Kapag na-diagnose na may hypertension ang isang tao, kailangan nila ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay. At likas nang isipin na ang mabuhay nang may hypertension ay hindi kasama ang pisikal na aktibidad. Nagdadalawang isip ang mga matatandang may hypertension na gumalaw at mag-ehersisyo. Kaya’t nananatili lang sila sa bahay dahil alam nilang nasa mataas silang panganib ng high blood pressure. Gayunpaman, may sapat na ebidensyang nagpapatunay na ang regular na ehersisyo para sa high blood na pasyente ay isa sa susi upang gumanda ang blood pressure control at pangkalahatang kalusugan.
Pag-unawa sa Hypertension
Ang hypertension, o mas kilala bilang high blood pressure, ay hindi maitatangging isa sa pinakalaganap na cardiovascular disease sa ngayon.
Sinasabing may high blood pressure ang isang tao kapag mayroon silang blood pressure rating na tuloy-tuloy na mas mataas sa 140/90 mmHg. Mas madalas itong mangyari sa matatanda at kadalasang tinatawag na “silent killer” dahil hindi ito nagpapakita ng maraming senyales o sintomas.
Kung hindi magagamot, magiging isa itong major medical concern na nagpapataas ng tsansang makakuha ng mga sumusunod na sakit:
- Atake sa puso
- Stroke
- Peripheral arterial disease (nabawasan ang daloy ng dugo na kadalasang nangyayari sa mga binti at paa)
Ilan sa mga madalas marinig ng mga tao na ginagawa upang maiwasan ang high blood pressure ang:
- Pagkain ng masustansya
- Pag-iwas sa paninigarilyo at pag-inom ng alak
- Sapat na tulog
Lahat ng ito ay napatunayan na mga paraan upang magkaroon ng malusog na pamumuhay, ngunit nakalimutan nito ang isa pang bagay.
Paano Nakatutulong ang Ehersisyo para sa High Blood?
Hindi makokompleto ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay kung walang ilang anyo ng pisikal na aktibidad na nakabatay sa siyensiya.
Makatutulong ang regular na pisikal na aktibidad dahil binabawasan nito nang 50% ang tsansa mong magkaroon ng hypertension. Dagdag pa, binabawasan din nito nang 27% ang panganib ng stroke.
Sa ilang pagkakataon, nakatutulong din ang ehersisyo upang mabawasan ang dami nggamot para sa blood pressure na iyong iniinom. Ang ehersisyo para sa blood pressure ay isang non-drug approach na nakapagpapalakas ng muscle ng puso upang mapanatili ang cholesterol levels. Kaya naman, tinutulungan ka rin nitong mapanatili ang malusog na timbang.
Anong Uri ng Ehersisyo para sa High Blood Ang Puwede Mong Gawin? Hanggang Kailan?
Tiyak, makatutulong ang pagdaragdag ng pisikal na aktibidad upang mapababa ang iyong systolic (top) at diastolic (bottom) blood pressure values. Ngunit anong ehersisyo para sa blood pressure ang puwede mong gawin at hanggang kailan mo ito gagawin?
Ayon sa Physical Activity Guidelines for Americans, kailangang magkaroon ang isang adult ng hindi bababa sa 2 oras at 3 minutong moderate-intensity activity bawat linggo.
Narito ang ilan sa mga aerobic exercise na puwede mong piliin:
- Active sports (tulad ng basketball o tennis)
- Brisk walking
- Cycling
- Pag-akyat sa hagdan
- Pagsasayaw
- Jogging
- Paglangoy
Kung mahilig ka rin sa mga halaman, pwede mong subukan ang paghahalaman. Makatutulong ang pagputol ng damo, paglilinis ng hardin, at pagtatanggal ng mga dahon upang makakuha ng sapat na dami ng paggalaw na iyong kailangan sa isang araw.
Ang mga pinakamagandang advantage sa kalusugan ng puso ay nasa pinagsamang aerobic at weight (resistance) exercise. Ngunit kailangan mo muna ng “OK” signal mula sa iyong doktor bago gawin ang anumang kombinasyon ng ehersisyo para sa high blood.
Bukod dyan, talakayin kasama ng iyong doktor kung paano gumawa ng healthy program na sumusunod sa FITT principle.
F – frequency (gaano kadalas kang nag-eehersisyo?)
I = Intensity (gaano katindi kang nag-eehersisyo?)
T = Time (gaano katagal kang nag-eehersisyo kada araw?)
T = Type (anong uri ng ehersisyo ang kaya mong gawin?)
Ang iba pang tanong na maaaring lumitaw sa usapan ay ang kasalukuyan mong kondisyon, nakaraang kalusugan, at iba pang gamot na iyong iniinom. Tiyaking maipapaalam mo sa doktor lahat ng ito.
Key Takeaways
Kung madalas kang nakaupo, subukang maglaan ng 5-10 minutong pagitan bawat oras upang mag-stretch at gumalaw-galaw. Maraming chronic issues, kabilang na ang high blood, ang konektado sa sedentary o hindi aktibong pamumuhay. Maaaring makatulong kung maglalagay ng reminder sa iyong phone o computer.
Palaging bantayan ang iyong pagbabago. Mahalagang makinig sa iyong sariling katawan at alamin ang iyong limitasyon kapag ginagawa ang mga ehersisyo para sa high blood.
Matuto pa tungkol sa high blood dito.
[embed-health-tool-bmi]