backup og meta

Namamana Ba Ang Sakit Sa Puso? Heto Ang Mga Facts Sa Heart Disease

Namamana Ba Ang Sakit Sa Puso? Heto Ang Mga Facts Sa Heart Disease

Kadalasan napaguusapan kung kanino nagmana ang isang bata. Isang debate kung siya ba ay kamukha ng nanay niya o tatay niya. Mapa tangkad at kanyang pag-uugali ay nababanggit din sa pag-uusap na ito. Ngunit, bukod sa aspetong ito, ilan sa mga karaniwang sakit na kilala natin ay maaari ring may kaugnayan sa genes at family history. Kung kaya, madalas ang katanungan ay — namamana ba ang sakit sa puso? Ihahayag ng artikulong ito ang dapat mong malamang impormasyon patungkol sa karamdamang ito. 

Pag-Unawa Sa Panganib Ng Sakit Sa Puso

Marami ang nagtatanong kung namamana ba ang sakit sa puso. Ito ay marahil kapansin-pansin ang pagkakaroon nito ng ilang miyembro sa kanilang pamilya. Hindi maitatanggi na kabilang ang family history at edad sa mga risk factors ng sakit sa puso na ikinokonsidera. Partikular ang dalawang panganib na ito dahil hindi basta-basta itong nakokontrol. 

Maaaring maimpluwensyahan ng genetics ang panganib para sa sakit sa puso sa maraming paraan. Kinokontrol ng mga gene ang bawat aspeto ng cardiovascular system, mula sa lakas ng mga daluyan ng dugo hanggang sa paraan ng pakikitungo ng mga cells sa puso.

Malaki ang posibilidad na makaapekto ang isang genetic variation o mutation sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Halimbawa, maaaring baguhin nito ang paraan ng paggana ng isang partikular na protina, nagpapabago ng pagproseso ng kolesterol sa katawan. Dahil dito, tumataas ang posibilidad na magkaroon ng blocked arteries o baradaong mga daluyang ugat. Ito ay maaaring maipasa mula sa mga magulang hanggang sa mga bata sa DNA ng itlog at semilya. Ang genetic code ng mga magulang ay kinokopya sa bawat cell ng katawan ng isang bata sa panahon ng kanilang paglaki.

Kung kaya, inirerekomendang magpatingin din ang mga kamag-anak at sumailalim sa ilang screening habang maaga pa at maaari pang agapan. 

Mga Karaniwang Namamanang Sakit Sa Puso

Matapos matuklasan ang kasagutan kung namamana ba ang sakit sa puso, nararapat namang malaman kung ano-ano ang mga karaniwang klase na maaaring makaapekto sa iyo at iyong pamilya. 

Ang namamanang sakit sa puso ay tumutukoy sa pangkalahatang termino na sumasaklaw sa iba’t ibang uri ng sakit sa puso. Ito ay kinabibilangan ng mga arrhythmia, congenital heart disease, cardiomyopathy, maging ang hypercholesterolemia. 

Familial Hypertrophic Cardiomyopathy

Maaaring maapektuhan ang kahit sinumang miyembro ng pamilya ng kondisyong ito, anuman ang kanyang edad. Ito ay Ito ay tumutukoy sa pagkapal ng isang bahagi o kabuuan ng heart muscles. 

Ang mga sintomas ng familial hypertrophic cardiomyopathy ay maaaring magkaiba sa mga miyembro ng pamilya. Halimbawa, ang iyong ama ay maaaring makaranas ng pananakit ng dibdib, ngunit ikaw ay maaaring magkaroon ng mild palpitations o marahang pagkabog ng dibdib. Posible rin naman na hindi ka nakararanas ng anumang sintomas.

Subalit, sa mga matitinding kaso, maaari itong maging sanhi ng biglaang pagkamatay.

