backup og meta

Anu-Ano Ang Mga Karaniwang Impeksyon Sa Baga?

Anu-Ano Ang Mga Karaniwang Impeksyon Sa Baga?

Ang pneumonia, bronchitis, tuberculosis, at bronchiolitis ay ang ilan sa mga karaniwang impeksyon sa sa baga. Ang virus, bacteria, fungus, o parasitic infection ay maaaring magdulot ng pinsala sa baga. Minsan, ang lung infection ay maaaring makaapekto sa maliliit na air sac na nagdudulot ng pulmonya, o ang mas malalaking airways na nagdudulot ng bronchitis.

Ang pneumonia ay isang karaniwang impeksyon sa baga. Ito ay kadalasang sanhi ng nakahahawang bacteria o virus.

Maaaring magdusa ang isang tao sa anumang uri ng lung infection kapag nalanghap ang bacteria o virus mula sa umuubo o bumabahing na tao.

Sintomas Ng Impeksyon Sa Baga

Kadalasan, ang mga tao ay dumaranas ng pulmonya sa taglamig o tagsibol. Maaari itong biglang mangyari at kusa rin mawala mag-isa sa loob ng ilang araw. Ang mga tao ay makararanas ng mga sintomas ayon sa edad, ang sanhi, at ang kalubhaan ng impeksiyon. Sa ilang mga kaso, ang pinagbabatayan na mga kondisyon ay maaari ring maging sanhi ng mga ganitong sintomas:

  • Pag-ubo na may kayumanggi o berdeng kulay na plema
  • Mabilis o mahirap na paghinga
  • Lagnat na madalas may kasamang pagpapawis, panginginig, at chills
  • Pagkawala ng gana
  • Pagkapagod
  • Sakit sa dibdib
  • Pagsusuka at pagtatae
  • Pangkalahatang pananakit maging ng mga muscles 
  • Sakit sa tiyan
  • Pagiging kulay asul ng paligid ng labi
  • Sakit ng ulo

Mga Sanhi Ng Impeksyon Sa Baga

Katulad ng nabanggit, may apat na uri ng karaniwang impeksyon sa baga tulad ng bronchiolitis, bronchitis, tuberculosis, at pneumonia. Kadalasan, ang mga ito ay dulot ng bacteria o virus.

Ang mga naturang impeksyon ay bihirang sanhi ng fungi tulad ng Histoplasma capsulatum, Pneumocystis jirovecii, at Aspergillus.

Ang bronchitis ay sanhi ng karamihan sa mga mikroorganismo tulad ng:

  • Respiratory syncytial virus (RSV) o influenza virus
  • Bacteria tulad ng Bordetella pertussis, Mycoplasma pneumoniae, and Chlamydia pneumoniae

Sa kabilang banda, ang pneumonia ay sanhi ng mga pinakakaraniwang mikroorganismo tulad ng:

  • Influenza virus o RSV
  • Bacteria tulad ng Mycoplasma pneumoniae, Haemophilus influenzae, and Streptococcus pneumonia (pinakakaraniwan sa tatlo)

At, ang tuberculosis o ang pinaka karaniwang impeksyon sa baga sa India ay dulot ng:

  •  Bacteria tulad ng Mycobacterium tuberculosis (MTB)

Risk Factors Ng Pneumonia

  • Mga indibidwal na may edad na 65 taong gulang pataas
  • Mga batang 2 taong gulang pababa

Iba pang salik:

  • Labis na paninigarilyo 
  • Suppressed o weakened immune system
  • Naospital

Risk Factors Ng Bronchitis

  • Labis na paninigarilyo
  • Gastric reflux
  • Mababang resistensya
  • Exposure sa mga lung irritants at trabaho

Risk Factors Ng Bronchiolitis

  • Mga batang wala pang 2 taong gulang
  • Mga batang wala pang 3 buwan

Ang mga batang wala pang 3 buwan ay mayroong mas malaking panganib na magkaroon ng bronchiolitis. Ito ay dahil ang kanilang mga immune system at baga ay hindi ganap na nabuo.

Iba pang salik:

  • Mahinang immune system
  • Mga sanggol na hindi pa na-breastfeed
  • Pakikipag-ugnayan sa maraming bata, tulad ng sa isang child care setting 
  • Pinagbabatayan na kondisyon sa puso o baga
  • Exposure sa usok ng tabako
  • Premature birth
  • Paggugol ng oras sa masikip na kapaligiran

Risk Factors Ng Tuberculosis

  • Pakikipag-ugnayan sa mga infected na tao
  • Mababang timbang
  • Diabetes mellitus
  • Mahinang immune system dulot ng mga kondisyon tulad ng HIV, kidney disease, mga cancer, at iba pa

Tatanungin ka ng iyong doktor tungkol sa iyong medical history, maging ng pamilya mo bago magmungkahi ng mga test o paggamot.

Una, gagawa ang iyong doktor ng isang physical test na kinabibilangan ng pakikinig sa iyong mga baga at tibok ng puso gamit ang isang stethoscope upang mahanap ang abnormal crackling o bubbling sound na nagmumungkahi ng anumang uri ng impeksyon.

Narito ang mga karaniwang tests na maaaring ipagawa ng iyong doktor upang matukoy ang uri ng karaniwang impeksyon sa baga at ang mga posibleng sanhi nito.

Chest X-Ray

Tinutulungan nito ang iyong doktor na masuri ang anumang uri ng karaniwang impeksyon sa baga at matukoy ang eksaktong lokasyon nito.

Sputum Test

Ito ay isang procedure kung saan kumukuha ang doktor ng sample ng likido mula sa iyong mga baga upang magsagawa ng matinding pagsusuri sa ubo upang mahanap ang impeksiyon at ang mga sanhi nito.

Pulse Oximetry

Sinusukat nito ang oxygen levels sa dugo. Ang karaniwang impeksyon sa baga tulad ng pneumonia ay maaaring pigilan ang iyong baga mula sa pagpasa ng sapat na oxygen sa daluyan ng dugo.

Blood Tests

Ang mga blood tests ay nakatutulong upang kumpirmahin ang impeksiyon at subukang tukuyin ang uri ng mikroorganismo na nagdudulot ng impeksiyon. Gayunpaman, ang blood test ay hindi palaging nagbubunga ng pagkakakilanlan ng mikroorganismo.

Pulmonary Function Test

Nakatutulong ang test na ito na matukoy ang kapasidad ng iyong baga at kung anong uri ng lung impairment ang maaari mong dinaranas. Sa test na ito, humihinga ka ng hangin sa isang aparato na tinatawag na spirometer. Sinusuri ng device kung gaano karaming hangin ang kayang hawakan ng iyong mga baga at kung gaano ito kabilis makalalabas sa iyong mga baga. Ito ay nakatutulong upang makita ang mga sintomas ng emphysema at hika.

Viral Testing

Sa pagsusulit na ito, kukuha ang iyong doktor ng sample ng mucus sa pamamagitan ng swab na ipinasok sa ilong upang pag-aralan at hanapin ang virus na nagdudulot ng bronchiolitis.

Maaaring magsagawa ang mga doktor ng karagdagang pagsusuri kung ikaw o ang pasyente ay mas matanda sa 65 taong gulang at may anumang malalang kondisyon sa kalusugan o mga sintomas nito.

  • Pleural fluid analysis. Sa pamamaraang ito, kumukuha ang doktor ng ilang patak ng likido sa pamamagitan ng pagpasok ng karayom ​​sa pagitan ng iyong mga ribs mula sa pleural area. Pagkatapos, ito ay susuriin upang matukoy ang uri ng impeksiyon.
  • CT scan. Ang doktor ay maaaring magsagawa ng chest CT scan upang makuha ang detailed image ng mga baga.

Key Takeaways

Ang mga bacteria, virus, fungi, o parasito ay maaaring magbigay sa iyo ng impeksyon sa baga. Kinabibilangan ng pneumonia, bronchitis, tuberculosis, at bronchiolitis ang mga karaniwang impeksyson sa baga. Kung nagpapakita ka na ng mga sintomas ng alinman sa mga kondisyong ito, kumunsulta kaagad sa isang doktor.

Alamin ang Iba Pang Isyu Sa Respiratory dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pneumonia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pneumonia/symptoms-causes/syc-20354204, Accessed on May 26, 2020

Bronchitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bronchitis/symptoms-causes/syc-20355566, Accessed on May 26, 2020

Bronchiolitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bronchiolitis/symptoms-causes/syc-20351565, Accessed on May 26, 2020

Pneumonia Symptoms and Diagnosis, https://www.lung.org/lung-health-diseases/lung-disease-lookup/pneumonia/symptoms-and-diagnosis, Accessed on May 26, 2020

Bronchitis, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/3993-bronchitis, Accessed on May 26, 2020

Bronchiolitis, https://kidshealth.org/en/parents/bronchiolitis.html, Accessed on May 26, 2020

Chest infections, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/chest-infections, Accessed on May 26, 2020

Tests for Lung Infections, https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/hw254137, Accessed on May 26, 2020

Kasalukuyang Version

02/16/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Hindi Gumagaling na Ubo: Paggamot at Pag-iwas sa Chronic na Ubo

Obstructive At Restrictive Lung Disease


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement