backup og meta

Gaano kadalas dapat magpa-test ng mata?

Gaano kadalas dapat magpa-test ng mata?

Madalas tayong nag-aalala sa ating heart health, digestive health o mental health. Pero sa lahat ng madalas, nakakalimutan natin o hindi priyoridad ang kalusugan ng mata. Ipinagpapaliban ang pagbisita sa eye doctor hanggat okay naman ang lahat. Ang ating paningin ay isa sa pinakamahalagang pandama natin. Mahalaga ito sa halos lahat ng ating ginagawa sa ating pang-araw-araw na buhay. Ito ang dahilan kung bakit hindi mo dapat laktawan ang eye examination test. Pero gaano  kadalas dapat magpa-test ng mata?

Mga Rason Kung Bakit Hindi Mo Dapat Kaligtaan ang Magpa-test ng Mata

Maraming tao ang hindi pumupunta sa eye doctor hanggang sa magka-problema na sa kanilang paningin. Narito kung bakit hindi mo dapat kaligtaan ang magpa-test ng mata.

  1. Kung maagang magagamot, maaaring maiwasan ang mga karaniwang sakit sa mata.

Ang ilan sa mga kondisyong ito ay kinabibilangan ng:

  • Cataracts (clouding of the lens)- Ito ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkawala ng paningin.
  • Diabetic retinopathy – Ang mga may diabetes ay kailangang mag-ingat sa pinsala sa mga daluyan ng dugo sa likod ng mata. Sa matinding mga kaso, ito ay maaaring humantong sa pagkabulag.
  • Glaucoma – Ang grupong ito ng mga sakit ay nagsasangkot ng pinsala sa optic nerve.
  • Macular degeneration na nauugnay sa edad – Habang tumatanda tayo, maaaring mangyari ang unti-unting pagkasira ng light-sensitive na tissue sa mata.
  1. Kailangan ng mga bata na magpa-test ng mata para masuri kung ang kanilang paningin ay nade-develop ng maayos.

Ang mga tao ay may posibilidad na magkaroon ng mas maraming problema sa paningin habang sila ay tumatanda. Gayundin naman, ang mga bata ay nangangailangan ng eye exams. Ito ay para matiyak ang malusog na paningin. Maaaring matukoy sa early screening test kung ang paningin ng isang bata ay maayos na nade-develop.

Hindi masasabi ng mga bata sa mga magulang ang tungkol sa mga problema sa paningin kung sila ay mga sanggol pa. Samantala, maaaring hindi nauunawan ng mas nakatatandang mga bata na sila ay may mga problema sa paningin, na nagiging sanhi ng poor performance sa paaralan. Maaaring makita sa examination test sa mata ang anumang mga problema. Ito ay upang ang bata ay agad na mabigyan ng paggamot o corrective glasses. 

Ano ang Sinusuri ng Eye Examination Test?

Sa oras ng eye examination test, ang eye doctor mo ay magsusuri ng ilang mga bagay tulad ng:

  • Refractive errors – astigmatism, myopia (nearsightedness), hyperopia (farsightedness) o presbyopia (nawawalan ng malapit na focus vision)
  • Pagbabago sa paningin – mahina ang paningin, mga palatandaan ng katarata, glaucoma, macular degeneration, detached retina
  • Problema sa muscles na sumusuporta sa mga mata – strabismus (crossed eyes), amblyopia (lazy eye)
  • Mga tumor at cancer sa mata – intraocular cancer, intraocular melanoma at retinoblastoma

Gaano Kadalas Ka Dapat Magpa-test ng Mata?

Sa pangkalahatan, kung ikaw ay nasa hustong gulang na walang mga problema sa paningin, ang pagbisita sa eye doctor mo isang beses bawat dalawang taon ay sapat na.

Eye Examination Test Para sa Mga Bata

Newborn

Dapat gawin ng doktor ng iyong anak ang isang simpleng pagsusuri sa mata ilang sandali pagkatapos na siya ay ipanganak. Hahanapin nila ang “red reflex” (namumula ang mata kapag may kumislap na liwanag sa bawat mata) pati na rin ang pag-kurap at pupil response.

6 na buwan hanggang 1 taon

Ang pangalawang screening test ay ginagawa upang suriin ang malusog na alignment at paggalaw ng mata pati na rin ang mga reflexes na binanggit sa itaas.

3 hanggang 5 Taon

Sa edad na ito, dapat suriin ng isang ophthalmologist, optometrist o pediatrician ang eye alignment ng iyong anak. Maaari din nilang suriin ang visual acuity ng iyong anak, kahit na ang karamihan sa mga 3 hanggang 5 taong gulang ay medyo farsighted.

Dapat suriin ng isang ophthalmologist ang paningin ng iyong anak kung nagpapakita sila ng mga palatandaan ng:

  • misaligned eyes (strabismus)
  • “lazy eye” (amblyopia)
  • refractive errors (myopia, hyperopia, astigmatism)

Eye Examination Test Para sa Adults

Kung gaano kadalas dapat magpa-test sa mata ay depende sa kalusugan ng mga mata mo. Kung wala kang problema sa iyong paningin, sapat na ang pagsusuri tuwing 2 hanggang 3 taon. Gayunpaman, kung may salamin ka sa mata, o kung may mga kondisyon sa kalusugan tulad ng diabetes, dapat kang magpasuri nang mas madalas.

20 hanggang 39 taong gulang

Bisitahin ang iyong doktor sa mata isang beses bawat 2 hanggang 3 taon.

40 hanggang 64 taong gulang

Sa edad na 40, maaaring lumabas ang early signs ng sakit o pagbabago sa paningin. Dahil dito, inirerekomenda ng mga doktor ang complete eye checkup kapag umabot ka na sa edad na 40. Ang maagang paggamot sa mga sakit sa mata ay maaaring makatulong na mapanatili ang iyong paningin.

Sa pangkalahatan, ang mga nasa hustong gulang na 40 hanggang 64 taong gulang ay dapat bumisita sa kanilang eye doctor bawat 2 taon.

Eye Examination Test Para sa mga Matatanda

Kapag 65 years old ka na o mas matanda, kailangan mong bumisita sa iyong doktor sa mata isang beses bawat 2 taon. Susuriin nila ang iyong mga mata para sa mga sumusunod:

  • cataracts
  • diabetic retinopathy
  • age-related macular degeneration
  • Glaucoma
Huwag hintayin na may masamang mangyari sa iyong mga mata! Ang maagang paggamot ay malaki ang magagawa na mailigtas ang iyong paningin. Ang mga adult ay dapat na magpasuri ng kanilang mga mata tuwing 2 hanggang 3 taon at bawat 2 taon sa lampas sa edad na 40. Dapat ding tumanggap ng espesyal na pangangalaga ang mga bata at matatanda. 

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Keep an Eye on Your Vision Health, https://www.cdc.gov/visionhealth/resources/features/keep-eye-on-vision-health.html, Accessed October 11, 2021

2 Eye Screening for Children, https://www.aao.org/eye-health/tips-prevention/children-eye-screening, Accessed October 11, 2021

3 Eye Exam: What to Expect,  https://my.clevelandclinic.org/health/diagnostics/10738-eye-exam-what-to-expect, Accessed October 11, 2021

4 Eye Exam and Vision Testing Basics,  https://www.aao.org/eye-health/tips-prevention/eye-exams-101, Accessed October 11, 2021

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Mga Kaalaman Tungkol Sa Mata: Ano Ang Totoo At Hindi?

Mabuting Kalusugan Ng Mata: Mga Dapat Malaman


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement