Umiinom ka ba ng trimetazidine hydrochloride? Kung gayon, narito ang ilang mahahalagang paalala at kung para saan ang trimetazidine hydrochloride.
Ano ang Trimetazidine Hydrochloride?
Ang trimetazidine ay gamot na tumutulong sa pag-metabolize ng mga fatty acid, na tumutulong sa iyong katawan na gumamit ng oxygen. Hinahayaan din nito na dumaloy sa puso ang mas maraming dugo at pigilan ang mabilis na mga pagbabago sa iyong blood pressure. Pangunahing ginagamit ito upang mapigilan at magamot ang mga pag-atake ng angina o biglaang sakit sa dibdib, leeg, at mga sakit sa likod bilang resulta ng mababang supply ng oxygen sa puso. Ang gamot na ito, ayon sa European Medicines Agency (EMA), ay dapat lamang gamitin bilang add-on sa existing treatment ng pasyente para sa hindi makontrol na angina.
Karaniwan, ang layunin ay upang mabawasan ang bilang na makaranas ng angina ang pasyente na may regular na paggamit ng gamot na ito.
Para Saan ang Trimetazidine Hydrochloride?
Bukod sa paggamot at pag-iwas sa angina, maaaring magreseta ang mga doktor ng trimetazidine hydrochloride para sa mga sumusunod:
- Vertigo, “Spinning Sensation” ang paglalarawan ng mga pasyente.
- Tinnitus na kung saan ay inilarawan na pag-ring sa mga tainga.
- Visual disturbances o reduced vision, resulta ng mga problema sa blood vessels.
Mayroon ding mga pag -aaral na nagmumungkahi na ang gamot ay maaaring magamit para sa heart failure at peripheral vascular disease [2,3].
Laging tandaan na kailangan mong kumunsulta sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito.
Mahalaga
Kahit na maaaring gamitin ang trimetazidine para sa tinnitus, vertigo, at visual disturbances, ang EMA, Committee for Medicinal Products for Human Use (CHMP) ay nag-conclude na “Ang mga benepisyo ay hindi hihigit sa panganib.” Ibig sabihin, inirerekumenda nila na ang mga pasyente na tumanggap ng gamot na ito para sa tinnitus, visual disturbances, at vertigo ay dapat makipag-usap sa kanilang doktor tungkol sa paglipat sa isang alternatibong paggamot.
Tandaan na binanggit din ng EMA na “walang pangangailangan para sa agarang pagbabago sa paggamot.” Kung gusto mong matuto pa tungkol sa paggamit ng trimetazidine hydrochloride, mangyaring kumunsulta sa iyong doktor.
Mga side effect
Pagkatapos talakayin kung para saan ang trimetazidine hydrochloride, magpatuloy tayo sa mga side effect.
Ayon sa mga ulat, ang paggamit ng gamot na ito ay maaaring magresulta paminsan-minsan sa mga sumusunod na epekto:
- Gastrointestinal discomfort
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Pagtatae
- Pagkahilo
- Sakit ng ulo
- Rashes
- Nanghihina ang pakiramdam
Bihirang mangyari pero maaari rin itong humantong sa thrombocytopenia (mababang bilang ng platelet). At agranulocytosis (napakababang antas ng granulocytes, isang uri ng white blood cell), at dysfunction ng atay.
Kung ang mga side effect na ito ay hindi bumuti o nakakaapekto na sa iyong pang-araw-araw na buhay, mangyaring makipag-usap sa iyong doktor.
Mga Pag-iingat
Maraming pag-aaral at ulat ang nagpakita na ang trimetazidine ay mabisang panggagamot para sa angina at myocardial ischemia (mababa ang suplay ng dugo sa puso). Ngunit, mayroon pa ring mga pag-iingat na dapat tandaan. Mahalagang ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod:
- allergy sa gamot o anumang sangkap ng gamot
- buntis o nagpaplanong magbuntis
- umiinom ng iba pang mga gamot, supplements, o herbals
- sakit sa bato
- Parkinson’s Disease, Restless leg syndrome, Tremors o anumang iba pang movement disorders
Gayundin, kung ang pasyente ay makaranas ng mga sintomas ng Parkinsonian habang nasa gamot na ito, dapat na ihinto ito. Kung ang mga sintomas ay nagpapatuloy apat na buwan pagkatapos ng paghinto, ang pasyente ay dapat humingi ng medikal na tulong.
Karagdagang Mga Tagubilin
Inumin ang gamot na ito na may pagkain upang maiwasan ang risk ng gastrointestinal side effects. Gayundin, tandaan na huwag ihinto ang pag-inom nang walang payo ng iyong doktor.
Kung nakalimutan mong inumin ang isang dose, inumin ito agad sa oras na maalala maliban kung malapit na ang oras ng susunod na dose. Kapag ganoon, laktawan ang napalampas na dose at sundin ang susunod na dose. Huwag uminom ng dalawang dose na magkalapit ang oras.
Key Takeaways
Ang Trimetazidine hydrochloride ay gamot na pangunahing ginagamit upang gamutin ang angina at myocardial ischemia. Inaasahan na sa regular na pag-inom ng gamot na ito, ang pasyente ay hindi makakaranas ng angina nang madalas.
Gayunpaman, maaari rin itong gamitin para sa tinnitus, vertigo, at visual disturbances. Bagaman ang ilang mga eksperto ay nagpasya na sa mga kondisyong ito, ang mga benepisyo ng gamot ay hindi mas malaki kaysa sa mga panganib.
Matuto pa tungkol sa Heart Health dito.
[embed-health-tool-bmr]