backup og meta

Alamin: Mga Triggers ng Asthma o Hika

Alamin: Mga Triggers ng Asthma o Hika

Tinatawag na asthma o hika ang kondisyon na humaharang sa respiratory airways na nagdudulot ng hirap sa paghinga. Sa mga malalang kondisyon, maaaring mahirap para sa iyo na magsagawa ng mga regular na gawain dahil sa asthma. Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng inflammatory disease na ito ang mahirap na paghinga, pag-ubo, pagbahing, panghihina, at pagsikip ng dibdib. Ang exposure sa mga allergen ang pinakakaraniwan at delikadong rason na nagdudulot ng asthma o nakakahika. Iba-iba ang nakakahika sa bawat tao, kabilang sa mga madalas na nakakahika ang alikabok, pollen, malakas na amoy, usok, balat ng hayop, temperatura, at iba pa. Mabibigla ka malaman ang mga hindi karaniwang bagay na nakakahika dito!

5 Hindi Pangkaraniwang Bagay na Nakakahika

Bagyo na may kulog at kidlat

Bagaman kakaiba pakinggan, totoo ang asthma na dulot ng panahon. Alam nating lahat na nakakahika ang pollen grains. Isa ang bagyo sa mga hindi karaniwang bagay na nakakahika na dala ng kondisyon ng kapaligiran.

Sinasabi na tuwing may bagyo, maaaring magdulot ng mamasa-masang kapaligiran ang alikabok at kumakalat ito bilang maliliit na particle. Nakakalat ang mga particle na ito sa hangin.

Magkatulad lamang ang senyales at sintomas ng thunderstorm asthma sa karaniwang sintomas ng asthma. Kasama sa mga sintomas nito ang hirap na paghinga, pagsikip ng dibdib, pag-ubo, at paghingal. Kung mayroong thunderstorm asthma, kailangan mong iwasang lumabas ng bahay pagkatapos ng bagyo.

Asthma na dulot ng pagtawa

Hindi ito biro. Naisip mo na bang nakakahika ang pagiging excited sa isang bagay? May malakas na koneksyon ang ating mga emosyon sa sintomas ng asthma, at kapag hindi nakontrol, maaari itong magpalala ng sintomas ng asthma.

Maaaring alam ng ilan sa inyo ang katotohanan na may kaugnayan sa asthma ang mga panic attack at depression, ngunit maaari din magpakita ng sintomas ng asthma ang mga positibong emosyon. Isa ang mga positibong emosyon sa mga hindi karaniwang bagay na nakakahika. Nangyayari ito dahil sa sobrang saya o kapag malakas na tumatawa; naaapektuhan nito ang paraan ng paghinga. Dahil sa nagbagong paraan ng paghinga kaya inuubo o nahihirapan huminga.

Sa tuwing tumatawa, hindi ka mas madalas huminga at nakakahinga ka lamang nang maiksi. Humihinga ka lamang nang maikli sa bibig kumpara sa regular na paghinga sa ilong. Mainit ang hangin kapag humihinga sa ilong, habang malamig naman ang hangin kapag humihinga sa bibig. Iyong malamig na hangin na dumadaan sa airways ang nakakahika sa iyo.

Gayundin, nasasala ang maliliit na alikabok na nakakahika kapag humihinga sa pamamagitan ng ilong ngunit direkta silang pumapasok sa aiways kapag humihinga sa bibig. Ang paglaban sa mga sintomas ng asthma ang pinakamabuting paraan para makontrol ang asthma na dulot ng pagtawa. Uminom ng tamang gamot at palaging dalhin ang inhaler sa tuwing lalabas ng bahay para maiwasan ang mga hindi karaniwang bagay na nakakahika.

Pinaka hindi karaniwang bagay na nakakahika: GERD

Nakakapagpalabas ng mga sintomas ng asthma ang gastroesophageal reflux disease (GERD). Kung may malubhang isyu ng GERD, may posibilidad na makapinsala sa iyong airways ang patuloy na backflow o regurgitation ng acid sa tiyan patungo sa esophagus. Nagreresulta ito ng mahirap na paghinga.

Maaaring mamaga o maging sensitibo ang iyong baga dahil sa paulit-ulit na pagdaan ng acid sa airways, at magdulot ng sintomas ng asthma. Pinapayuhan na iwasan ang sintomas ng GERD.

