Ang ischemic heart disease o coronary artery diseases ay ang mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa mga Pilipino. Nasa 14.5 na porsyento ng pagkamatay ay sanhi nito. Ang sakit sa puso sa Pilipinas ay nangungunang sanhi ng pagkamatay sa nakalipas na maraming mga taon. Kabilang dito ang ibang mga sakit sa puso na nakapagdaragdag ng 3.8 na porsyento na pagkamatay noong 2017.
Maliwanag na ang sakit sa puso ay nakapagbibigay ng banta sa kalusugan ng mga Pilipino. Ang kasalukuyang trend ay nagpakita na maraming mga young adults at adolescents ay nakararanas ng ilang cardiovascular disease (CVD) sa pagkabata.
Sino ang may banta ng Sakit sa Puso?
Ang puso ay parehong extraordinary organ at muscle, na nagtatrabaho ng 24/7 upang mapanatili ang function ng katawan.
Dahil ito ay mahalagang parte ng ating katawan, ang pag-aalaga rito ay mas mahalaga.
Ang sakit sa puso ay tumutukoy sa kondisyon sa kalusugan na nakaaapekto sa normal na function ng puso.
Ang ilan sa mga ganitong kondisyon ay heart rhythm issues, problema sa blood vessels, sakit sa puso simula pa pagkasilang, o congenital heart disease.
Gayundin tinatawag itong cardiovascular diseases (CVD), malaki ang epekto ng sakit sa puso sa ating buhay.
Ang mga taong may banta nito ay ang mga may kondisyon na obesity, diabetes, at iba pang kaugnay sa diet na isyu sa kalusugan.
Dahil sila ay normal na mga bata kumpara sa mga indibidwal na karaniwang nakararanas ng epekto ng sakit sa puso, ang mga magulang at maging ang mga doktor ay hindi napapansin ang mga maagang senyales ng sakit.
Mula rito, maliwanag na kailangan na maging malay sa mga banta nito, maging ang mga hakbang upang mapabuti ang kalusugan ng puso at mabawasan ang mga banta nito para sa sarili.
Sanhi at Banta
Bagaman maraming mga banta ng pagkakaroon ng epekto ng sakit sa puso ay genetics, natukoy ng mga doktor na maraming mga salik na kabilang sa lifestyle ng isang tao.
Halimbawa, ang mga sakit sa puso para sa mga bata ay mas nakukuha sa genetic predisposition, ngunit ang banta nito ay mas tumataas sa edad at sa lifestyle.
Ang pag-alam ng mga banta at pagtukoy kung paano ma-manage at makokontrol ay ang susi upang mapanatili ang pangkabuuang kalusugan ng puso. Nais malaman paano mapabubuti ang kalusugan ng puso? Tandaan ang mga banta na ito:
- History ng sakit sa puso at iba pang cardiovascular na sakit sa pamilya
- Menopause
- High blood pressure
- Medikal na kondisyon tulad ng obesity, diabetes, at mataas na cholesterol
- Hindi magandang diet at labis na pag-inom ng alak
- Sedentary lifestyle
Ang pagma-manage ng ilan sa mga banta o pag-iwas na magkaroon ng mga banta na ito ay malaki ang epekto upang protektahan ang puso.
At nagsisimula ito sa pagma-manage ng pinaka basic na kondisyon na hahantong sa mas seryosong kondisyon.
Hypertension
Ang hypertension ay pagkakaroon ng mataas na blood pressure na mas mataas sa healthy range.
Ang World Health Organization (WHO) ay binigyan ng kahulugan ang high blood pressure na pagkakaroon ng systolic blood pressure na equal o mas mataas sa 140 mm Hg at/o diastolic blood pressure na equal o mas mataas sa 90 mm Hg.
Kung ang isang tao ay hypertensive, ang kanilang dugo ay naglalabas ng karagdagang pressure sa arteries. Nagiging sanhi ito ng maraming problema sa kalusugan.
