Safe ba ang decorative contact lens? Ito ang karaniwang tanong ng mga fashionista na gusto ay iba-iba ang kulay ng kanilang mata. Ang bagong tilamsik ng kulay sa iyong mga mata ay maaaring nakakatuwa na paraan upang baguhin ang iyong itsura araw-araw. Maaari nitong mas pagandahin pa ang iyong costume. Maaari namang maging ligtas ang colored contact lens kapag nireseta ng doktor sa mata. Ngunit sa kasamaang-palad, maraming mga ilegal at hindi ligtas na contact lens ang binebenta online at maging sa ilang mga tindahan. Ang mga lente na ito ay maaaring makapinsala sa iyong mga mata. Maaari itong maging sanhi ng permanenteng pagkawala ng paningin.
Ang lahat ng mga contact lens ay dapat na inireseta ng isang doktor. Kabilang ang mga pandekorasyon na lens. Ang anumang contact lens na hindi inireseta ng doktor ay labag sa batas at maaaring magdulot sa iyo ng pinsala. Maaaring gusto mong magkaroon ng perpektong itsura para sa Halloween. Baka naman gusto mong maging kamukha ng iyong paboritong celebrity.
Ngunit ang pagpili na baguhin ang itsura ng iyong mga mata gamit ang mga contact lens ay maaaring magdulot ng malaking pinsala sa iyong paningin. kung makuha mo ang mga ito nang walang input ng iyong propesyonal sa pangangalaga sa mata.
Ano ang decorative contact lens?
Safe ba ang decorative contact lens na ginagamit na nakakaakit sa ilang mga tao? Maraming mga pangalan ang ibinibigay sa mga contact lens na ginagamit upang baguhin ang itsura ng mga mata kabilang ang:
- Cosmetic
- Theatrical
- Halloween
- Bilog
- Pampalamuti
- Costume
- May kulay na contact lens
Ang mga pampalamuti na contact lens ay nagbabago ng itsura ng iyong mga mata. Maaaring hindi nila itama ang iyong paningin. Ngunit maaari nitong pansamantalang baguhin ang iyong mga brown na mata at gawin itong asul. Pwede ring ang iyong mga mata ay mag mukhang mata ng pusa o vampire eyes para sa Halloween.
Alam mo ba na ang mga pampalamuti contact lens na ito ay talagang mga medikal na aparato? Pinangangasiwaan ng U.S. Food and Drug Administration ang kanilang kaligtasan at pagiging epektibo, tulad ng mga contact lens na nagtutuwid sa iyong paningin. Ngunit tulad ng corrective contact lenses, hindi ka dapat bumili ng contact lens mula sa isang street vendor, beauty supply store, flea market, novelty store o Halloween store. At dapat lagi kang may reseta.
Safe ba ang decorative contact lens online?
Maraming mga online na tindahan ang nagbebenta ng mapanganib at ilegal na mga contact lens. Iligal na ibinebenta ang mga lente na ito sa kapag hindi inaprubahan ng FDA. Noog 2011 pa lang ay nangampanya na ang Integrated Philippine Association of Optometrists laban sa iligal na dispensing at pagbebenta ng mga contact lens online. Maaaring magdulot ito ng malubhang pinsala sa iyong mga mata sa loob ng ilang oras.
Ang mga mata ay may kakaibang hugis. Kung kaya ang one-size na lens na ito ay hindi magkasya nang tama sa iyong mata. Ito ay hindi lamang tulad ng pagsusuot ng maling sukat ng sapatos. Ang hindi angkop na mga contact lens ay maaaring makasugat sa iyong cornea. Posibleng humantong ito sa corneal ulcer, na tinatawag na keratitis. Ang keratitis ay maaaring permanenteng makapinsala sa iyong paningin, at kung minsan nauuwi sa pagkabulag.
Bakit nakakatakot ang iligal na colored contact lens?
Kahit gaano pa kahanga-hanga ang itsura ng mga costume lens, dapat pa ding mabahala kung safe ba ang decorative contact lens. Ang mga pintura na ginamit sa mga ilegal na lens na ito ay maaaring magbigay ng mas kaunting oxygen sa iyong mata. Natuklasan ng isang pag-aaral na ang ilang pampalamuti na contact lens ay naglalaman ng chlorine. Ito din at may magaspang na ibabaw na nakakairita sa mata.
Mayroong ilang mga nakakatakot na kwento tungkol sa pinsala sa paningin mula sa mga ilegal na contact na may kulay. Isang babae ang nakaranas ng matinding sakit pagkatapos ng 10 oras na suot ang bagong lente na binili niya sa isang souvenir shop. Nagkaroon siya ng impeksyon sa mata na nangangailangan ng apat na linggo ng gamot. Hindi siya nakapag maneho ng walong linggo. Ang kanyang pangmatagalang epekto ay kinabibilangan ng pinsala sa paningin, isang peklat sa kornea, at isang nakalaylay na talukap ng mata.
Kung nais mong gumamit ng decorative contact lens, makabubuting kumunsulta muna sa iyong doktor.