Upang makontrol ang GERD, dapat iwasan ang mga pagkaing nagdudulot ng acid reflux. Ito ang mga pagkaing maaanghang o pinirito, alak, tsokolate, at iba pa. Pinapayuhan din na iwasan ang pagsisigarilyo para maiwasan ang mga hindi karaniwanag bagay na nakakahika.

Maaari kang makipag-usap sa doktor upang higit pang malaman kung paano kontrolin ang mga sintomas ng GERD. Maaari ka ring matulungan ng mga herbal at alternatibong treatment. Siguraduhin lamang na makipag-usap sa doktor bago gumamit ng anumang herbal at supplement bilang bahagi ng iyong treatment.

Isa pang hindi karaniwang bagay na nakakahika: Menstrual cycle

Isa ang regla sa mga hindi karaniwang bagay na nakakahika. Sa panahon ng menstrual cycle, bumababa ang level ng progesterone at estrogen ng katawan. Ang pagbabago sa hormones ang nakakapagpalabas sa mga sintomas ng asthma.

Kahit iba-iba ang sintomas sa bawat tao, mahalaga pa ring bantayan sila. Nagbabago rin ang hormone level tuwing nagbubuntis, irregular period, at menopause.

Makipag-usap sa doktor kung mapansin na lumalala ang asthma tuwing may regla. Maaaring magreseta ng gamot ang iyong doktor na kailangan mong inumin bago at matapos ang iyong menstrual cycle para makontrol ang sintomas ng asthma.

Aspirin

Sensitibo ang mga taong may asthma sa ilang gamot na nakakahika. Kung isa ka sa mga taong may asthma, ipinapayo na magsagawa ng wastong pag-iingat bago uminom ng anumang gamot. Bantayan ang iyong mga sintomas, at tandaan kung nakakapagpalabas ng iyong sintomas ang ilang gamot.

Kabilang sa mga karaniwang gamot na nakakahika ang aspirin, painkillers tulad ng ibuprofen, at ilang mga gamot na pampababa ng blood pressure tulad ng beta-blocker. Umiwas sa mga hindi pangkaraniwang bagay na nakakahika; kahit pa bihira ito mangyari, delikado sa buhay ang allergy sa gamot.

Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga gamot na nagpapalabas ng mga sintomas ng iyong asthma.

Mga nakakahika at ang asthma

Lubhang sensitibo ang airways ng isang tao kaya nagkakaroon ng asthma. Kaya mahalagang malaman kung ano ang nakakahika sa iyo. Maaaring maging malala ang sitwasyon kapag hindi mo alam kung ano ang nakakahika sa iyo. Sa oras na malapit ka sa mga karaniwan at hindi karaniwan na bagay na nakakahika, makararamdam ka ng hindi komportableng pakiramdam. Kung minsan, maaari ka ring makaranas ng asthma attack. Hindi pare-pareho ang reaksyon ng mga tao sa mga bagay na nakakahika. Kaya mahalagang maunawaan ang mga bagay na nakakahika sa iyo, at iwasan ang malapit sa kanila hanggang sa maaari. Makipag-usap sa iyong doktor kung sakaling malaman na hinihika ka sa mga hindi karaniwan na bagay.

Matuto pa tungkol sa Asthma dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Causes or Triggers Asthma?/https://www.aafa.org/asthma-triggers-causes/Accessed on 10/05/2020

9 Unexpected Asthma Triggers/https://www.everydayhealth.com/asthma-pictures/things-that-can-trigger-asthma-attacks.aspx/Accessed on 10/05/2020

My Weirdest Asthma Triggers/https://www.healthline.com/health/asthma/my-weirdest-asthma-triggers#1/Accessed on 10/05/2020

Asthma/https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/asthma/symptoms-causes/syc-20369653/Accessed on 10/05/2020

What Do You Want to Know About Asthma?/https://www.healthline.com/health/asthma/Accessed on 10/05/2020

Aspirin and Other Drugs That May Trigger Asthma/https://www.webmd.com/asthma/guide/medications-trigger-asthma#1/Accessed on 10/05/2020

Kasalukuyang Version

01/31/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Nawawala At Bumabalik Ba Ang Asthma? Bakit Ito Nangyayari?

Bawal Kainin Ng May Hika: Ano-ano Ito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement