backup og meta

Karaniwang gamot sa ubo, anu-ano ang mga ito?

Karaniwang gamot sa ubo, anu-ano ang mga ito?

Sa bawat pagsisimula ng ubo, natural ang humanap ng mga gamot na hindi na kailangan pa ng reseta. Ngunit, alam mo ba na maaari kang makahanap ng gamot sa kusina o bakuran lamang? Ang mga panlunas ng mga Pilipino sa ubo na karaniwan lamang naglalaman ng mga natural na sangkap ay pinagpasa-pasahan na ng mga henerasyon.

Narito ang ilan sa mga mahusay at natural na mga panlunas ng mga Pilipino sa ubo na maaari mong makita sa iyong bahay at hindi na kinakailangan bumisita sa iyong doktor o pumunta sa pinakamalapit na botika. Datapwat mainam pa rin na komunsulta sa iyong doktor bago gumamit o uminom ng anumang gamot para sa karamdaman.

Ano ang mga Uri ng Ubo? 

Mayroong dalawang uri ng ubo: ang non-productive o kadalasang tinatawag din na tuyong ubo, at ang productive o basang ubo o maplemang ubo. Ang mga tao na mayroong tuyong ubo ay nakararanas ng pakiramdam na nangangati ang kanilang lalamunan, kadalasan dahil sa allergy na dulot ng alikabok, pollen, o epekto ng gamot. Ito ay walang plema.

Sa kabilang banda, ang mga mayroong basang ubo ay may plema o mucus, na maaaring sanhi ng pagkahawa sa impeksyon, mapa-viral or bakteryal. Ang pag-alam sa dalawang uri nito ay makatutulong upang angkop na makuha ang natural na gamot para sa iyong sintomas.

Ano ang mga Karaniwang Sanhi ng Ubo?

Ilan sa mga karaniwang sanhi ng tuyo at basang ubo ay ang sumusunod: 

  • Reaksyon sa alikabok o pollen (partikular sa mga nakatira malapit sa bukid o mga nagtatagal sa mga pagawaan kung saan sagana ang alikabok sa paligid.)
  • Allergy sa mga alagang hayop tulad ng pusa at aso.
  • Postnasal drip na nalalarawan bilang hindi komportableng pakiramdam ng uhog na sa loob ng ilong na tumutulo pababa sa lalamunan. Ito ay maaaring pagsisimula ng trangkaso o sipon.

Kung ikaw ay nakararanas ng ubo na nagtatagal ng higit pa sa 3 linggo, huwag mag gamot ng sarili at humingi ng propesyonal na tulong.

Ang matagal na ubo ay maaaring babala ng iba pang kondisyon tulad ng bronchitis, pulmonya, primary complex o tuberculosis. Ang mga ito ay dapat patingnan agad.

Ilang mga Paraan upang Mapahupa ang Ubo

Ang patuloy na pag-ubo ay maaaring mauwi sa kakulangan sa kaginhawaan tulad ng sakit sa ulo o kawalan ng tulog. Maaari mo itong maiwasan at makagbibigay ginhawa kung sisiguraduhing regular na nililinis ang tahanan.

Pinapayuhan na regular na palitan ang kurtina, sapin sa higaan at iba pang kagamitan, lalo na ang mga balot na madalas naaalikabukan. Mag-vacuum at walisin ang buhok at balahibo ng mga alagang hayop, dahil ang mga ito ay naiipon sa basahan at mga gamit. Ang paggamit ng lint roller ay labis rin na makatutulong.

karaniwang gamot sa ubo

Upang magkaroon ng maayos na tulog at pahinga sa gabi, maaari kang gumamit ng mga langis na may amoy, tulad ng lavender. Ang humidifier ay makatutulong din sa pagkakalat ng mabangong amoy habang nililinis ang hangin sa paligid mo.

Panghuli, siguraduhin na nakataas ang posisyon ng ulo sa pagtulog.

