Mula noong 1970s, sinusubukan na ng mga eksperto na tukuyin kung ang cough CPR, o cough-induced cardiac compressions sa pamamagitan ng malakas na pag-ubo, ay maaaring maging mahusay na hakbang sa pag-iwas para sa mga atake sa puso. Ano ang cough CPR? Alamin dito.
Subalit ang research kamakailan ay nagtulak sa mga eksperto na maniwala na hindi ito inirerekomenda.
Upang mas maunawaan ito, kakailanganin muna nating tukuyin kung ano ang atake sa puso. Makakatulong na tingnang mabuti ang mga palatandaan at sintomas nito, gayundin ang pag-iwas o pangunang lunas.
Ang atake sa puso ay nangyayari kapag ang daloy ng oxygenated na dugo sa isang section ng muscles ng dugo ay naharang. Kapag nangyari ito, hinaharangan nito ang pagdadala ng oxygen sa puso, na maaaring humantong sa pagkamatay ng heart muscle.
Sintomas ng atake sa puso
Ang pinakakaraniwang sintomas na nararanasan ng mga pasyenteng inaatake sa puso ay ang pananakit o discomfort sa dibdib at sa itaas na bahagi ng katawan, at kinakapos ng paghinga.
Ang ilang mga pasyente, tulad ng mga kababaihan, matatanda, at mga pasyenteng may diabetes, ay maaaring walang anumang sintomas.
Sa pangkalahatan, ang mga pasyente na nakakaranas ng atake sa puso ay maaaring makaranas ng mga sumusunod na sintomas:
- Pananakit ng dibdib na umaabot sa kaliwang braso, magkabilang braso, panga, leeg, likod, at tiyan
- Pinagpapawisan
- Kinakapos na paghinga
- Pananakit ng tiyan o epigastric pain
- Pag-ubo o may humuhuni
- Pagkahilo
- Pagduduwal at pagsusuka
- Pakiramdam ng pagkabalisa, katulad ng panic attack
Cough CPR para Maiwasan ang Atake sa Puso: Gumagana ba Ito?
Ang pag-iwas sa pagkakaroon ng atake sa puso ay nagmumula sa pagpapababa ng controllable risk factors. Halimbawa, pagkontrol sa timbang ng katawan, pagtigil sa paninigarilyo, pagbabawas ng pagkain ng taba, pagpapataas ng good cholesterol habang binabawasan ang bad cholesterol, at pagkontrol sa presyon ng dugo.
Ano ang cough CPR?
Ang “Cough CPR”, kahit na mas pamilyar, ay talagang isang maling katawagan.
Ang pagtawag dito na Cough-Induced Cardiac Compressions, na hindi anyo ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), ay mas accurate.
Ito ay dahil wala itong papel na ginagampanan sa pag-resuscitate sa mga pasyenteng dumaranas ng cardiac arrest. At gayundin sa pagpigil sa atake sa puso.
Ang pamamaraan na ito ay orihinal na ginamit sa isang pag-aaral noong 1970 ng mga pasyente na dumaranas ng ventricular fibrillation. Ginawa ito upang mapanatili silang gising sa oras ng coronary angiography.
Hiniling sa kanila na umubo nang malakas tuwing 1 hanggang 3 segundo. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik na mabuti para sa pasyente ang pag-ubo kapag na-detect ang arrhythmia (abnormal na ritmo ng puso) sa panahon ng cardiac catheterization.