backup og meta

Nawawala At Bumabalik Ba Ang Asthma? Bakit Ito Nangyayari?

Nawawala At Bumabalik Ba Ang Asthma? Bakit Ito Nangyayari?

Ang asthma ay maaaring maging nakadidismaya para sa mga bata at mga magulang. Maaari nitong malimitahan ang mga aktibidad na maaaring magawa ng mga bata, at maging mapanganib sa kanilang kalusugan. Walang tiyak na gamot para sa asthma, ngunit may ilang mga batang hindi ito nararanasan habang sila ay tumatanda. Nawawala at bumabalik ba ang asthma? Permanente ba itong nawawala sa katawan ng isang tao? Alamin sa artikulong ito.

Ano Ang Asthma?

Ang asthma ay isang kondisyon kung saan ang mga daanan ng hangin papunta at paalis ng baga ay humihigpit na nagiging dahilan ng kahirapang huminga. Ang pagdami ng produksyon ng mucus ay nakaaapekto rin sa kung paano nakagagalaw ang hangin sa mga namamagang daanan. May maraming mga salik na nakapagpapataas sa tyansa ng pagkakaroon ng asthma ng isang tao, kabilang ang mga sumusunod:

  • Genetics. Ang pagkakaroon ng tiyak na gene ay nagiging dahilan upang ang isang tao ay magkaroon ng ganitong kondisyon.
  • Pagiging lantad sa usok ng sigarilyo o tabako habang nasa loob ng sinapupunan at matapos maipanganak.
  • Mababang birth rate at preterm birth ng bata
  • History ng asthma sa pamilya, lalo na sa pamilya ng ina
  • Ang mga lalaki ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng kondisyong ito kumpara sa mga babae.
  • Sa usapin ng lahi, ang African Americans at Puerto Ricans ay mas mas mataas na tyansang magkaroon nito.
  • Madalas na pagkakaroon ng mga sakit na may kaugnayan sa paghinga sa panahon ng pagkabata

Ano Ang Asthma? Anu-Ano Ang Triggers Nito?

Ang pagtukoy sa triggers at sanhi ng asthma ay makatutulong na masagot ang tanong na “Nawawala at bumabalik ba ang asthma?”

Ang pagkakaroon ng kondisyong ito ay maaaring maging dahilan upang ang isang bata ay maging mas sensitibo sa iba’t ibang allergens na nasa hangin. Nakatutulong ito sa mga magulang na maging pamilyar sa mga potensyal na trigger, upang mapigilang malantad sa mga ito ang kanilang mga anak.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagbabago sa panahon lalo sa tuwing tag-ulan
  • Matagal na pisikal na aktibidad
  • Pagkakalantad sa usok ng sigarilyo o tabako, o polusyon sa hangin tulad ng usok ng sasakyan
  • Mga hayop na naglalagas ng maraming balahibong hindi malinis
  • Maliliit na particles tulad ng pollen, alikabok, at molds
  • Ang acid reflux ay maaaring makapagpalubha ng mga sintomas
  • Usok mula sa disinfectant at mga panlinis ng bahay

Ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang pag-atake ng asthma ay limitahan ang pagkakalantad sa triggers na ito. Nakatutulong din ito upang mahikayat ang mga bata na magkaroon ng malusog at aktibong paraan ng pamumuhay.

Nawawala At Bumabalik Ba Ang Asthma Sa Mga Bata?

Nawawala at bumabalik ba ang asthma? Ang sagot ay ang asthma ay hindi nagagamot. Gayunpaman, maaari itong makontrol sa pamamagitan ng pagsunod sa action plan na kinabibilangan ng mga gamot, pagpigil sa triggers, at pagsubaybay sa mga sintomas. Kung maging matagumpay, ang mga sintomas na ito ay maaaring humupa habang lumalaki ang isang bata. Maaaring magawa ng bata ang mga aktibidad na hindi niya nagagawa noon dulot ng mga sintomas.

Gayunpaman, may tyansang ang mga sintomas ay muling maranasan ulit kalaunan, sa pagitan ng edad 30 hanggang 40. Ito ay maaari ding maging mas mahirap kaysa sa asthma sa panahon ng pagkabata.

Ang tyansa ng pagkakaroon ng asthma sa unang pagkakataon sa mga nakatatanda ay mas mababa kaysa sa mga taong nagkaroon na nito noong sila ay bata pa. Mayroon ding mga kaso kung saan ang mga nakatatanda ay hindi nakararanas ng muling pagkakaroon nito habang sila ay tumatanda.

Key Takeaways

Maaaring maging nakadidismaya ang pagkakaroon ng asthma dahil ito ay isang habambuhay na sakit na kailangang tugunan. Maraming triggers na maaaring makaapekto sa mga tao, lalo na sa mga bata na mas sensitibo sa allergens. Ngunit nawawala at bumabalik ba ang asthma? Ang sagot ay hindi ito nawawala. Walang tiyak na gamot para dito ngunit maaari itong mapigilan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan at gamot. Laging pinakamainam na kumonsulta sa doktor o health care providers upang masimulan ang sariling action plan para sa kondisyong ito.

Matuto pa tungkol sa Hika dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Asthma in Children, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/6776-asthma-in-children, Accessed July 3, 2021

Childhood asthma, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/childhood-asthma/symptoms-causes/syc-20351507, Accessed July 3, 2021

Overview – Asthma, https://www.nhs.uk/conditions/asthma/, Accessed July 3, 2021

Common Asthma Triggers, https://www.cdc.gov/asthma/triggers.html, Accessed July 3, 2021

Asthma in Children and Adults—What Are the Differences and What Can They

Tell us About Asthma? https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6603154/, Accessed July 3, 2021

Outgrowing asthma?, https://acaai.org/resources/connect/ask-allergist/outgrowing-asthma, Accessed July 3, 2021

Kasalukuyang Version

04/11/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Hereditary o Environmental ba ang Asthma? Ano ang mga Dahilan?

Bawal Kainin Ng May Hika: Ano-ano Ito?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement