Nakakita ka na ba ng picture ng dugo o blood sample sa microscope? Nakakamangha ito! Ang dugo ay isang mahalagang bahagi ng ating cardiovascular system. Ito ang nangangalaga sa pagdadala ng mga sustansya at oxygen, at pag-aalis ng mga lason sa ating katawan. Matuto dito kung bakit mahalaga ang dugo.
Ano ang Bumubuo ng Dugo?
Ang karaniwang tao ay may humigit-kumulang 5 litro (higit sa isang galon) ng dugo, na patuloy na umiikot sa buong katawan. Bakit mahalaga ang dugo? Naghahatid ito ng mga sustansya at oxygen sa ating mga cell at pinangangalagaan ang pag-aalis ng basura.
Ang dugo ay pangunahing likido na may iba’t ibang mga cell at protina, na ginagawang “mas makapal” ang dugo kaysa sa purong tubig. Humigit-kumulang na kalahati ng dugo ay binubuo ng isang likido na tinatawag na plasma. Ito ay naglalaman din ng glucose at iba pang dissolved nutrients.
Ang mga sumusunod na uri ng blood cells ay bumubuo sa halos kalahati ng dami ng dugo.
- Red blood cells ang nagdadala ng oxygen sa mga tissue.
- White blood cells ang tumutulong sa katawan na labanan ang mga sakit.
- Platelets ang maliliit na selula na tumutulong sa pamumuo ng dugo.
Kung maaalala mo ang mga poster sa paaralan o ang picture ng dugo sa iyong textbook, maaalala mo na ang dugo ay dumadaloy sa circulatory system. Ito ay naglalakbay sa pamamagitan ng mga arterya at ugat, kung saan ito ay pinipigilan na mamuo sa pamamagitan ng makinis na vessels at balanced ratio ng clotting factors.
Mga Karaniwang Karamdaman at Kondisyon sa Dugo
Ano ang ilang karaniwang mga sakit at kondisyon sa dugo? Bakit mahalaga ang dugo? Tingnan ang listahan dito.
Hemorrhage (pagdurugo)
Ang internal bleeding (tulad ng sa bituka o vehicle accident) ay maaaring hindi agad-agad makita. Ngunit ang dugong lumalabas sa mga daluyan ng dugo ay maaaring halata, gaya ng mula sa isang sugat na umaabot sa balat.
Hematomas
Ang mga hematoma ay mga koleksyon ng dugo na nabubuo sa loob ng mga tissue ng tao bilang resulta ng internal bleeding.
Leukemia
Ang white blood cells ay hindi dumadami ng tama at umiikot sa pamamagitan ng dugo sa leukemia, isang uri ng cancer sa dugo. Dahil dito nagiging mahina ang mga pasyente sa mga impeksyon.
Myeloma
Anemia, kidney failure, at mataas na level ng calcium sa dugo ang mga sintomas ng multiple myeloma. Ito ay isang uri ng malignancy ng dugo ng plasma cells na maihahambing sa leukemia.
Lymphoma
Hindi angkop ang pagdami ng white blood cells sa loob ng lymph nodes at iba pang tissues sa lymphoma. Ito ay isang uri ng cancer sa dugo na pagtagal ay pwedeng humantong sa organ failure sa pamamagitan ng pag-expand ng mga tissue at paggambala sa daloy ng dugo.
Anemia
Ang anemia ay isang kondisyon kung saan kakaunti ang red blood cells sa dugo, na maaaring humantong sa pagkahapo at kinakapos na hininga. Gayunpaman, ito ay madalas na hindi natutukoy. Maraming uri ng anemia, tulad ng Iron Deficiency Anemia at Thalassemia.
Hemolysis
Ang hemolysis, o hemolytic anemia, ay anemia na dulot ng mabilis na pagputok ng malaking bilang ng red blood cells. Dysfunction ng immune system ang isa sa mga sanhi.
Hemochromatosis
Ang maraming iron sa dugo at iron deposits sa atay, pancreas, at iba pang organs ay mga sintomas ng hemochromatosis.
Bacteremia
Ang mga impeksyon sa dugo, tulad ng bacteremia, ay mapanganib at maaaring dahilan ng pagpapa- ospital pati na rin ang patuloy na infusions ng antibiotic.
Malaria
Ang malaria ay isang impeksyon sa red blood cells ng parasite plasmodium, na ikinakalat ng mga lamok. Nagreresulta ito sa sporadic fevers, panginginig, at maaaring maging sanhi ng pinsala sa organ.
Thrombocytopenia
Ang kondisyong ito ay nagpapakita bilang abnormal na mababang antas ng mga platelet sa dugo, na maaaring magdulot ng pagdurugo sa mga matinding kaso.
Leukopenia
Ito ay ang abnormal na mababang antas ng white blood cells sa dugo, na nagpapahirap na labanan ang mga impeksyon.
DIC
Ang disseminated intravascular coagulation (DIC) ay isang unregulated process na nagiging sanhi ng pagdurugo at clotting nang sabay-sabay sa napakaliit na mga capillary ng dugo.
Hemophilia
Ang hemophilia ay inherited (genetic) weakness ng mga partikular na blood clotting proteins na maaaring humantong sa labis o hindi makontrol na pagdurugo.
Polycythemia
Ang pagkakaroon ng sobrang mataas na bilang ng red blood cells, o polycythemia, ay maaaring sanhi ng mababang antas ng oxygen sa dugo o isang kondisyon na kahawig ng cancer.
DVT
Ang namuong dugo sa malalim na ugat, sa pangkalahatan sa binti. Ito ay kilala bilang deep vein thrombosis (DVT). Mapanganib ang mga DVT dahil maaaring maalis ang mga ito at mapunta sa baga, kung saan magdudulot sila ng pulmonary embolism.
Matuto pa tungkol sa Heart Health dito.
[embed-health-tool-bmr]