backup og meta

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Sakit Sa Puso, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Sakit Sa Puso, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Sa pangangalaga ng sarili, mahalaga na malaman mo ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso upang maiwasan ang mga bagay na pwedeng mag-trigger nito. Ang pag-alam sa mga bagay na ito ay isang mahusay na hakbang para maingatan ang iyong buhay at malayo ka sa medikal na komplikasyon.

Sa katunayan, napakaraming sintomas ang maaaring iugnay sa heart disease na nakabatay sa kung ano ang dahilan ng pagkakaroon mo ng sakit sa puso. Kaya naman maganda na malaman mo ang pinakaugat na sanhi ng heart disease ng isang tao, upang mas maunawaan mo ang mga sintomas na pwede mong taglayin, at malaman ang mga paggamot na maaari mong gamitin.

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

Sobrang Pag-Inom Ng Alak

Kapag labis ang naging pagkonsumo ng isang tao sa alak maaari itong maging sanhi ng altapresyon na kapag hindi nalunasan ay maaaring mauwi sa sakit sa puso. Kaya naman ipinapayo na uminom lamang batay sa wastong dami upang maiwasan ang pagkakaroon ng heart disease.

Kawalan Ng Ehersisyo

Ang hindi pag-eehersisyo ay pwedeng humantong sa pagkakaroon ng mataas na timbang at taba. Kapag hindi ka nag-eehersisyo, malaki ang tyansa mo na maipon ang mga tabang nakain — at bumara ito sa iyong mga ugat sa puso at daluyan ng dugo. Pwedeng magresulta ito sa altapresyon at kahirapan ng puso sa pagbomba ng iyong dugo.

Sobrang Pagkain Ng Maalat At Matabang Pagkain

Tandaan mo na ang labis na pagkain ng mga maaalat at matatabang pagkain ay pwedeng humantong sa altapresyon. At sa oras na tumaas ang iyong blood pressure mapipilitan ang iyong puso na mag-function nang higit sa normal at kaya nito. Kapag ganito ang nangyari sa iyong puso maaari itong manigas, mangapal, mabarahan ng taba at namuong dugo. Kaya dapat maging maingat at angkop ang iyong pagkain ng mga maaalat at matatabang pagkain.

Paninigarilyo

Nagtataglay ang sigarilyo ng nakakalasong kemikal tulad ng carbon monoxide at nicotine. Kung saan ang mga kemikal na ito ay pwedeng makapagpalapot ng ating mga dugo na dahilan upang mabarahan ang mga ugat ng ating puso at blood vessels.

Sobrang Katabaan

Ang pagiging obese ay pwedeng maging sanhi ng altapresyon na pwedeng magresulta ng sakit sa puso. Kaya ipinapayo na dapat kang magkaroon ng healthy lifestyle at diet na angkop sa iyong pangangailangan.

[embed-health-tool-bmi]

Congenital Heart Defect

Kapag ang sanggol ay ipinanganak na may problema sa iba’t ibang bahagi ng kanilang puso, malaki ang tyansa ng bata na magkaroon sila ng heart disease. Nagaganap ang congenital heart defect kapag hindi naging sapat ang nutrisyon na natanggap ng baby sa unang buwan ng pagbubuntis ng kanilang ina. Ito rin ang nagiging dahilan kung bakit pwedeng hindi mabuo nang husto ang puso ng bata o may kulang na bahagi sa puso — o butas.

Pagkakaroon Ng Mga Komplikasyon Sa Iba Pang Karamdaman

Sa maraming kaso, nagkakaroon ng sakit na puso ang mga tao dahil bunga ito ng kanilang mga karamdaman na hindi nalulunasan ng mabuti at maayos, tulad ng diabetes.

Key Takeaways

Hindi ka dapat mag-self diagnose na mayroon kang sakit sa puso batay lamang sa mga palagay mong sintomas na nakikita sa iyong sarili o kapwa. Tandaan na mas maganda pa rin na makumpirma ng iyong doktor ang sakit na taglay para mabigyan ka ng angkop na diagnosis, payo, at treatment na angkop sa iyong pangangailangan. Ang pagpapakonsulta ay isang mabuting hakbang upang makaiwas ka sa maling paggamot at medikal na komplikasyon.
Dagdag pa rito, mahalaga rin na malaman at matutunan mo kung ano ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso upang maiwasan ang mga bagay na pwedeng maging sanhi nito. Ang heart disease ay maaari mong maiwasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng healthy lifestyle habits at diet.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan sa Puso dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heart Disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-disease/symptoms-causes/syc-20353118#:~:text=A%20buildup%20of%20fatty%20plaques,lower%20the%20risk%20of%20atherosclerosis, Accessed August 8, 2022

Heart Attack, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-attack/symptoms-causes/syc-20373106, Accessed August 8, 2022

About Heart Disease, https://www.cdc.gov/heartdisease/about.htm, Accessed August 8, 2022

Cardiovascular Disease, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21493-cardiovascular-disease, Accessed August 8, 2022

Heart disease – know your risk, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/heart-disease-risk-factors, Accessed August 8, 2022

How The Heart Works, https://myhealth.alberta.ca/Health/pages/conditions.aspx?hwid=tx4097abc#targetText=The%20right%20side%20of%20your,the%20rest%20of%20your%20body, Accessed August 8, 2022

Mitral valve disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/mitral-valve-disease/symptoms-causes/syc-20355107#targetText=Mitral%20valve%20stenosis%2C%20shown%20in,pumping%20chamber%20of%20your%20heart, Accessed August 8, 2022

Cardiomyopathy, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cardiomyopathy/symptoms-causes/syc-20370709#targetText=Cardiomyopathy%20(kahr%2Ddee%2Do,dilated%2C%20hypertrophic%20and%20restrictive%20cardiomyopathy, Accessed August 8, 2022

What is Cardiovascular Disease?, https://world-heart-federation.org/what-is-cvd/, Accessed August 8, 2022

Your Heart Medicines, https://www.heartfoundation.org.au/bundles/support/heart-attack-medication, Accessed August 8, 2022

Kasalukuyang Version

11/10/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Sakit Sa Puso: Anu-Ano Ang Iba’t ibang Uri? Alamin Dito

Anu-Ano Ang Mga Senyales Ng Sakit Sa Puso? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement