Ang styes o kuliti ay isang masakit, maliit, pulang bukol na tumutubo mula sa ibaba ng pilikmata o sa ilalim ng talukap ng mata. Ito ay kahawig ng isang tigyawat na may nana sa loob na kung minsan ay namamaga sa buong talukap. Ang mga kuliti ay isang pangkaraniwang uri ng impeksyon na kadalasang nakakaapekto ng isang mata lamanf. Maaari ka ring bumuo ng higit sa isang stye sa isang pagkakataon. Alamin kung paano maiwasan ang kuliti dito.
Paano Nagkakaroon ng Kuliti?
Ang dumi, langis, at dead skin build-up sa talukap ng mata at nakaharang sa maliliit na oil glands. Kapag ang isa sa mga oil glands ay nakaharang, lumalaki ang bacteria upang maging sanhi ng pag-lala ng kuliti.
Maaari maging panlabas (external) o panloob (internal) ang mga kuliti. Ang external na kuliti ay nakakaapekto sa mga oil glands na nauugnay sa mga pilikmata. Samantala, ang internal na kuliti ay lumalaki sa loob ng mga glands ng mga talukap ng mata.
Ang bacterium na humahantong sa impeksyon ng kuliti ay ang Staphylococcus aureus. Ito ay ay matatagpuan sa katawan ng tao at karaniwang hindi nagdudulot ng iba’t-ibang pinsala. Kung ang bacteria ay napunta sa ilalim ng balat, ito ay may potensyal na magdulot ng mga impeksyon. Dahil dito, paano maiwasan ang kuliti?
Mga Sintomas
Bago tayo tumungo sa kung paano maiwasan ang kuliti, ating alamin muna kung ang mga sintomas nito.
Ang kuliti ay nagsisimula sa isang pulang bukol sa ibaba ng pilikmata o sa loob ng talukap ng mata. Habang lumalaki ang pamamaga, lumilitaw ang isang maliit na madilaw-dilaw na spot.
Ang pamamaga ay kadalasang nakakaapekto lamang sa isang maliit na bahagi ng talukap ng mata. Ngunit, kung minsan, ang pangangati ay maaaring mangyari sa buong takipmata. Dahil dito, ang talukap ng mata ay nagiging malambot sa pagpindot. Samantala, maaaring makaramdam ng pananakit at pangangati ang mata na natatakpan ng nahawaang talukap ng mata.
Bukod sa masakit na pamamaga, ang mga sintomas ng kuliti ay kinabibilangan ng pagkapunit at discomfort. Kasama rin dito ang photophobia o sensitivity sa maliwanag na liwanag.
Mga Sanhi
Poor hygiene
Paano nakakaapekto ang poor hygiene sa pagkakaroon ng kuliti?
Ang pagkuskos sa mga mata gamit ang iyong mga kamay, paglalagay ng contact lens nang hindi nililinis ang iyong mga kamay, at maging pagtulog na may mga contact lens ay nag-aanyaya sa bacteria na mahawahan ang mga talukap ng mata, at sa huli ay magdulot ng kuliti. Isa sa mga paraan kung paano maiwasan ang kuliti ay siguraduhing maghugas ng kamay bago hawakan ang anumang bahagi ng mata.
Chlorine at pawis
Kabilang ang chlorine at pawis sa mga sanhi ng kuliti. Isang tip kung paano maiwasan ang kuliti ay siguraduhing maghugas ka ng iyong mukha pagkatapos mag-ehersisyo o lumangoy sa pool. Ang nakakapreskong paghugas ng mukha ay maaaring magpababa ng panganib ng kuliti.
Make-up at paglagay ng eyelash extensions
Ang make-up at paglalagay ng eyelash extension ay maaaring makaakit ng bacteria sa talukap ng mata at maging sa pilikmata. Kadalasang nag-iipon ng dumi ang eyelash extensions na nagiging sanhi ng mga glands sa pilikmata na madaling magkaroon ng mga kuliti. Paano maiwasan ang kuliti? Ilan sa maaari mong gawin ay ang mga sumusunod:
- Gumamit ng mga disposable eyelash extension
- Magpalit ng eye makeup cakes
- Linisin ang mga makeup brush
Rosacea at seborrheic dermatitis
Ang mga kondisyon tulad ng rosacea at seborrheic dermatitis ay maaaring magpataas ng iyong panganib na magkaroon ng kuliti. Maaari ring maging sanhi ang blepharitis, isang pamamaga ng mga talukap ng mata na may pagbuo ng balakubak sa mga pilikmata. Ang paggamot sa mga kondisyong ito ay isang mabisang paraan kung paano maiwasan ang kuliti.
Weak immune system
Ang mga taong may mahinang immune system ay mas madaling kapitan ng impeksyon. Dahil dito, pinatataas nito ang kanilang panganib na magkaroon ng kuliti.
Paano Maiwasan ang Kuliti at Gamutin
Karaniwan, hindi nangangailang ng paggamot upang mapuksa ang mga kuliti. Kapag nangyari ang pamamaga at naipon ang nana, sasabog ang bukol sa loob ng 3-4 na araw. Ang nana sa bukol ay mawawala at magbibigay ng puwang para sa paggaling. Ito ay tumatagal ng hanggang 1-2 linggo bago ito ganap na gumaling.
Home remedies
Kasama sa mga home remedies para sa kuliti ang paggamit ng mainit na compress. Ang init ay nakatutulong sa discomfort pati na rin ang pagdadala ng nana sa ibabaw. Kapag lumabas na ang nana, natural at tuluyan na itong mauubos.
Massage
Ang pagmamasahe sa apektadong lugar ay mainam upang maitaguyod ang drainage na nakatutulong sa paggamot sa mga kulit. Siguraduhing malinis ang iyong mga kamay bago hawakan ang nasabing lugar.
Maaaring masakit ito kung kaya, ang mga over-the-counter na pain reliever ay makakapagbigay ng kaunting ginhawa.
I-drain ang kuliti
Maaari mo ring ipagawa ang incision at drainage ng external kuliti sa isang health professional. Gumagamit ng isang sterile na karayom o scalpel upang buksan ito at i-drain ang laman na nana.
Hindi ligtas na subukan ang paglalance ng sariling kuliti. Ang impeksyon ay maaaring kumalat at magdulot ng malubhang problema.
Ang internal na kuliti ay maaari ring matuyo. Unang gagawin ang pagbaliktad ng talukap ng mata upang ilantad ang kuliti. Ang isang local anaesthetic ay tinutusok upang mapamanhid ang talukap ng mata bago maalis ang kuliti. Binibigyan ng antibiotic drops ang pasyente matapos ang pamamaraan.
Key Takeaways
Ang styes o kuliti ay isang bacterial infection na nagdudulot ng pamamaga sa mga gland ng talukap ng mata at pilikmata. Magsisimulang bumukol ang infected area at maiipon ang nana. Ang pag-drain ng nana ay maaaring magsulong ng paggaling nito. Karaniwan itong self-limiting at kusang nawawala. May mga home remedies na maaaring gawin upang mapabilis ang proseso ng paggaling. Gayunpaman, sa ilang mga kaso, ang mga kuliti ay maaaring magpatuloy at maging sanhi ng labis na pananakit. Kung ang pananakit ay hindi na matiis o mawala, pinakamahusay na bumisita sa doktor para sa karagdagang paggamot.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga ng Mata dito.