Ngayong alam na natin ang mga pangunahing kaalaman, narito ang mga mahuhusay na natural na mga gamot sa ubo ng mga Pilipino na maaari mong subukan sa bahay.

Patok na mga Gamot para sa Ubo ng mga Pilipino 

Ang Republic Act 8423 (Traditional and Alternative medicine act-TAMA of 1997) ang nagsasabi na mula sa mga pananaliksik gamit ang siyensya at pagbuo ng mga produkto, tradisyonal at pangangalaga sa kalusugan na pamamaraan ay maaaring gamitin upang gamutin ang simpleng ubo.

Narito ang ilan sa mga madalas gamitin ng mga gamot sa ubo ng mga Pilipino.

Ginger tea o Salabat

Naglalaman ng mga antibakteryal at antiviral na katangian ang luya, kaya ito ay pinakamahusay na gamitin sa paggamot sa makating lalamunan o sore throat. Hiwain lang sa maninipis at pahaba ang mga luya, pakuluan sa tubig, at i-enjoy ang gawang bahay na luyang tsaa o ginger tea. 

Lagundi

Ito ay kilalang medisinal na halaman sa Pilipinas.

Ang lagundi ay isa sa mga makapangyarihang medisinal na halaman na kinilala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH). Pakuluan ang dahon at bulaklak nito sa tubig, at inumin tulad ng tsaa. 

Oregano

Ang dahon nito ay karaniwang inaalagaan sa bahay, ito ay mayroong mint na lasa at amoy. Kung ito ay ibinabad sa mainit na tubig tulad ng tsaa, ang oregano ay makatutulong upang guminhawa ang mga sintomas ng ubo. Maaari mo ring langhapin ang singaw nito upang paginhawain ang baradong sinuses.

Tsaa na may Pulot at Lemon 

Isa pang sikat na gamot sa Pilipinas ay ang Pulot. Ito ay natural na pumipigil sa ubo, ito ay maaari ring magpagaling sa namamagang lalamunan. Haluin ito sa lemon sa mainit na tubig para sa tsaa. 

Bagaman ang pulot ay isa sa mga gamot sa ubo ng mga Pilipino, ito ay hindi maaaring ibigay sa mga sanggol na wala pang isang taong gulang, dahil ito ay maaaring magdulot ng paninigas ng dumi, dehydration, at pulmonya.

Tubig na may Asin 

Kung ikaw ay nakararanas ng tonsillitis o pananakit ng lalamunan at ubo, ang pagmumumog ng tubig na may asin ay makatutulong upang malinis at maibsan ang pamamaga ng mga ngala-ngala.

Mainam na magmumog gamit ang malinis na tubig tulad ng purified water. Kailangan mong siguraduhin na ang tubig ay malinis upang maiwasan na makainom ng mga kemikal o bacteria na maaaring nasa tubig mula sa gripo.

Apple Cider Vinegar 

Katulad ng mga nabanggit sa taas, ang ubo ay maaaring tugon ng katawan laban sa virus o bakterya.

Ang suka na isa sa mga pinakamatagal na gamit ng mga Pilipino bilang gamot sa ubo ay makatutulong upang mapatay ang backterya na maaaring magdulot ng iyong ubo. Ang apple cider vinegar ay hilaw na sangkap sa kusina na madaling makuha sa mga pamilihan.

Maliban sa mainam na gamot sa ubo, marami rin itong benipisyo pa sa katawan, tulad ng pagbabawas ng pamamaga at pagbaba ng lebel ng tamis sa dugo o blood sugar

Aloe Vera

Ito ay karaniwang halamang pambahay na maraming benepisyong medikal. Maaaring gamitin ang katas ng aloe vera sa pamamagitan ng pagpahid nito sa buhok o mukha o sa pagkain nito para sa mga laman niyang nakakabawas ng pamamaga. Ito rin ay makatutulong upang paginhawain ang makating lalamunan at mabawasan ang mga sintomas ng ubo.

