Sa banta ng COVID-19, makikita natin ang mga taong nakasuot ng mga kwintas na air purifier na umaasang mapoprotektahan sila nito mula sa sakit. Ngunit ito ba ay epektibo? Epektibo nga ba ang air purifier necklace?
Mga air purifier, ipinaliwanag
Ang polusyon sa hangin ay hindi maitatanggi. Ito ang isa sa pinakamalaking alalahanin sa kapaligiran sa mundo. Noong 2012, iniulat ng WHO na ang polusyon sa hangin ay nauugnay sa humigit-kumulang 7 milyong pagkamatay.
Kapag naririnig natin ang tungkol sa polusyon sa hangin, kadalasang iniisip natin ang tungkol sa industriyal na usok at tambutso mula sa mga sasakyan. Ngunit ang isa pa ay ang hangin sa ating mismong mga tahanan at opisina ay maaari ding marumi.
Ang pagbaba ng kalidad ng hangin sa loob ng bahay ay nag-udyok sa mga siyentipiko na lumikha ng mga air purifier. Ito ay mga makina na naglilinis sa hangin upang alisin nito ng mga allergen, lason, at mga organismong nagdudulot ng sakit. Naglilinis ng hangin sa iba-ibang paraan ang mga makinaryang air purifier. Ang ilan ay gumagamit ng mga filter, habang ang iba ay gumagamit ng UV light o mga ions (charged particles).
Bagama’t maraming pag-aaral ang kumumpirma na ang mga air purifier machine ay karaniwang epektibo, ang mga ito ay para sa polusyon na nagmula sa loob ng bahay na paggamit. Kung gusto mo ng proteksyon mula sa panlabas na polusyon, mayroon kang opsyon na bumili ng maliit at naisusuot na air purifier necklace. Ngunit, epektibo nga ba talaga ang air purifier necklace?
Nagtatanggal ba ang air purifier ng posibleng nagdadala ng pathogens?
Ang banta ng COVID-19 ay nagbigay inspirasyon sa maraming tao na magsuot ng mga pinaliit na air purifier. Ngunit epektibo nga ba ang air purifier necklace?
Sa kasamaang palad, kakaunti ang mga pag-aaral tungkol sa pagiging epektibo ng mga kwintas na air purifier. Sa pangkalahatan, gumagana ang mga ito sa pamamagitan ng paglalabas ng mga ion na “nagtutulak” sa mga pollutant palayo sa lugar ng paghinga ng nagsusuot nito. Kaya lumilikha ng maliit na bula ng malinis na hangin sa paligid ng ulo nang nagsusuot.
Isang pag-aaral ang nagsiwalat na ang isang nagsusuot ng air purifier ay may kahusayan sa pagtanggal ng particle na 50% sa loob ng 15 minuto at 100% sa isang oras at kalahati ng patuloy na paggamit. Gayunpaman, ang pag-aaral ay naganap sa loob ng bahay, sa ilalim ng kalmadong kondisyon ng hangin. Hindi natukoy ng mga nagsiyasat ang kahusayan sa pag-alis ng mga particle o dumi sa labas ng bahay.
Bilang karagdagan, ang sinasabi sa pag-aaral na ang mas malalaking stationary na air purifier ay mas mahusay pa rin sa pag-alis ng mga mikrobyo. Ipinakita ng mga resulta na ang mga stationary na air purifier na may kahusayan sa pagtanggal ng particle o dumi. Ito ay nasa 90% sa loob lamang ng 5-6 minuto at 100% sa loob ng 10 hanggang 12 minuto.
Mga kwintas na air purifier at COVID-19
Ngayon, ang tanong, epektibo ba ang kwintas na air purifier laban sa COVID-19?
Sinasabi ng mga eksperto na ito ay masyadong maaga pa upang sabihin. Tulad ng nabanggit kanina, kakaunti ang mga pag-aaral tungkol sa pagiging epektibo ng mga naisusuot na air purifier. Mukhang wala pang pananaliksik tungkol sa kakayahan nitong alisin ang novel coronavirus sa hangin.
Ayon sa US Environmental Protection Agency (EPA), ang wastong paggamit ng mga air purifier ay maaaring makabawas sa airborne contaminants, kabilang ang mga virus, sa mga nakakulong sa isang lugar. Gayunpaman, hindi nito kayang protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya laban sa COVID-19.
Pananaw ng DOH sa mga naisusuot na purifier
Sa isang press briefing, sinabi ni health OIC Maria Rosario Vergaire na ang mga air purifier na naisusuot na hindi nagbubuga ng usok ay hindi naman nagdudulot ng pinsala. Samakatuwid, walang masama sa paggamit ng mga ito. Gayunpaman, mahigpit ding nilinaw ng DOH na hindi sila nag-eendorso o nagrerekomenda ng mga kwintas na air purifier, lalo na kung ito ay ang kapalit ng mga face masks. Ang kagawaran ng kalusugan ay nangangatuwiran na wala pa ring ebidensya na magpapatunay sa pagiging epektibo nito.
Ang pinakamahusay pa ring sandata laban sa COVID-19 ay ang pagsunod sa mga health protocol. Madalas na paghuhugas ng kamay, magsuot ng face masks at face shield, at mahigpit na sundin ang physical distancing.
Mahalagang Tandaan
Ang mga kwintas na air purifier ay mga maliliit na device na naglalabas ng mga ion. Ito ay nagtutulak ng mga air pollutant palabas sa lugar o espasyo ng paghinga ng nagsusuot. Hindi bababa sa isang pag-aaral ang nagpapakita na maaari nitong alisin ang mga potensyal na mikrobyo na nagdadala ng pathogen; gayunpaman, ang mas malalaking stationary air purifier ay mas epektibo pa ring gamitin.
Kasalukuyang sinasabi ng Kagawaran ng Kalusugan na walang pinsala sa paggamit ng mga ito; gayunpaman, hindi pa rin nila inirerekomenda ang mga ito, sa halip ay sundin ang mga minimum na protocol sa kalusugan. Sa kasalukuyan, ang pinakamahusay na paraan upang maprotektahan ang ating sarili mula sa COVID-19 ay ang madalas na paghuhugas ng ating mga kamay, pagsusuot ng mga facemasks at face shield, at pagsasanay ng physical distancing.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Baga dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.