Familial Dilated Cardiomyopathy

Habang ang naunang uri ng cardiomyopathy ay nagiging sanhi ng pagkapal ng muscles ng puso, ang kabaligtaran naman ay totoo sa dilated cardiomyopathy. Sa kondisyong ito, nagiging manipis at mahina ang mga heart muscles na maaaring maapektuhan ang magkabilang panig ng puso.

Ito ay maaaring magdulot ng mga sintomas tulad ng:

  • Iregular na pagtibok ng puso
  • Pagkapagod
  • Pag-iksi ng paghinga
  • Pagkahimatay
  • Pamamaga ng ilang parteng katawan tulad ng tiyan at mga binti 

Familial Hypercholesterolemia

Mayroong mahalagang ugnayan ang kolesterol sa pagsagot sa tanong kung namamana ba ang sakit sa puso. 

Ang familial hypercholesterolemia ay tumutukoy sa isang namamanang dahilan ng coronary heart disease. Mataas ang low-density lipoprotein (LDL), o ang itinuturing na bad cholesterol kung ang isang tao ay mayroon ng naturang karamdaman. At kung hindi ito magagamot, maaaring humantong sa stroke o heart attack. 

Ilan pa sa mga karaniwang uri ng familial arrhythmia ay ang mga sumusunod:

  • Short QT Syndrome
  • Long QT Syndrome 
  • Brugada Syndrome
  • Catecholaminergic Polymorphic Ventricular Tachycardia 

Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Sakit Sa Puso?

Bukod sa pagtanong kung namamana ba ang sakit sa puso, nararapat mo ring maunawaan na malaki ang epekto ng iba’t ibang risk factors tulad ng altapresyon, mataas na antas ng kolesterol, at diabetes sa paglaganap ng sakit sa puso. 

Bagaman hindi nakokontrol ang genes o ang family history, maaari namang maiwasan ito sa pamamagitan ng mga hakbang na ito:

Makatutulong din ang pamamahala ng iyong diabetes, kung mayroon ka man nito, upang mapababa ang posibilidad ng sakit sa puso. Dagdag pa rito, mainam na uminom ng kailangang gamot upang gamutin ang mataas na kolesterol, altapresyon, at diabetes

Key Takeaways

Marami ang nagtatanong kung namamana ba ang sakit sa puso. Ito ay marahil karaniwan ang mga kaso ng sakit sa puso sa mga pamilya. Ngunit, hindi ito nangangahulugang kung mayroon ang iyong nanay o tatay nito ay awtomatikong mayroon ka na rin. Kung kaya, mahalaga na sumailalim ang bawat miyembro ng pamilya sa ilang mga pagsusuri at screening upang malaman ang panganib dito at upang agaran itong maagapan. Bukod pa rito, imimumungkahi rin ang pagsasagawa ng iba’t ibang mga lifestyle changes.

Alamin ang iba pa tungkol sa Sakit sa Puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Inherited Cardiac Conditions (Genetic Disorders), https://www.ottawaheart.ca/heart-condition/inherited-cardiac-conditions-genetic-disorders#:~:text=Many%20cardiac%20disorders%20can%20be,indicating%20inherited%20genetic%20risk%20factors, Accessed June 24, 2022

All in the Family: 3 Common Inherited Heart Diseases, https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/heart-and-vascular-blog/2019/january/inherited-heart-diseases, Accessed June 24, 2022

Does a family history of heart attacks increase your risk?, https://www.ucihealth.org/blog/2017/02/family-history-heart-attacks, Accessed June 24, 2022

Inherited heart conditions, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/heart-and-blood-vessels/conditions/inherited-heart-conditions, Accessed June 24, 2022

Does Heart Disease Run in Your Family? https://www.cdc.gov/genomics/disease/heart_disease.htm, Accessed June 24, 2022

Know Your Risk for Heart Disease, https://www.cdc.gov/heartdisease/risk_factors.htm, Accessed June 24, 2022

Kasalukuyang Version

09/23/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Sakit Sa Puso: Anu-Ano Ang Iba’t ibang Uri? Alamin Dito

Anu-Ano Ang Mga Senyales Ng Sakit Sa Puso? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement