Ang varicose veins ay maaaring maging dahilan upang ang isang tao ay mahiyang ipakita ang kanyang mga binti. Bagama’t ang spider at varicose veins ay hindi mapanganib, karamihan ay gustong mabuhay nang wala ang mga ito. Ano ang pinakamainam na gamot sa varicose veins? Matuto nang higit pa tungkol sa varicose veins at ang mga maaaring opsyon sa kasalukuyan.
Bakit Nagkakaroon Ng Varicose At Spider Veins?
Bago malaman kung ano ang mga gamot sa varicose veins, alamin muna ang mga sanhi nito varicose at ng spider veins. Una, ang veins ay mga daluyan ng dugo na nagdadala ng dugo pabalik sa puso. Ang arteries naman ay ang mga daluyan na nagdadala ng dugo mula sa puso patungo sa iba pang mga bahagi ng katawan. Bagama’t ang arteries at veins ay may parehong responsiblidad sa katawan, may pagkakaiba ang mga ito sa istruktura. Ang arteries ay mas muscular at may mas makapal na walls. Sa kabilang banda, ang veins ay natutupi, may mas malaking diameter, at naglalaman ng valves. Ang valves na ito ay mahalaga upang maiwasan ang pagdaloy pabalik ng dugo (venous reflux) dahil sa gravity.
Ang mga varicose veins ay mga namamagang ugat, na karaniwang nakikita sa mga binti. Kadalasang lumilitaw ang mga ito bilang kulay bughaw, maumbok, at maaaring hindi komportable sa pakiramdam. Nagkakaroon ng spider veins malapit sa ibabaw ng balat at maaaring kulay pula na nagiging bughaw at flat. Dagdag pa, ang varicose veins ay maaaring magsanga-sanga at lumikha ng spider veins.
Nangyayari ang varicose veins kapag ang dugo ay namuo at tumataas ang presyon sa mga ugat. Ang pamumuong ito ay nangyayari kapag ang valves ay humina, na nagiging sanhi ng pagdaloy pabalik ng dugo. Ang mga sumusunod ay lang mga sanhi at mapanganib na salik ng varicose veins:
- Nakatayo nang mahabang panahon
- Pagkakaroon ng flat na mga paa o mababang arches
- Pagsusuot ng sapatos na may mataas na takong
- Pagdekwatro habang nakaupo
- Pagiging overweight o obese
- Pagbubuntis
- Mas matandang edad
- Pagiging babae (maaari pa ring magkaroon ng varicose veins ang mga kalalakihan)
- Menopause
- Pagkakalantad sa estrogen (hal. oral contraceptives)
- Pagkakaroon ng mga kamag-anak na may varicose veins
Pinakamainam Na Gamot Sa Varicose Veins
Paggamot Sa Bahay At Mga Payo Sa Pag-Aalaga Sa Sarili
Tulad ng nabanggit kanina, ang varicose veins at spider veins ay nabubuo kapag ang valves ay humina at ang dugo ay naipon sa veins. Tulad ng sa maraming mga kondisyon, mas mainam ang pag-iwas kaysa ang pagpapagaling. Sa kasamaang palad, walang mga remedyo o gamot na maaaring inumin sa bahay upang mawala ang varicose veins sa sandaling lumitaw ang mga ito.
Una, alamin kung may anumang mga mapapanganib na salik o family history ng varicose veins. Iwasan ang mga salik na ito kung maaari. Gayunpaman, kung kinakailangan sa trabaho ang pagtayo nang matagal, tiyaking maglakad-lakad paminsan-minsan. Pinipigilan nito ang pamumuo ng dugo sa mga binti sa pamamagitan ng pag-contract ng muscle sa binti. Pumili ng mas komportableng sapatos na sumusuporta sa arches sa halip na mataas na takong. Pag-uwi, subukang itaas ang mga binti upang maibsan ang presyon.
Matapos ito, ang compression socks at stockings ay makatuulong upang maiwasan ang pamumuo ng varicose veins. Nagiging epektibo ang mga ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng presyon sa labas ng mga ugat na nagbibigay ng normal na daloy ng dugo sa halip na pagdaloy pabalik.
At huli, ang pagpapanatili ng malusog na BMI at pagsasagawa ng regular na pag-eehersisyo ay nakapipigil sa pamumuo ng varicose vein. Ang mga ehersisyong cardiovascular tulad ng jogging at strength-training na ehersisyo tulad ng squats at lunges ay nakapagpapalakas sa muscles ng mga binti at napapananatili ang malusog na sirkulasyon ng dugo.
[embed-health-tool-bmi]
Operasyon At Mga Di-Gaanong Invasive Na Paraan
Ang pinakamainam na gamot sa varicose veins ay depende sa personal na history ng pasyente at sa kalubhaan ng varicosity. May maraming mga epektibong paraan na ginagamit sa kasalukuyan.
Sclerotherapy
Ang pinakamainam na gamot para sa varicose veins na maliit pa lamang ay ang pamamaraang tinatawag na sclerotherapy. Kabilang dito pag-injection ng espesyal na solution (sclerosant) sa mga apektadong ugat. Ang solution na ito ay nagiging sanhi ng upang ang malalaking veins ay mag-collapse at magkaroon ng peklat, na kalaunan ay natural na gagaling. Ginagamit din ang ultrasound device habang isinasagawa ang sclerotherapy upang magabayan ang doktor. Tumatagal ng 2 hanggang 3 sessions ng sclerotherapy upang makita ang buong resulta.
Bilang karagdagan, ang malalaking varicose veins ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng foam sclerotherapy. Sa halip na karaniwang liquid solution, isang jet ng hangin ang idinaragdag na lumilikha ng foam sa loob ng vein. Ito ay may katulad na epekto gaya ng regular na sclerotherapy ngunit mas epektibo sa mas malalaking veins. Wala gaanong sakit ang prosesong ito, bagamat ang ilang mga pasyente ay nakararanas ng sakit o di komportableng pakiramdam matapok ang injection.
Mga Hindi Invasive Na Gamot
Ang iba pang mga opsyon na gamot sa varicose veins at spider veins ay ang laser at radiofrequency treatments. Hindi invasive ang mga ito, kaya ligtas ang paggamot at hindi gaanong nakaaaepekto sa karamihan ng mga tao. Ang iba pang mga benepisyo ng mga hindi invasive na therapies ay ang pagiging mabilis ng mga ito, pagkakaroon ng mas kaunting mga komplikasyon, at may kaunti o walang downtime.Sa katunayan, maraming tao ang nakapagpapatuloy sa kanilang mga normal na gawain araw-araw pagkatapos ng prosesong ito.
Kabilang sa mga halimbawa ng laser treatment ay ang endovenous laser therapy (EVLT) at radiofrequency ablation (RFA). Ang mga ito ay parehong gumagamit ng mga makina na nagdidirekta ng liwanag o current sa mga bahaging may varicose veins. Bagama’t hindi pumapasok ang mga ito sa balat, ang enerhiya mula sa mga kagamitang ito ay sumisira sa veins mula sa loob. Ang EVLT ay angkop para sa mas maliliit na varicose veins at spider veins, habang ang RFA ay mas mahusay para sa mas malalaking varicose veins.
Pagtanggal Ng Ugat At Ligation
Operasyon ang pinakamainam na gamot sa varicose veins na lubhang malaki, may mga namuong dugo, o hindi nawawala sa tulong ng iba pang mga gamot. Kabilang sa proseso ng pagtanggal ng ugat ay ang paghiwa ng balat at pag-alis ng varicose veins na kaugnayan ng pangunahing vein (karaniwang ang malaking saphenous na ugat sa binti). Ang ligation ay kinabibilangan ng pagtatali ng mga bahagi ng vein upang mas madaling mabunot o tanggalin.
Maaaring tumagal ng hanggang 2 oras ang prosesong ito at bibigyan ang pasyente ng general o spinal anesthesia upang mamanhid. Kakailanganin magsuot ng mga benda at compression stockings sa loob ng ilang araw matapos ng operasyon. Hindi tulad ng ibang proseso, hindi kakailanganin ng maraming sesyon maliban kung magkaroon ng bagong varicose veins sa hinaharap.
Key Takeaways
Ang pinakamainam na gamot sa varicose veins ay hindi limitado sa operasyon. Sa kasalukuyang panahon, mas gusto ng mga doktor at pasyente ang mga non-invasive o bahagyang invasive na mga operasyon tulad ng laser at sclerotherapy Bukod pa rito, maraming bagay ang maaaring gawin sa bahay upang mabawasan ang tyansang magkaroon ng varicose veins at spider veins.
Matuto pa tungkol sa iba pang mga problemang cardiovascular dito.