Ang karamihan ay hindi nagpapakita ng sintomas kaya’t tinatawag ang hypertension na ‘silent killer.’
Atherosclerosis
Kung ang blood vessels ay tumigas dahil sa pagkakaroon ng fatty deposits, tinatawag itong Atherosclerosis.
Ang pagtigas na ito ay nakapagpipigil ng daloy ng dugo, at nakaaapekto sa normal na function ng organs na nakasalalay sa function ng puso.
Nakapagpapataas din ang atherosclerosis ng banta ng pagkakaroon ng blood clot. At kung hindi magagamot, maaari itong magresulta sa nakamamatay na kondisyon, tulad ng atake sa puso o stroke.
Heart Arrhythmia
Ang heart arrhythmias ay mga kondisyon na nakapipigil ng ritmo ng puso. Ito rin ay may pagpapakahulugan na irregular na tibok ng puso, maaaring ang puso ay mabagal o masyadong mabilis, o walang regular na pattern.
Ang pagkakaroon ng scar sa heart tissues o abnormal na pagbabago sa electrical impulses na kumokontrol sa puso ay ilan sa pinaka karaniwang sanhi nito. Ngunit ang pagbabago ng ritmo ay maaari ding congenital, o response sa kasalukuyang sakit o injury.
Karaniwang Mga Sakit sa Puso sa Pilipinas
Coronary Artery Disease
Ano ang epekto ng sakit sa puso? Ang Atherosclerosis ay maaaring humantong sa Coronary Artery Disease, o blockage sa coronary arteries. Hindi nito pinahihintulutan ang maayos na sirkulasyon sa heart muscle.
Ang kawalan ng blood supply ay humahantong sa kakulangan sa oxygen. Maaari itong humantong sa sakit sa dibdib o angina.
At sa ibang malalang mga kaso, ang coronary artery disease ay maaaring humantong sa atake sa puso.
Heart Valve Disease
Ang heart valves ay responsable para sa maayos na daloy sa puso. Kung isa sa apat na valves ay mag-malfunction, maaaring magpahinto ito ng sirkulasyon. Halimbawa, maaari itong mag resulta ng leakages o backflow ng dugo.
Habang ilan sa mga tao na may heart valve na kondisyon ay hindi nagpapakita ng sintomas, ang iba ay maaaring makaranas ng atake sa puso, stroke, o blood clots.
Ang heart valve disease ay maaaring humantong sa ibang mga kondisyon sa puso, tulad ng hypertension at heart failure.
Rheumatic Heart Disease
Kung ang inflammation sa rheumatic fever ay napinsala ang heart valves, maaari itong humantong sa rheumatic heart disease.
Ang rheumatic fever ay tipikal na sanhi ng strep throat infection. Maaari itong mag resulta ng maraming komplikasyon, tulad ng heart infection o heart failure.
Congestive Heart Failure
Kilala rin sa simpleng tawag na heart failure, ang congestive heart failure ay nangyayari kung ang puso ay hindi nagkaroon ng sapat na supply ng dugo sa katawan.
Maaaring humantong ang congestive heart failure sa mga komplikasyon tulad ng hindi regular na daloy ng dugo. Ito ay nangyayari kung ang dugo o fluid ay dumaloy pabalik sa baga.
Ang CHF ay maaari ding humantong sa fluid retention, o edema, sa buong katawan o problema sa paghinga.
Ang pag-aalaga sa iyong puso ay hindi one-time thing: ito ay panghabang buhay na proseso na dapat mag-commit.
Bagaman ang mga epekto ng sakit sa puso ay ilan sa pinaka karaniwang dahilan ng sakit at pagkamatay sa Pilipinas, mayroon ding mga paraan upang maiwasan ito sa pamamagitan ng simpleng pagbabago ng lifestyle sa kahit na anong edad.
Matuto pa tungkol sa kalusugan ng puso dito.