May ilang mga tao na sinasabihan na may mas malaking panganib para sa sakit ng puso dahil ito ay nasa kanilang dugo na (o nasa kanilang genes). Ngunit, ang lingid sa kanilang kaalaman ay maroong iba’t ibang mga uri nito. Kung kaya, ibabahagi ng artikulong ito ang ilan sa mga karaniwang uri.
Mga Karaniwang Sintomas At Salik Ng Panganib Ng Sakit Sa Puso
Ang terminong “sakit sa puso” ay tumutukoy sa anumang kondisyon na nakaapekto sa normal na paggalaw ng puso. Bago tayo tumungo sa mga partikular na kondisyon, atin munang alamin ang mga telltale signs at risk factors nito.
Minsan, hindi ito kaagad nasusuri dahil maaari itong maging tahimik lang hanggang sa makaranas ng ilang mga sintomas ng heart attack, heart failure, o arrhythmia. Kung gayon, maaaring maituring na mga sintomas ang mga sumusunod:
- Heart attack: Pananakit ng dibdib (angina) o discomfort, pananakit sa itaas ng likod o leeg, hindi pagkatunaw ng pagkain, heartburn, pagduduwal o pagsusuka, matinding pagkapagod, discomfort sa itaas na parte ng katawan, pagkahilo, at pagkahingal.
- Arrhythmia: Fluttering feeling sa dibdib (palpitations).
- Heart failure: Pagkahingal, pagkapagod, o pamamaga ng paa, bukong-bukong, binti, tiyan, o mga ugat ng leeg.
Bukod sa mga sintomas na nabanggit, ang altapresyon, mataas na kolesterol sa dugo, at paninigarilyo ay ilan sa mga pangunahing salik ng panganib. Maaari ring malagay sa panganib ang isang tao buhat ng ilang medikal na kondisyon at lifestyle choices tulad ng:
[embed-health-tool-bmi]
Mga Uri Ng Sakit Sa Puso
Maraming mga kondisyon o problema sa puso na kinikilala bilang sakit sa puso. Narito ang ilan sa mga ito:
Coronary Artery Disease
Isa sa karaniwang uri ng sakit ang coronary artery disease. Ang isang tao ay nagkakaroon ng naturang kondisyon kapag nabarahan ang pangunahing daluyan ng dugo na nagsu-supply sa puso (coronary arteries) nang sapat na dugo, oxygen at nutrients sa heart muscles. Kadalasang sanhi ng sakit na ito ang cholesterol deposits (plaques) sa arteries na namumuo (atherosclerosis) at ang pamamaga. Binabawasan ng atherosclerosis ang pagdaloy ng dugo sa puso at iba pang bahagi ng katawan. Ito ay maaaring humantong sa atake sa puso, pananakit ng dibdib (angina), o stroke.
Heart Arrhythmias
Ito ay tumutukoy sa problema sa rate o ritmo ng tibok ng puso. Maaaring masyadong mabilis, masyadong mabagal, o kaya na iregular ang pattern nito. Tachycardia ang terminong ginagamit kapag mas mabilis kaysa sa normal ang pagtibok ng puso. Samantala, ito naman ay tinatawag na bradycardia kapag masyado itong mabagal. Ang atrial fibrillation ang pinakakaraniwang uri naman ng arrhythmia. Ito ay nagiging sanhi ng iregular at mabilis na pagtibok ng puso.
Cardiomyopathy
Ang cardiomyopathy ay isang uri ng sakit kung saan napipigilan ang puso at iba pang heart muscles na magdala ng dugo sa paligid ng katawan nang maayos. Dahil dito, maaari itong humantong sa pagpalya ng puso (heart failure). Mayroong limang pangunahing uri nito: dilated cardiomyopathy, hypertrophic cardiomyopathy, arrhythmogenic right ventricular cardiomyopathy, restrictive cardiomyopathy, at left ventricular non-compaction cardiomyopathy. Ang ilan ay namamana habang ang iba naman ay resulta ng mga viral infection o atake sa puso.
Pericarditis
Nagkakaroon ang isang tao ng naturang sakit kapag namamaga ang manipis na balot o manipis, saclike tissue na nakapalibot (pericardium). Ang pericarditis ay kadalasang nagiging sanhi ng matinding pananakit ng dibdib dahil ang irritated layers ng pericardium ay nagkikiskisan sa isa’t isa.
Congenital Heart Defects
Posible namang magkaroon ng congenital heart defect habang lumalaki ang sanggol sa sinapupunan. Kadalasan, nabubuo ito habang lumalaki ang puso ng sanggol, mga isang buwan pagkatapos ng paglilihi. Binabago nito ang daloy ng dugo sa puso na karaniwang dulot ng ilang mga medikal na kondisyon, gamot, at genes.
Key Takeaways
Maraming iba’t ibang uri ng sakit sa puso, at kada uri ay may parikular na sanhi. Kung marami sa iyong pamilya ang mayroon ng alinmang uri, siguraduhing magpatingin ka rin upang mabigyan ng agarang atensyon. Huwag ng hayaan na umabot pa ito sa mga malubhang komplikasyon.
Alamin ang iba pa tungkol sa Sakit sa Puso dito