Calamansi Juice 

Ang calamansi ay isa sa mga karaniwang gamot sa ubo ng mga Pilipino. Ito ay naglalaman ng bitaminang C, na nagpapalakas sa iyong resistensya.

Ito rin ay nakatutulong na mapaluwag ang mahigpit na plema. Pinakamahusay itong inumin nang mainit-init upang guminhawa ang iyong lalamunan. Maaari din lagyan ng pulot para sa mas masarap na lasa.

Maaari mong subukan ang mga ito upang maginhawaan ang iyong pag-ubo. Ngunit kung ang sintomas ay hindi nawawala at lumalala habang tumatagal, kumunsulta sa iyong doktor.

Ligtas ba ang mga Gamot sa Ubo ng mga Pilipino Kaysa sa mga Nabibiling Over-the-counter (OTC) na mga Gamot?

Mayroong tiyak na mga panganib kung palagi lamang tayong aasa sa mga over-the-counter (OTC) na mga gamot. Ilan sa mga ito ay mayroong epekto tulad ng pagsusuka, pagkahilo, at pagkaantok.

Ang American Academy of Pediatrics (AAP) ay  nagpapayo sa paggamit ng OTC na mga gamot partikular sa mga bata. Ito ay sa kadahilanan na ang mga epekto nito ay maaaring maging aksidenteng overdose kung mapagsasama sa iba pang gamot.

Kinakailangan ng mga magulang na maiging usisain ang mga nabibiling gamot sa ubo, dahil ang ilan sa mga ito ay naglalaman ng katangian kung saan maaaring ang pag-inom nito ay maaaring maging kinagawian. 

Mag-ingat sa pagbibigay ng mga gamot na walang payo mula sa doktor para sa mga sanggol na 6 na buwan pababa. Mainam na gumamit ng aspirators at saline solutions upang maiwasan ang ubo (at sipon).

Mahalagang Tandaan

Maliban kung mayroong malalang sintomas na kinakailangan ang pagpunta sa ospital, maaari mong subukan ang mga gamot sa ubo. Hindi lamang ligtas subukan ang mga ito kundi murang paraan na rin upang gamutin ang sarili nang hindi umaasa sa mga iniinom na gamot.

Matuto pa tungkol sa respiratory health, dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal, na payo diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Home Remedies for Cough and Colds https://news.abs-cbn.com/lifestyle/01/19/11/5-home-remedies-cough-colds Accessed July 11, 2020

Republic Act No. 8423 http://pitahc.gov.ph/about/republic-act-no-8423/ Accessed July 11, 2020

Lagundi: Anti-cough and anti-asthma medicine http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/programs-and-services/create-article/6560-lagundi-anti-cough-and-anti-asthma-medicine Accessed July 11, 2020

Remind Families: Honey can cause infant botulism, https://www.aappublications.org/news/2018/11/19/honey111918, Accessed July 11, 2020

Honey: An effective cough remedy? https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/expert-answers/honey/faq-20058031#:~:text=Drinking%20tea%20or%20warm%20lemon,milliliters)%20of%20honey%20at%20bedtime. Accessed July 11, 2020

Aloe Vera For Cold: How To Make Aloe Vera Juice To Combat Cold, Cough and Flu, https://food.ndtv.com/food-drinks/aloe-vera-for-cold-how-to-make-aloe-vera-juice-to-combat-cold-cough-and-flu-2037415, Accessed July 11, 2020

Exploring the Health Benefits of Apple Cider Vinegar, https://health.clevelandclinic.org/exploring-the-health-benefits-of-apple-cider-vinegar/, Accessed September 21, 2021

 

Kasalukuyang Version

06/01/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Hindi Gumagaling na Ubo: Paggamot at Pag-iwas sa Chronic na Ubo

Obstructive At Restrictive Lung Disease


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement