backup og meta

Anu-ano ang mga Nirereseta na Gamot para sa High Blood?

Anu-ano ang mga Nirereseta na Gamot para sa High Blood?

Ang high blood pressure o hypertension ay nakapa karaniwang kondisyong medikal. Gayunpaman, bagaman mayroon tayong maunlad na pamamaraan upang harapin ito, ang mga kaso nito ay tumataas din. Kung kaya ito ay naging napakahalaga para sa lahat. Alamin dito kung kailan dapat inom ang gamot sa high blood.

Noong mga nakalipas na taon, tanging ang matanda lamang ang nagkakaroon nito, sa kasalukuyan, mayroon na nito ang anumang edad. Dalawang bagay ang mahalaga upang tuluyang magamot ang sakit ng isang tao. Una ay tamang panahon ng diagnosis at tamang panahon ng paggagamot. Ito ay mahalagang bagay sa usaping ito.

Ang hypertension ay maaaring Primary o Secondary. Maaaring panganib sa buhay ang Primary Hypertension ito ay sanhi ng pag-inom, paninigarilyo, at hindi mabuting gawi sa pagkain, habang ang Secondary Hypertension naman ang karaniwang uri at nagagamot.

Sa mga karaniwang kaso, minumungkahi ng doktor na palitan ang paraan ng pamumuhay kasabay ng ilang mga gamot. Gayunpaman, nakasalalay sa taong namumuhay na may hypertension ang siguruhing nasusulit ito. Paano nga ba gawin ito?

Bilang panimula, mahalaga na inumin ang gamot sa high blood sa tamang oras, sa sinabing “tamang oras, ito ay nangangahulugan ng pag-alam kung ano ang pinaka mainam na oras sa pag-inom ng gamot sa high blood. 

Gamot sa High Blood Pressure: Ano ang Pinaka mainam na oras sa Pag-inom ng Gamot?

Karaniwang sinasabi na dapat kinukunsumo ng isang tao ang malaking bahagi ng kanyang diet tuwing umaga at sa buong araw. Binibigyan nito ang katawan ng sapat na oras para sa pagtunaw ng kinain.

Ang magaan na pagkain tuwing gabi o pagkain tuwing gabi sa tamang oras ay sinasabing nakabubuti sa kalusugan.

Gayunpaman, nagbabago ito hangga’t umiinom ng gamot sa high blood. Minumungkahi ng mga pag-aaral na mainam inumin ang gamot sa hypertension bago matulog.

gamot sa high blood

Bakit mainam ang oras bago matulog sa pag-inom ng gamot sa high blood?

Ulitin natin kung bakit mahalagang inumin ang gamot sa hypertension sa tamang oras. Ang presyon ng dugo ay may sinusundang rhythm araw-araw. Ito ay mataas sa umaga habang gumagawa ng mga karaniwang aktibidad. Ito naman ay bumababa kung nagpapahinga na sa gabi. Gayunpaman, para sa iba, ang presyon ng dugo ay maaaring manatiling mataas magdamag.

Kung kaya, matapos ang mga test at konsultasyon sa doktor, mahalagang malaman kung anong oras ang mainam sa pag-inom ng gamot sa base sa routine ng presyon ng dugo, na kadalasan ay bago matulog. Ito ay napapatunayan ng pananaliksik na isinagawa ng European Heart Journal noong 2019, at isinagawa sa tinatayang 20,000 pasyente sa loob ng 6 na taon.

Bakit mahalagang uminom ng gamot sa hypertension sa tamang oras?

Bilang unang nabanggit, ang presyon ng dugo ay may sinusundang tiyak na rhythm, at ito ay nakaugnay sa ating routine. Ang pananaliksik na isinagawa matapos ang pag-aaral sa mga pattern sa pasyente matapos ang pag-inom ng gamot ay minumungkahi na sa gabi ang pinakamainam na oras upang inumin ang gamot para sa mataas na presyon ng dugo.

Gayunpaman, bakit mahalagang inumin ang gamot sa tamang oras?

Narito ang ilan sa mga kadahilanan;

  • Tayo ay psychological na konektado sa pag-alala ng mga bagay na ginagawa tuwing umaga. Kung kaya karamihan sa mga gamot ay karaniwang umaga kung inumin.
  • Gayunpaman, nagkakaroon ng tinatawag na non-dipping ang katawan habang ito ay tumatanda. Ang non-dipping ay nangangahulugang pananatiling mataas ng presyon ng dugo maging sa magdamag man. Karaniwan lamang ang kondisyong ito sa hypertension ng mga pasyente na nasa edad 55 pataas.

Ang mga pasyenteng ito ay madaling kapitan ng mga isyu ng hypertension tulad ng atake sa puso, sakit sa kidney, at iba pa. Kung kaya mas mahalaga para sa kanila ang uminom ng gamot sa wastong oras.

  • Maaaring mawala ang epekto ng gamot sa oras para sa susunod na dosage. Ang magdamag na pagkontrol sa blood pressure ay mahalaga dahil napapababa nito ang posibilidad sa paggising ng pasyente nang mataas ang high blood pressure. Maaari itong mangyari sa pag-inom ng gamot para sa hypertension sa gabi.

Maliban sa mga gamot ano pa ang maaaring gawin sa pagkontrol ng blood pressure?

Isa pang paraan upang maayos ang mga problema sa high blood pressure ang pag-personalize ng mga gawi sa gamot sa hypertension. Gayunpaman, mayroong ilang bagay na maaaring obserbahan sa araw-araw, matapos komunsulta sa iyong doktor. Karamihan sa mga ito ay kinabibilangan ng maliit na pagbabago sa mga gawi sa pamumuhay tulad ng:

  • Subukan at tigilan ang paninigarilyo. Alam natin na mahirap ito, lalo kung matagal na ang paninigarilyo. Ang pagtigil dito ay maaaring mayroong epekto. Gayunpaman, magagawa ito nang matagumpay sa pamamagitan ng sapat na tulog. Kung kaya humingi ng mungkahi mula sa doktor.
  • Bawasan ang pag-inom ng alak. Tulad ng paninigarilyo, ang pag-inom ng alak ay walang anumang gamit bukod sa nakakasama ito sa loob ng katawan. Bagaman ayos lamang ito kung limitado lamang ang pag-inom, ngunit kung ikaw ay mayroong hypertension, kinakailangan ang paghinto o pagbawas sa pag-inom nito. Humingi ng tulong kung kinakailangan.
  • Magsimula ng pag-eensayo upang mabawasan ang sobrang timbang. Bilang karaniwang tao marahil ay wala kang ideya kung tungkol saan ito. Ngunit konsultahin ang iyong doktor upang malaman ang tiyak na kadahilanan kung bakit ito kailangan bawasan, at paano ito gawin.
  • Bawasan ang level ng sodium. Maaaring isagawa ito sa pagbawas ng lebel ng asin sa iyong diet.
  • Pataasin ang level ng potassium sa diet sa pamamagitan ng pagdaragdag ng maraming berdeng mga gulay sa iyong pagkain.
  • Kumain ng maraming nuts, prutas, gulay para sa mas mainam na immunity.

Ang mga nabanggit na mga impormasyon ay walang kasiguraduhan maiiwasan ang hypertension. Gayunpaman, mapababagal nito ang epekto at makakatulong sa mahaba at malusog na pamumuhay. Mula sa nabanggit, lahat ito ay tungkol sa pagkakaroon ng mga maliliit na pagbabago sa paraan ng pamumuhay.

Mahalagang Tandaan

Karaniwan lamang ang hypertension, ngunit hindi ito nangangahulugan na magaan lamang ang pagagamot nito. Komunsulta sa doktor sa mga maliliit na senyales at humingi ng mga payong medikal.
Matapos ang pagkuha ng mga may kaugnayan na mungkahi sa mga kadahilanan tulad ng kalubhaan at uri ng hypertension, at iba pa, hayaan lamang ang doktor na ihanay ang perpektong mapa na may kaugnayan sa iyong mga gawi. Ito ay makakatulong upang malaman kung ano ang pinaka mainam na oras sa pag-inom ng gamot. Habang tuwing umaga ang madalas na pag-inom ng gamot, sa kasong ito, mainam na oras ang gabi. Ano ang mungkahi na nakuha tungkol sa pinaka mainam na oras sa mga gamot ng hypertension. Ipaalam ang mga ito sa comment section.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Should I Take Blood Pressure Medications at night?

https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/should-i-take-blood-pressure-medications-at-night Accessed October 22, 2021

HIGH BLOOD PRESSURE (HYPERTENSION) MEDICATIONS/https://www.rxlist.com/high_blood_pressure_hypertension_medications/drug-class.htm/Accessed October 22, 2021

Types of Blood Pressure Medications/https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/changes-you-can-make-to-manage-high-blood-pressure/types-of-blood-pressure-medications/Accessed October 22, 2021

Medications for High Blood Pressure (Hypertension)/https://www.drugs.com/condition/hypertension.html/Accessed October 22, 2021

High blood pressure (hypertension)/https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/diagnosis-treatment/drc-20373417/Accessed October 22, 2021

Kasalukuyang Version

04/23/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Nga Ba Ang Epekto Ng Pagpupuyat Sa Kalusugan Ng Puso?

Paano Gamitin Ang BP Monitor Na Digital? Alamin!


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement