa dugo.

Atake sa Puso

Nangyayari ang kondisyong ito kapag ang daloy ng dugo mo ay naharangan ng taba, kolesterol, at iba pang substances na naipon sa arteries mo. Sa ilang mga kaso, maaari itong maging sanhi ng blood clots na maaaring mauwi sa pinsala sa heart muscle. Sa kaso ng atake sa puso, ang pasyente ay maaaring makaranas na nahihirapang huminga, fatigue, at pagduduwal.

Heart Failure

Nangyayari ito kapag ang iyong puso ay hindi napuno ng sapat na dugo, o masyadong mahina para mag-bomba ng dugo. Iba-iba ang mga sintomas depende sa kondisyon ng puso ng tao. Maaaring makaranas ang mga pasyente ng alinman sa mga ito: hirap sa paghinga, panghihina, ubo, pagduduwal, pananakit ng tiyan, hindi makapagpigil sa ihi, at pagtaas ng timbang.

COVID-19

Ito ay isang lubhang nakakahawang sakit na nagdulot ng isang pandaigdigang pandemya. Ang hirap sa paghinga ay isa sa mga karaniwang sintomas ng COVID-19. Maaari ding makaranas ang mga pasyente ng barking cough, pananakit ng katawan, pananakit ng lalamunan, at pagduduwal o pagsusuka.

Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)

Isa itong sakit sa baga na humaharang sa daloy ng hangin, na nagiging sanhi kung bakit nahihirapang huminga. Ang COPD ay karaniwang nauugnay sa bronchitis at emphysema, pinsala sa mga tisyu ng baga. Ang kondisyong ito ay patuloy na gumagawa ng uhog, na sinamahan ng pag-ubo.Isa sa mga senyales na lumalala ang kondisyon mo ay ang kakapusan sa paghinga.

Allergy

Ang mga allergy ay nati-trigger sa pamamagitan ng pagkakalantad sa mga foreign substance na nakakapinsala sa katawan mo. Gagawa ng mga antibodies ang katawan mo upang maalis ito, ngunit nagdudulot din ito ng iba pang mga sintomas. Magkaka-iba sa bawat tao ang mga reaksyon sa allergy. Kung malala, ang mga sintomas ay pagkawala ng malay, sobrang nahihirapang huminga, mabilis pero mahinang pulso, pagduduwal, at pagbaba ng blood pressure levels.

Anemia

Ang mababang bilang ng red blood cells ay pumipigil sa pagpunta ng oxygen sa buong katawan mo. Samakatuwid, ang iyong katawan ay maaaring makaramdam ng pagod at maaari kang kinakapos ng paghinga sa lahat ng oras. Maaaring humantong sa arrhythmia o pagpalya ng puso kung hindi ginagamot ang anemia.

Kailan Ako Dapat Magpatingin sa Doktor?

Kung nahihirapang huminga nang walang iba pang sintomas, dapat kang agad na kumunsulta sa doktor. Ang hirap sa paghinga ay maaaring dahil sa potensyal na mapanganib na health concerns. Ang mga kondisyong pangkalusugan tungkol sa mga baga at puso ay dapat na subaybayang mabuti. Dahil sila ang responsable sa hangin na ating nilalanghap at nagdadala ng oxygen sa buong katawan.

Lahat ng nabanggit na mga kondisyon sa itaas ay dahilan kung bakit nahihirapang huminga. Maaaring ang mga ito ay potensyal na banta sa buhay kung hindi ginagamot. Ang isang problema ay maaari ring magdulot sa iyo ng iba pang mga komplikasyon.

Kung nahihirapang huminga, lalo na kung walang iba pang sintomas, ay isang malubhang sintomas at maaaring nagbabanta sa buhay. Kabilang sa mga pangunahing sanhi ang mga problema sa baga o puso. Ang pagpapatingin sa doktor ay nakakabawas ng panganib na magkaroon ng iba pang mga komplikasyon.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart arrhythmia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-arrhythmia/symptoms-causes/syc-20350668, Accessed July 28, 2021

Asthma, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/asthma/symptoms-causes/syc-20369653, Accessed July 28, 2021

Shortness of breath, https://www.mayoclinic.org/symptoms/shortness-of-breath/basics/causes/sym-20050890, Accessed July 28, 2021

Pulmonary Embolism, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/pulmonary-embolism, Accessed July 28, 2021

Collapsed Lung (Pneumothorax), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15304-collapsed-lung-pneumothorax, Accessed July 28, 2021

Pneumonia, https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/pneumonia, Accessed July 28, 2021

Heart Failure, https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/heart-failure, Accessed July 28, 2021

Heart attack, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-attack/symptoms-causes/syc-20373106, Accessed July 28, 2021

COVID-19 Symptoms, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/symptoms-testing/symptoms.html, Accessed July 28, 2021

Difficulty Breathing After COVID-19, http://www.med.umich.edu/1libr/FamilyMedicine/PostCOVIDclinic/PostCOVIDBreathlessness.pdf, Accessed July 28, 2021

COPD and Difficulty Breathing, https://www.sleepfoundation.org/sleep-related-breathing-disorders/copd-and-difficulty-breathing, Accessed July 28, 2021

Anemia, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/3929-anemia, Accessed July 28, 2021

Allergies, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/allergies/symptoms-causes/syc-20351497, Accessed July 28, 2021

Obesity Hypoventilation Syndrome, https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/obesity-hypoventilation-syndrome, Accessed July 28, 2021

Kasalukuyang Version

10/14/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Michael Henry Wanat

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Hindi Gumagaling na Ubo: Paggamot at Pag-iwas sa Chronic na Ubo

Obstructive At Restrictive Lung Disease


Narebyung medikal ni

Michael Henry Wanat

Respiratory Therapy


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement