Naranasan mo na ba ang iyong puso ay nagfaflutter, tumitibok o kung minsan pa ay hindi regular ang pagtibok nang wala namang anumang partikular na dahilan? Kung oo, maaaring naranasan mo na ang tinatawag na palpitation ng puso.
Ang palpitation ng puso ay maaaring mukhang nakakatakot, ngunit madalas hindi naman ito nakakapinsala. Gayunpaman, mahalagang malaman kung kailan dapat mag-alala tungkol sa palpitations ng puso, dahil may mga sitwasyon kung kailan maaari itong magpahiwatig ng mas malaking problema sa kalusugan, tulad ng arrhythmia sa puso.
Ano ang Palpitation ng Puso?
Nangyayari ang palpitation ng puso kapag ang tibok ng puso mo ay biglang naging hindi regular. Maaari mong maramdaman ang masyadong pagbilis ngunit sa isang regular na ritmo, o sa ilang mga kaso, pakiramdam mo ito ay mas mabilis kaysa sa normal, ngunit hindi regular ang ritmo.
Ang palpitation ng puso ay maaaring sanhi ng maraming bagay, kabilang ang mga sumusunod:
- Stress
- Anxiety
- Emotional triggers
- Diyeta
- Iba pang problemang pangkalusugan tulad ng kondisyon sa puso
Ito ay madalas na sintomas ng hyperthyroidism o heart rhythm disorder. Ang rhythym disorders ay kilala rin bilang heart arrhythmia.
Ano ang Maaaring Senyales ng Palpitation ng Puso?
Ang pagkakaroon ng madalang na palpitations, o ang maiiksing palpitation ay medyo normal pa. Ngunit ang nakakaranas ng madalas na palpitations ay maaaring maging senyales ng isang nakapaloob na kondisyon.
Narito ang ilan sa mga potensyal na dahilan kung bakit maaari kang nakararanas ng matagal na arrhythmia:
- Nakararanas ka ng panic o anxiety attack.
- Ikaw ay nasa ilalim ng labis na stress.
- Ikaw ay buntis at nakararanas din ng palpitation ng puso.
- Ang ilang uri ng gamot gaya ng gamot para sa hika ay maaaring maging sanhi ng palpitation ng puso.
- Ang hyperthyroidism, o pagkakaroon ng sobrang aktibong thyroid gland ay isang potensyal na dahilan kung bakit maaaring nakararanas ka ng arrhythmia.
- Mga problema sa puso, o mga problema sa circulatory system gaya ng altapresyon.
- Maaari rin itong maging senyales ng mahinang heart muscles.
Ang mga taong na-diagnose na may altapresyon, o iyong mayroong history ng altapresyon o stroke sa pamilya ay dapat mag-ingat sa anumang iregular na pagtibok ng puso.
Ito ay dahil ang mga palpitation ng puso ay maaaring maiugnay sa isang kondisyon ng puso. Siguraduhing magpatingin kaagad sa iyong doktor kapag ang palpitation ay sinamahan na ng mga sumusunod:
- Pananakit ng dibdib (o anumang discomfort sa dibdib)
- Panghihina
- Sobrang pagkahilo
- Matinding pagkapos ng hininga
Ano ang mga Karaniwang Uri ng Heart Arrhythmia?
Ang mga heart arrhythmia ay karaniwang mayroong iba’t ibang mga uri, depende sa kung aling bahagi ng puso ang naaapektuhan nito. Dagdag pa rito, nakaapekto rin kung ano ang maaaring maging sanhi ng palpitation sa naturang lugar.
Ang iyong kaalaman tungkol sa mga uri ng palpitation ng puso ay makatutulong na malaman kung kailan ka dapat o hindi dapat mag-alala tungkol sa anumang mga iregularidad sa pagtibok ng iyong puso.
Premature contractions
Isa sa mas karaniwang uri ng arrhythmia ay buhat ng premature contractions sa upper chambers ng puso, o ang tinatawag na atria.
Sa uri ng palpitation na ito, ang atria ay ay nagcocontract nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Kapag nangyari ito, kadalasang nagpapahinga sila nang medyo mas mahaba kaysa sa karaniwan upang mabawi ang nakaligtaang pagtibok ng puso.
Minsan, maaaring mong maramdaman ang napakalakas na pagtibok ng puso, dahil sinusubukan ng puso na itulak palabas ang anumang dugo na naipon sa panahon ng paghinto. Madalas, wala namang dahilan para mag-alala kung mayroong premature contraction. Ito ay madalas na benign at normal na nangyayari.
Atrial fibrillation
Ang atrial fibrillation ay isang uri ng palpitation ng puso na nangyayari kapag ang atria ay tumibok nang hindi nakakasabay sa lower chambers, o ang ventricles.
Para itong mabilis ngunit iregular na pagtibok ng puso, at maaaring magdulot ng pagkahingal, pati na rin ang pagkahina ng paghinga.
Isang panganib na kaugnay sa atrial fibrillation ay ang pagkaakaroon ng pamumuo ng dugo sa puso. Kapag namuo ang dugo, ang mga ito ay maaaring maglakbay sa buong katawan at maging sanhi ng pagbabara na maaaring magresulta sa organ damage.
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga para sa sinumang nakararanas ng atrial fibrillation na makipag-ugnayan sa kanilang doktor upang makita kung mayroong anumang mga problema sa iyong puso.
Supraventricular tachycardia
Ito ay isang uri ng palpitation ng puso na nangyayari sa itaas ng ventricles, at kadalasang nagpapakita bilang abnormal na bilis ng pagtibok ng puso.
Ang supraventricular tachycardia ay maaaring mangyari at mawala rin kalaunan. Ngunit kung ito ay nangyayari nang masyadong madalas, ito ay maaaring isang senyales na kung kailan dapat mag-alala tungkol sa palpitations ng puso.
Ang mga tipikal na senyales ng supraventricular tachycardia ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Abnormal na pagbilis ng pagtibok ng puso
- Pagkahilo o pagkaramdam na magaan ang ulo
- Pagkakapos ng hininga
- Pagkirot ng leeg
- Pakiramdam ng pagkahina
- Pagpapawis
Para sa karamihan, ang nakararanas ng ganitong uri ng palpitation ay hindi dapat mag-alala. Ngunit ang mga sintomas tulad ng pagkapos ng hininga, pagkahilo, at pagkirot sa iyong leeg ay nangangailangan ng ipatingin sa doktor.
Ventricular fibrillation
Ang ganitong uri ng arrhythmia ay mas mapanganib kaysa sa iba. Gaya ng nakasaad sa pangalan, ang ventricular fibrillation ay nakakaapekto sa ventricles, o sa lower chambers ng puso.
Ang nangyayari sa ganitong uri ng palpitation ay sa halip na magbomba ng dugo, ang ventricles ay nagsisimulang mag-fibrillate, o manginig. Nangangahulugan ito na ang puso ay hindi nagbobomba ng dugo sa katawan, at maaari itong maging lubhang mapanganib.
Ito ang uri ng arrhythmia na kadalasang nangyayari sa panahon ng atake sa puso, o pagkatapos. Ang dahilan ay hindi palaging nalalaman, ngunit ito ay nauugnay sa puso na walang sapat na dugo, kaya ang mga electrical signaks na nagsasabi sa puso na magbomba ay maaaring maging sanhi ng pag-fibrillate nito.
- Napakabilis at iregular na pagtibok ng puso
- Pagkahilo
- Pagkahimatay
- Pagkakapos ng hininga
- Heart attack o cardiac arrest
Karaniwang hindi dapat mag-alala ang mga nakararanas ng ventricular fibrillation nang walang anumang pakiramdam ng pagkahilo o pagkahimatay. Gayunpaman, kung magpapatuloy ito at masisimulan mong maramdaman ang mga sintomas na ito, nararapat ka ng pumunta sa ospital sa lalong madaling panahon.
Alamin ang iba pa tungkol sa Heart Arrhythmias dito.