Ang napapanahong angioplasty, sa kabila ng mga panganib nito, ay may napakalaking benepisyo na maaaring patunayan sa pagliligtas ng buhay para sa taong may sakit sa puso. Ang isang napakahalagang bahagi ng angioplasty procedure ay ang stent. Maaaring itanong mo agad: ano ang stent? Basahin dito ang madaling mga paliwanag na posibleng maghatid sa iyo ng mga tamang tanong tungkol sa angioplasty, kung kailangan mo o ng isang mahal sa buhay.
Ano ang stent?
Ang stent ay isang maliit na tubo na mahalagang bahagi ng angioplasty procedure. Ito ay isang tool na ginawa mula sa wire at mesh, na nagbibigay-daan sa surgeon na buksan ang coronary artery at i-pwesto ang stent sa loob ng katawan.
Ang coronary artery ay ang nerve na nagpapadala ng oxygen sa puso. Kadalasang nangyayari ang stroke kapag ang supply ay naputol dahil sa pagliit ng arteries. Nangyayari ito dahil sa build-up ng mga fatty acid, na kilala rin bilang plaque.
Kaya naman binabawasan ng angioplasty stent ang tyansa ng heart attack. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng arteries at pagpapahintulot sa dugo na dumaloy nang maayos.
Ang stent ay karaniwang ipinapasok sa arterya sa pamamagitan ng paggamit ng isang catheter, na ang stent ay naka-lock sa lugar pagkatapos ng pagpapaluwag. Ang pagluwag ay nakakabawas sa plaque na nakaharang sa vessel. Pagkatapos ng pag-lock, ang balloon catheter ay dine-deflate at inilalabas, dahil ang stent ay nananatili sa loob.
Saan gawa ang stent?
Natural na maging mausisa tungkol sa mga bahagi ng wire na mananatili sa loob ng iyong katawan nang ilang sandali. Kadalasan, ang stent ay gawa sa wire at mesh, ang ilan ay maaaring gawa sa fabric. Ang ibang mga stent ay gawa sa metal at materyales na maaaring matunaw sa iyong katawan sa partikular na panahon. Ang mga stent na ito ay binabalot din ng mga gamot.
Habang naglalagay ng stent, ang pamamaraang isinasagawa ay tinatawag na angioplasty.
Kahalagahan ng stent
Pagkatapos ng tanong na “ano ang stent?” at kung saan ito gawa, ang kasunod na tanong ay ang kahalagahan ng stent. Ano ang dahilan kung bakit ang isang maliit na wire ay may mahalagang papel sa pagligtas ng isa sa mga pinakamahalagang organ sa katawan ng tao? Alamin natin.
Ang mga stent ay ginagamit upang palawakin ang daanan ng arterya na nagiging makitid dahil sa pagbuo ng plaque: fatty material na gawa sa kolesterol at iba pang mga sangkap, na nakakabit sa mga dingding ng vessel.
Ang stent ay kailangan dahil ang angioplasty ay karaniwang isang emergency procedure, dahil sa kahalagahan ng oras na kasangkot. Kung ang isang tao ay dumaranas ng atake sa puso, ang angioplasty sa pamamagitan ng isang stent ang pinakamabilis na maaaring magpataas ng tyansang makapagligtas ng buhay ng pasyente.
Gayunpaman, ang tanong na ‘ano ang stent’ ay nangangailangan ng karagdagang paliwanag.
Ang isa pang bagay na nagpapakita ng kahalagahan ng mga stent ay ang kanilang kakayahang tugunan ang aneurysms. Maaaring pigilan ng stent ang artery walls sa panghihina, kaya nababawasan ang tyansa ng aneurysms rupture.
Ang stent ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa angioplasty kung saan nakakatulong ito na buksan ang coronary artery. Maaari rin itong gamitin upang buksan ang iba pang mga daluyan ng dugo na nagbara, tulad ng mga sumusunod:
- Bronchi: lung airways
- Bile ducts: mga tubo na nagdadala ng apdo papunta at mula sa digestive system, at
- Ureters: ang sisidlan na responsable sa pagdadala ng ihi sa pantog.
Ang kahalagahan ng stent ay maaari ding masukat na ito ay totoong may mas mahusay na recovery rate kaysa sa tradisyonal na bypass surgery.
Ano ang mga uri ng stent?
Kahit ang stent ay isang maliit na wire, mayroon itong iba’t ibang uri. Mula sa mga binalutan ng mga gamot hanggang sa plain metal, mayroong iba’t ibang uri ng mga stent na magagamit.
Depende sa pros and cons ng mga ito, kasama na ang risk factors sa pasyente, pinagpapasyahan ang uri ng stent na gagamitin sa angioplasty.
Tingnan natin ang iba’t ibang uri ng stent:
Drug-Eluting Stent
Ang stent na ito ay coated ng gamot na inilalabas para pigilan ang paglaki ng scar tissue sa lining ng artery. Tinitiyak nito na nananatiling bukas ang daanan ng arterya para sa maayos na daloy ng dugo.
Gayumpaman, ang stent na ito ay maaaring magpataas ng tyansa ng blood clot. Dagdag pa rito, ang pagpapagaling ay mas mabagal. Kaya, ang mga pasyente ay kailangang sumunod sa mahigpit na tagubilin ng kanilang doktor.
Bio-engineered Stent
Kilala rin itong antibody-coated stent, hindi ito gumagamit ng polymer o anumang gamot. Sa halip, nakakatulong ito sa pagpapabilis ng pagpapagaling. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapabilis ng artery cell lining, na kilala rin bilang proseso ng endothelialization.
Ang antibody coating sa ganitong uri ng stent ay nag-a-attract sa bone marrow cells mula sa katawan na nagpapabilis sa pagbuo ng endothelium. Binabawasan nito ang panganib ng pamumuo ng dugo.
Dual Therapy Stent
Pinagsasama ang pinakamahusay na bio-engineering at DES at binalutan ng active healing technology. Ito ang dual therapy stent (DTS). Ito ay may double coating na nakakabawas ng pamamaga, blood clots, at tumutulong sa pagpapagaling ng artery. Ang bioresorbable polymer nito ay idinisenyo upang mag-degrade sa paglipas ng panahon.
Bare Metal
Halos lahat ito ay stainless steel stents, na nagsisilbing scaffolding upang panatilihing bukas ang mga arterya habang nagsasagawa ng angioplasty. Pagkatapos ay ilo-lock ito sa lugar para gumaling ang artery. Gayumpaman, ang panganib ng pagbara ay maaari pa ring magpatuloy kung ang tissue ay lumaki sa paligid ng stent.
Bioresorbable Vascular Scaffold
Isa itong uri ng stent na kadalasang coated ng gamot na inilabas mula sa isang polymer na nawawala paglipas ng panahon. Binabawasan din nito ang risk ng muling pagkitid ng artery. Gayumpaman, walang active formula ng pagpapagaling.
Kaya bakit mahalaga ang stents? Sa madaling sabi, ang mga ito ay maliliit na tubo lamang na responsable sa pagliligtas ng iyong buhay, lalo na sa kaso ng atake sa puso na banta sa buhay. Kung ano ang stents ay maliit ngunit lubhang kapaki-pakinabang.
May alam ka bang iba pang benepisyo ng stent o anumang iba pang uri ng stent na maaaring hindi namin sinasadyang na-miss? Ipaalam sa amin sa mga komento.
Matuto pa tungkol sa pamamahala ng sakit sa puso dito.
[embed-health-tool-heart-rate]