backup og meta

Senyales at Sintomas ng Maculopathy, Alamin!

Senyales at Sintomas ng Maculopathy, Alamin!

Ang macula ay isang bahagi ng mata na matatagpuan sa gitna ng retina. Ito ang responsable sa ating central vision. Itong maliit na hugis oval na bahagi sa likod ng mata ang responsable sa pagpoproseso ng diretso, matalas at malinaw na paningin. Maculopathy ang tawag sa anumang sakit ng macula. Magkakaiba ang mga senyales at sintomas ng Maculopathy depende sa kanilang anyo.

sintomas ng maculopathy

Mga Karaniwang Uri ng Maculopathy

Ito ang magkakaibang uri ng Maculopathy.

Age-Related Macular Degeneration

Age-Related Maculopathy (ARM), o mas kilala bilang age-related macular degeneration, ay isang degenerative disease ng retina. Ito ang nangungunang sanhi ng severe vision impairment at madalas na nakaaapekto sa mga taong higit sa 50 ang edad.

May mataas na panganib na magkaroon ng ganitong sakit ang mga taong naninigarilyo, obese, may cardiovascular diseases, at may mga kamag-anak na may ARM. 

Sa unang mga stage nito, hindi nakararanas ng vision loss o impairment ang mga pasyenteng nagkakaroon ng ARM. Habang nagpapatuloy ang ARM, ang mga pasyente ay nakararanas ng panlalabo ng mata sa kanilang central visual field. 

Kabilang sa mga sintomas ng ARM ang:

  • Dahan-dahang pagkawala ng kakayahang makita ang mga bagay nang malinaw
  • Kawalan ng color vision
  • Nagsisimulang magmukhang maalon ang diretsong mga linya
  • Mukhang baluktot ang mga bagay
  • May grey o black spots

Diabetic Maculopathy

Diabetic Maculopathy ang nangungunang sanhi ng vision impairment mula sa diabetic retinopathy o mga sakit sa retina na sanhi ng diabetes. Kadalasan nitong naaapektuhan ang matatandang non-insulin-dependent diabetics.

Kung hindi makontrol nang mabuti ang diabetes, maaaring makaranas ang pasyente ng macular edema o pamamaga ng macula. Nauuwi ang diabetic maculopathy sa problema sa pagbabasa at pagkilala sa mga mukha lalo na sa gitna ng iyong paningin. 

Myopic Maculopathy

Ang Myopic Maculopathy, kilala rin bilang myopic macular degeneration, ay kadalasang nangyayari sa mga taong may matinding short-sightedness dulot ng elongation ng eyeball. 

Nagdudulot ng pakabatak at lubos na pagnipis ng mga layer sa likod ng retina ang elongation ng eyeball. Ang pagnipis ng mga layer sa likod ng mata ay maaaring magdulot ng mga bitak sa ilalim ng retina at pagdurugo sa gitna ng macula. 

Ang mga sintomas ng Myopic Maculopathy ay pareho sa iba pang uri ng macular degeneration. Kabilang sa mga sintomas nito ang unti-unting pagkawala ng paningin, nahihirapang makakita ng kulay, at nakakakita ng blangko o gray spots sa gitna ng paningin.

Bull’s Eye Maculopathy

Ang Bull’s Eye Maculopathy, na kilala rin bilang benign concentric annular macular dystrophy (BCAMD), ay mailalarawan bilang isang ring of pale-looking damage sa paligid ng darker area ng macula. Magkakaiba ang shades ng pink at orange ng mga circular band na ito.

Isang bihirang sakit na namama ang BCAMD. May 50% na tsansang magkaroon ng sakit na ito ang anak ng taong may Bull’s Eye Maculopathy. 

May partial color blindness, night blindness, o panlalabo ng paningin ang mga pasyenteng may BCAMD. 

Stargardt Disease

Stargardt Disease, kilala rin bilang juvenile macular degeneration, ay isang namamanang sakit na kadalasang tumatama sa mga bata, teenagers, at young adults. Unti-unting nabubuo ang sakit na ito, bibilis, saka mananatili sa level nito.

Sa mga unang stage ng Stargardt Disease, maaaring mahirapan ang mga pasyenteng makakita sa dim light. Sintomas rin ng Stargardt Disease ang hirap na makakita mula sa liwanag papunta sa dilim o mula sa madilim papunta sa maliwanag na lugar, at maging hirap sa pagbabasa. 

