Ano ang palpitations? Ang heart arrhythmia ay isang paiba-iba o hindi regular na tibok ng puso. Maaaring sobrang bilis o sobrang bagal ng tibok. Maaari itong ilarawan bilang isang pakiramdam kung saan mabilis ang tibok ng puso, matindi ang pagtibok ng puso, o tila may nilalagtawan ang pagtibok ng puso.
Bagaman sa ilang mga kaso, ang palpitations o arrhythmia ay maaaring sumunod sa regular na pagitan, gaya sa kaso ng supraventricular tachycardia.
Ano nga ba ang palpitations o arrhythmia? Kung nakaranas ka na ng biglaang pagbilis o pagbagal ng tibok ng iyong puso, maaaring mayroon kang heart arrhythmia.
Ang arrhythmia ay anumang ritmo na hindi normal na sinus rhythm (60-100 tibok bawat segundo).
Ang arrhythmia ay kadalasang dulot ng pilat sa puso o abnormal na pagbabago sa electrical impulses na kumokontrol sa puso. Mas madalas, ang mga pagbabagong ito ay dulot ng kasalukuyang sakit, pinsala, o maaaring simpleng resulta ng genetika.
Mahalagang maunawaan ang heart Arrhythmia at ang mga sintomas, sanhi, at panganib nito. Sa ganitong paraan, magagabayan ka kung paano ito maiiwasan.
Mga Uri ng Heart Arrhythmia
May dalawang pangunahing uri ng arrhythmias:
- Kung nararamdaman mong parang bumibilis ang tibok ng iyong puso, may nilagtawang tibok o parang hindi regular ang pagtibok, posibleng may tachycardia ka.
- Nangyayari ito kapag hindi pangkaraniwan ang pagkabagal ng pagtibok ng iyong puso. Kadalasan mong nararamdaman ang epekto ng ganitong uri ng Arrhythmia, tulad ng pagkahilo at parang mawawalan ng malay.
Mayroon ding uri ng Arrhythmia na kinokonsiderang “tahimik”, dahil walang nararanasan ang pasyenteng anumang tipikal na sintomas.
Karamihan sa mga kaso ng arrhythmia, nalalaman lang ng mga pasyente kapag nasuri sila ng mga doktor.
Bagaman hinihikayat kang magsagawa ng sariling pananaliksik upang malaman ang ibang impormasyon tungkol sa kung ano ang palpitations o arrhythmia at mga sanhi at sintomas nito, mahalagang kumonsulta sa mga espesyalista pagdating sa pagsusuri at paggamot dito.
Diagnosis
Paano ang diagnosis sa Heart Arrhythmia?
Bukod sa pagsusuri ng iyong mga sintomas at kasaysayang medikal, maaaring magsagawa ng ilang pagsusuri ang iyong mga doktor upang makumpirma ang kanilang diagnosis.
Upang matiyak kung mayroon kang cardiac arrhythmia at hindi lang basta palpitations, magsasagawa ang iyong doktor ng magkakaibang pagsusuri upang matukoy ang eksaktong kondisyon.
Mga Pagsusuri para sa Heart Arrhythmia
- Electrocardiogram (ECG). Sa ECG, ikinakabit ang electrodes sa iyong dibdib. Susukatin nito ang bilis ng tibok ng iyong puso. Tutukuyin din nito kung regular ba ang ritmo ng iyong puso. Kadalasang ginagamit ng ECG upang matukoy ang cardiac arrhythmias.
- Holter monitor. Isa itong portable ECG na maaaring dalhin. Hihilingin sa iyo na isuot ang monitor na ito sa loob ng hindi bababa sa 24 oras, habang ginagawa ang iyong mga gawain sa buong araw. Layunin ng pagsusuring ito na itala ang electrical activity ng iyong puso sa buong araw. Nakakatulong ito upang matukoy ang nagdudulot ng hindi regular na tibok ng puso. Maaaring isa itong tiyak na gawain o partikular na oras sa buong araw.
- Implantable loop recorder. Para sa kalat-kalat na arrhythmia, madalas na inirerekomenda ng mga doktor ang paglalagay ng patient-activated event recorder. Inilalagay ito sa ilalim ng balat ng pasyente, upang lalong maging wasto ang datos na nakukuha. Dinadala rin ng recorder ang datos ng iyong ginagawa direkta sa doktor. Sa ganitong paraan, magagawa niyang masundan at matukoy ang mga sanhi ng arrhythmia o pagkawala ng malay.
- Echocardiogram. Isang non-invasive na gawain ang echocardiogram na tumutulong sa technician upang makunan ang sukat, hugis, at pagganap ng iyong puso.
- Sleep tests. Sleep apnea ang sanhi ng ilang cardiac arrhythmias. Isa itong kondisyon na napapapigil ang tao sa paghinga habang natutulog. Maaari kang patulugin sa sleep center kung saan puwede ka nilang obserbahan o sa bahay gamit ang isang portable device.
Sa ilang mga kaso, maaaring hindi lumitaw ang iyong arrhythmia habang isinasagawa ang mga test na nabanggit. Maaaring palabasin ng doktor ang iyong arrhythmia gamit ang mga sumusunod na pamamaraan:
Mga Pamamaraan
- Stress test o exercise stress test. Isang paraan upang malaman ng mga doktor kung may arrhythmia ka ay sa pamamagitan ng pagpapabilis ng tibok ng iyong puso. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapagamit sa iyo ng treadmill o stationary bicycle habang binabantayan ang tibok ng iyong puso. Kung mayroon ka pang ibang komplikasyon gaya ng coronary artery disease, maaari kang bigyan ng gamot na makapag-stimulate ng exercise.
- Tilt table test. Inirerekomenda ang partikular na test na ito ng mga doktor para sa mga pasyenteng nakararanas ng syncopes o pagkawala ng malay. Sa pagsasagawa ng tilt table test, pahihigain ka sa patag na mesa saka ka ipupuwesto sa upright position. Imo-monitor ng doktor ang tibok ng iyong puso, ECG reading, at blood pressure upang makita kung mayroon mang anumang hindi regular na pagbilis o pagbagal ng tibok ng puso.
- Electrophysiological testing and mapping (EPS). Sinusundan ng test na ito ang electrical activity ng iyong puso. Gamit ang mga wire, nakatutulong ito upang matukoy ang pinagmumulan ng arrhythmia, at matukoy ang mga posibleng sanhi at nagdudulot nito. Ginagamit din ng mga doktor ang EPS kung mayroon kang iba pang kondisyon sa puso na maaaring mauwi sa pagkakaroon ng arrhythmia. Nakatutulong ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga doktor kung anong pinakamainam na gamutan ang para sa sakit mo sa puso.
Paggamot
Paano ginagamot ang arrhythmia?
Depende sa uri ng iyong arrhythmia, may iba’t ibang paggamot na maaaring irekomenda ng iyong doktor upang matugunan ang problema mo sa puso. Para sa karamihang kaso ng arrhythmia, kakailanganin lamang ang operasyon kung banta na sa buhay ang iyong kondisyon. Ngunit sa kaso ng Arrhythmia, kadalasang kasama sa operasyon ang pagpapalit ng permanenteng mga pacemaker.
Para sa non-responsive o malubhang mga kaso, maaaring irekomenda ng mga espesyalista ang pacemakers, implantable defibrillators at biventricular devices. Ang kadalasang kasama sa paggamot ang anti-arrhythmic drug therapy.
Gayunpaman, palaging tandaang may ilang mga pagbabago sa pamumuhay ang maaari mong gawin upang maiwasang lumala ang kondisyong ito.
Narito ang ilan sa mga karaniwang paggamot para sa heart arrhythmia:
- Pagbabago patungo sa healthy lifestyle
- Anti-arrhythmic drug therapy
- Pacemaker
- Implantable defibrillators
- Cardioversion
- Catheter ablation
- Cardiac catheterization
Key Takeaways
Ano ang palpitations o heart arrhythmia? Isa itong kondisyon kung saan mayroong hindi normal na pagtibok ang puso.
Karamihan sa kaso ng arrhythmia ay hindi banta sa buhay, kahit makaranas ka ng nakapag-aalalang mga sintomas. Gayunpaman, upang maiwasang lumala ang karamdamang ito, pinakamainam na magpunta sa doktor. Karamihan sa mga pasyenteng na-diagnose na may heart arrhythmia ay nagagawang gumaling, lalo na kapag sumailalim sila sa gamutan.
Dagdag pa, kapag kontrolado na ang iyong arrhythmia, maaari kang payuhang gawin ang tiyak na pagbabago sa lifestyle upang mas maging malusog.
Karamihan sa mga doktor ay magrerekomenda sa iyong ayusin ang iyong diet, dagdagan ang physical activity, iwasan ang paninigarilyo, at kontrolin ang iyong stress.