Kung ikaw ay may hypertension, mahalaga na dapat na inumin lamang ang mga gamot na inireseta ng iyong doktor. Kahit na ang iyong kaibigan na hypertensive o kamag-anak ay nagrekomenda sa iyo ng gamot na sinasabi nilang epektibo para sa kanila, hindi mo dapat na ipagpaliban ang appointment sa doktor. Maraming iba’t ibang uri ng gamot sa high blood, at ang bawat isa ay may unique na mekanismo ng aksyon at side effects. Upang matukoy kung anong gamot ang akma para sa iyo, kailangan ng doktor na magsagawa ng masinsinang pagtataya sa iyong kalusugan at magsagawa ng mga laboratory tests.
Narito ang maiksing breakdown ng iba’t ibang gamot sa high blood at paano nila napabababa ang blood pressure.
Diuretics
Sa madaling salita, ang diuretics ang nagbabawas ng dami ng fluid na dumadaloy sa iyong blood vessels, na nagpapababa ng blood pressure. Isinasagawa ito ng mga gamot upang magsulong ng pag-ihi, na nakatatanggal ng labis na tubig, sodium, at ibang solutes mula sa katawan.
Mga Halimbawa:
- Thiazide
- Potassium-sparing
- Loop
- combination
Beta-blockers
Ang beta-blockers ay karaniwang gamot sa hypertension. Ito ay nakatutulong na magpababa ng blood pressure sa pamamagitan ng pagharang ng adrenaline, na nagpapatibok sa puso ng mas mabagal at mas kaunting pwersa. Karagdagan, ang beta-blockers ay nagsusulong ng daloy ng dugo sa pamamagitan ng pagbubukas ng blood vessels.
Mga Halimbawa:
- Atenolol
- Propranolol
- Metoprolol
ACE Inhibitors
Ang ACE ay nangangahulugang angiotensin-converting enzymes. Sa madaling salita, ang ACEs ay nag a-activate ng Angiotensin II, isang kemikal na nagpapakitid ng blood vessels.
Ngayon, ang pagkonsumo ng ACE inhibitors ay nangangahulugan o nagpapabagal ng activity ng ACEs. Ibig sabihin na ang iyong katawan ay nagpo-produce ng mas kaunting Angiotensin II, na nakatutulong sa blood vessels na mag-relax o magbukas at magsulong ng daloy ng dugo.
Mga Halimbawa:
- Captopril
- Lisinopril
- Perindopril
Angiotensin II Receptor Blockers
Ang Angiotensin II receptor blocker ay nagpapababa rin ng blood pressure sa pamamagitan ng pagre-relax ng blood vessels. Gayunpaman, sa halip na pagbawalan ang enzyme, ang ARBs ay naghaharang ng receptors na kailangan ng Angiotensin II upang maging pakiputin ang arteries at veins.
Sa maraming mga kaso, inirerekomenda ng doktor ang gamot sa high blood na ito kung ang ACE inhibitors ay nag-produce ng masamang side effects.
Mga Halimbawa:
- Losartan
- Valsartan
- Telmisartan
Calcium Channel Blockers
Kung nakapasok na ang calcium sa muscle cells at arteries, nagpo-produce ito ng mas mapwersa na contraction.
Nakaiiwas ang calcium channel blockers sa pagpasok ng calcium, na nagbabawas sa mapwersang contraction. Gayundin, ang calcium channel blockers ay nagre-relax din ng blood vessels at nagpapababa ng heart rate.
Mga Halimbawa:
- Amlodipine besylate
- Nifedipine
- Felodipine
Alpha-Blockers
Ang alpha-blockers ay karaniwan din na gamot sa high blood. Iniiwasan nito ang norepinephrine mula sa paghihigpit sa arteries at veins, na nagsusulong ng mas maayos na sirkulasyon.
Mga Halimbawa:
- Prazosin hydrochloride
- Doxazosin mesylate
- Terazosin hydrochloride
Alpha-2 Receptor Agonist
Ang alpha-2 receptor agonist ay nagbabawas ng activity ng sympathetic nervous system, na nagdidikta ng tugon ng katawan sa stressful na sitwasyon. Sa pagbawas ng activity ng sympathetic nervous system, ang gamot sa high blood na ito ay nagpapababa rin ng blood pressure.
Halimbawa:
- Methyldopa
Tandaan na ang methyldopa ay ang first-line na gamot sa high blood para sa mga buntis dahil mayroon itong madalang na side effects para sa parehong nanay at anak.
Central Agonists
Ang central agonist ay “nag-mamanipulate” din ng nervous system. Ang gamot sa high blood na ito ay naghaharang ng signals na sanhi ng pagkitid ng blood vessels at pagtaas ng rate ng puso. Sa paggawa nito, ang central agonists ay nagpapa-relax ng veins at arteries at nakaiiwas sa puso mula sa mapwersang pag-pump.
Mga Halimbawa:
- Alpha methyldopa
- Clonidine hydrochloride
Vasodilators
Sa huli, isa pang karaniwang gamot sa high blood ay ang vasodilators. Ang gamot na ito ay epektibo sa pagre-relax ng muscles sa walls ng blood vessels, na nagbibigay ng dahilan upang lumawak, at magsulong ng mas maayos na daloy ng dugo.
Mga Halimbawa:
- Minoxidil
- Hydralazine hydrochloride
Huling Paalala
Doktor lamang ang makapagsasabi sa iyo kung anong gamot sa hypertension ang akma para sa iyo.
Depende sa iyong kondisyon at ang resulta ng iyong tests, maaaring ibigay sa iyo ang isang uri ng antihypertensive na gamot o sabihan ka na ikonsumo ang kombinasyon ng gamot.
Mula rito, ilan sa mga gamot ay may calcium channel blockers (amlodipine besylate) at angiotensin II receptor blockers (valsartan). Mayroong mga pagkakataon na kailangan mo rin ng ibang mga gamot, tulad ng nagkokontrol ng lebel ng cholesterol o nagpapanipis ng dugo.
Sa huli, tandaan na ang paggamot sa hypertension ay nangangailangan ng holistikong paggamot. Maliban sa mga gamot, gagabayan ka rin ng doktor sa iyong lifestyle at dietary modifications na kailangan mo.
Matuto pa tungkol sa Hypertension dito.
[embed-health-tool-bmi]