Cone Dystrophy

Makapal na nakakumpol sa paligid ng macula ang mga cell na nagbibigay sa atin ng color vision. Tinatawag itong cones. Ang cone dystrophy ay isang namamanang kondisyon na nagpapahinto sa paggana ng mga cone, kaya’t nawawalan tayo ng color vision at unti-unting pagkawala ng paningin.

Kabilang sa mga sintomas ng cone dystrophy ang discomfort sa matitingkad na kulay, hindi detalyado ang nakikita, at nahihirapang makita ang pagkakaiba ng mga kulay. May ilang mga pasyente rin ang nagkakaroon ng nystagmus o hindi makontrol na paggalaw ng mga mata.

Punctate Inner Choroidopathy

Ang Punctate inner choroidopathy (PIC) ay isang bihirang sakit na may kaugnayan sa immune system. Nagdudulot ito ng pamamaga ng likod ng mata. Ang abnormal na paglaki ng mga blood vessel sa namamagang bahagi ng likod ng mata ay nagiging sanhi ng pagkawala ng central vision. 

Kabilang sa mga sintomas ng PIC ang malabong patches sa paningin, mga kislap ng liwanag, at floaters. Nakararanas din ang mga taong may PIC ng distortion sa mga nakikita. 

Nakadepende ang mga senyales at sintomas ng Maculopathy sa kung ano ang nagdudulot nito. Ngunit madalas, kung hindi lahat ng uri ng maculopathy, ay nakararanas ng distortion at panlalabo ng mata, lalo na sa central vision.

Walang gamot sa maculopathy, ngunit karamihan sa mga kondisyon ay may gamutang makatutulong upang mabawasan ang mga epekto nito. Unti-unti ang pag-develop ng Maculopathy kaya’t nakatuon ang gamutan sa pagpapabagal nito. 

Malaki ang ginagampanan ng genetics sa pagkakaroon ng mga senyales at sintomas ng Maculopathy kaya’t mahirap itong iwasan. Ang malusog na pamumuhay, pag-aalaga sa mata, at regular na pagpapatingin ng mata para sa maagang pagtuklas ng sakit ay malaki ang maitutulong upang mapabagal ang pagpapatuloy ng sakit.

Key Takeaways

Ang Maculopathy ay isang sakit na nakaaapekto sa gitnang bahagi ng retina. Maraming anyo ng maculopathy.

Kabilang sa karaniwang senyales at sintomas ng Maculopathy ang blank o grey spots, at panlalabo ng central vision, nahihirapang makita ang mga kulay o poor contrast sensitivity, sensitibo sa liwanag, at distortion.

Hindi nagagamot ang Maculopathy at mahirap iwasan, ngunit maaaring mapabagal ang pagpapatuloy nito sa pamamagitan ng treatment, mga gamot, at malusog na pamumuhay.

Matuto pa tungkol sa mga sakit sa mata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Myopic Macular Degeneration?, https://maculardegeneration.net/myopic/, Accessed January 6, 2020

What Is Macular Degeneration?, https://www.aao.org/eye-health/diseases/amd-macular-degeneration, Accessed January 6, 2020

Diabetic Maculopathy, https://www.diabetes.co.uk/diabetes-complications/diabetic-maculopathy, Accessed January 6, 2020

Central serous retinopathy, https://www.macularsociety.org/macular-disease/macular-conditions/central-serous-retinopathy/, Accessed January 6, 2020

Stargardt Disease Symptoms, https://www.aao.org/eye-health/diseases/stargardt-disease-symptoms, Accessed January 6, 2020

Punctate inner choroidopathy, https://www.macularsociety.org/macular-disease/macular-conditions/punctate-inner-choroidopathy/, Accessed January 6, 2020

Cone dystrophy, https://www.macularsociety.org/macular-disease/macular-conditions/cone-dystrophy/, Accessed January 6, 2020

Medical Information on Bull’s Eye Maculopathy, http://www.ssc.education.ed.ac.uk/resources/vi&multi/eyeconds/bull.html, Accessed January 6, 2020

Kasalukuyang Version

08/08/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Victor Paulino, MD, DPBO

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kuliti: Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

Mga Sanhi at Paggamot ng Lazy Eye


Narebyung medikal ni

Victor Paulino, MD, DPBO

Ophthalmology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement