backup og meta

Paano Makakaiwas Sa Erectile Dysfunction?

Paano Makakaiwas Sa Erectile Dysfunction?

Ang erectile dysfunction ay ang kawalan ng kakayahan ng isang lalaki na magkaroon o mapanatili ang erection sa mahabang panahon upang makipagtalik o gawin ang iba pang gawaing kaugnay nito. Minsan tinatawag itong “ED” o “impotence.” Ito ay isang problemang makaaapekto sa mga kalalakihan habang sila ay tumatanda. Ang random na erectile dysfunction ay maaaring hindi maging sanhi ng alalahanin. Habang ang regular na dysfunction ay maaaring maging sanhi ng stress, kawalan ng pagpapahalaga sa sarili, gayundin ng mga problemang sa mga relasyon at emosyonal.

Bagama’t maraming sanhi ang kondisyong ito, ang pagkakaroon ng magandang diet ay mainam na paraan ng pag-iwas sa erectile dysfunction. Sa artikulong ito, alamin ang ilan sa mga sintomas, sanhi, at mga pagkaing dapat kainin para sa pag-iwas sa erectile dysfunction.

Mga Sanhi Ng Erectile Dysfunction

Ang kagustuhang makipagtalik ay isang magkakaugnay na prosesong kinabibilangan ng utak, hormones, emosyon, nerves, muscles, at ugat na daluyan ng dugo. Maaaring nag-ugat ang erectile dysfunction sa pagkakaroon ng problema sa alinman sa mga salik na ito. Ang stress at problema sa kalusugang pangkaisipan ay maaaring magresulta o magpalubha ng kondisyong ito.

Maaari ding maging sanhi ng erectile dysfunction ang magkahalong pisikal at sikolohikal na mga problema. Halimbawa, ang bahagyang pisikal na injury ay maaaring maresulta sa mabagal na pagtugong sekswal, na nagiging sanhi ng pagkabalisa at stress, na humahantong sa hindi matagumpay na erection.

Mga Posibleng Sanhi Ng Erectile Dysfunction

Ang mga sanhi ng erectile dysfunction ay karamihan may kaugnayan sa pisikal.

Limitadong Pagdaloy Ng Dugo

Anomang naglilimita sa daloy ng dugo sa tite ay maaaring maging sanhi ng erectile dysfunction. Kabilang dito ang paninigarilyo, diabetes, mataas na presyon ng dugo, obesity, at pagtanda. Lahat ng mga ito ay may epekto sa iyong ugat na daluyan ng dugo. Ang mababang daloy ng dugo sa penile vessels ay kadalasang nangyayari bago magkaroon ng problema sa daloy ng dugo sa ibang mahahalagang organs. Dagdag pa, ang mga gamot na anti-hypertensive, kasama na iba pang mga gamot, ay maaaring maging sanhi ng sexual dysfunction sa mga kalalakihan.

[embed-health-tool-bmi]

Mga Neurological Na Sanhi/Mga Sakit Sa Nerve

Ang erectile dysfunction ay maaaring sanhi ng stroke, at mga kondisyong nakasisira ng penile nerves, tulad ng diabetes, at mga problema sa spinal cord.

Mga Gamot

Ang ilang mga gamot na nakaaapekto sa iyong nerves at ang ilang nakapagpapababa ng lebel ng testosterone ay maaaring maging sanhi ng erectile dysfunction. Ang isang uri ng gamot para sa mga pananakit na tinatawag na opioids para sa mga matitinding pananakit ay maaari ding maging sanhi ng ED. Karaniwan ding inuugnay sa ED ang gamot sa presyon ng dugo.

Mga Sikolohikal Na Sanhi

Ang depresyon, pagkabalisa sa pagganap, at kawalan ng pokus at konsentrasyon ay karaniwang sanhi ng sikolohikal na ED. Ang pokus sa sekswal na gawain ay nalilipat, mula sa karanasan patungo sa pagkabalisa na magkaroon at mapanatili ang erection.

Mga Pagkaing Dapat Kainin Para Sa Pag-Iwas Sa Erectile Dysfunction

Ang erectile dysfunction ay maaaring humantong sa karagdagang stress at hindi matagumpay na relasyon. Mabuti na lamang, ang pagbabago ng diet ay nakatutulong na mapaunlad ang sekswal na pagganap ng mga kalalakihan. Ang pagbabawas ng timbang at pagpapanatili ng normal na BMI ay makapagpapa-unlad ng libido at erectile function sa mga kalalakihan. Maaaring may mga nagtatanong, “Ano-ano ang mga pagkaing dapat kainin para sa pag-iwas sa erectile dysfunction?”

Ayon sa nutritionist na si Rebecca Scritchfield, ang ilang dietary options ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng pagdaloy ng dugo at sa pag-iwas sa erectile dysfunction. Narito ang ilang mga pagkaing dapat kainin para sa pag-iwas sa erectile dysfunction.

Berries

Ang berries ay magandang opsyon bilang pagkaing dapat kainin para sa pag-iwas sa erectile dysfunction. Mainam na paraan upang kumain ng sugars at mabawasan ang sobrang fat ang antioxidant na ito. Ang mga bitamina ng pulang berries ay sinasabing nakapagpaparami din bilang ng sperm.

Prutas Na Citrus

Isa ring magandang opsyon bilang pagkaing dapat kainin para sa pag-iwas sa erectile dysfunction ay ang prutas na citrus. Ito ay mayaman sa fiber at nakatutulong sa pagbabawas ng timbang.

Pulang Wine

Ang pulang wine ay mainam na pagkain para sa pag-iwas sa erectile dysfunction. Ito ay may nitric oxide na nakatutulong upang marelaks ang arteries at mapabuti ang daloy ng ugat sa tite. Mayroon din itong compound na quercetin na nakatutulong upang maharang ang enzymes na nagiging sanhi ng pagharang sa testosterone. Ito ay makatutulong upang mapanatili ang mataas na lebel ng testosterone habang nakikipagtalik.

Green Tea

Ang berdeng tsaa ay isa ring antioxidant na kabilang sa mga pagkaing dapat kainin para sa pag-iwas sa erectile dysfunction. Ito ay may catechins na nakatutulong upang mapabuti ang metabolismo at maalis ang free radikals na nakasisira ng ugat na daluyan ng dugo. Hinahayaan nitong dumaloy ang dugo nang mas maayos papunta sa organs kasama na ang tite.

Peras

Isang napakainam na mapagkukunan ng fiber at antioxidants ang peras. Wala itong taglay na fat at cholesterol. Nakatutulong ito sa pagbabawas ng timbang dahil ang mga ito ay lubhang nakabubusog.

Dark Chocolate

Ang masarap na pagkaing ito ay nakapagpapataas ng lebel ng dopamine. Ang dopamine, na tinatawag ding “pleasure hormone” ay nakatutulong upang masabik ang mga kalalakihan sa pakikipagtalik.

Kale

Ang kale ay mayaman sa mga nutrisyon. Ito rin ay mataas sa fiber at nakatutulong upang manatili kang busog sa mas mahabang panahon.

Mansanas

Ang pagkaing ito ay sinasabing nakatutulong sa pagpapalaki at pagpapalakas ng muscle kahit sa pagtanda. Ito ay mayaman sa fiber, mga bitamina, at mineral. Ito rin ay mainam sa pagpapanatili ng timbang.

Broccoli

Ang broccoli ay mayaman sa bitamina C na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sirkulasyon ng dugo at nakapagpapataas ng libido ng isang tao.

Maaanghang Na Sili

Ang mga maaanghang na sili ay nagtataglay ng kemikal na capsaicin. Ito ay nakapagpapataas ng tibok ng iyong puso at naglalabas ng endorphins. Ang mataas  tibok ng puso at endorphins ay mahalaga sa pagkakaroon ng magandang sekswal na pagganap.

Saging

Ang saging ay may flavonoids. Ang flavonoids ay sangkap ng halaman na nagbibigay ng proteksyon sa puso at nakatutulong sa pagkontrol ng pamamaga. Ito ay sinasabing nakapagpapabuti ng daloy ng dugo na nakatutulong sa pag-iwas sa erectile dysfunction.

Spinach

Ang spinach ay mainam na mapagkukunan ng folate. Ang folate ay sinasabing nakapagpapabuti ng daloy ng dugo. Nagtataglay din ang spinach ng magnesium na nakatutulong sa pagdaloy ng dugo at nakapagpapataas ng lebel ng testosterone.

Kape

Natuklasan sa mga pananaliksik na ang 2 hanggang 3 tasa ng kape kada araw ay nakatutulong sa pag-iwas sa erectile dysfunction. Ang caffeine, isang sangkap ng kape, ay nakapagpapabuti sa daloy ng dugo sa pamamagitan ng pagrelaks sa arteries at muscles na humahantong sa mas matibay na erections.

Abokado

Bukod sa masustansyang mapagkukunan ng fats, potassium, at mga bitamina, ang abokado ay nagtataglay din ng bitamina E at zinc. Dagdag pa, ang bitamina E ay sinasabing nakapagpapabuti sa kalidad ng sperm habang ang zinc ay nakapagpapataaas ng lebel ng testosterone.

Karot

Ang karot ay may kemikal na carotenoids na nakapagpapadami sa bilang sperm at nakapagpapabuti sa motility, o ang paraan ng paggalaw at paglangoy ng sperm.

Oats

Ang avena sativa, mas kilala bilang wild oats, ay kilalang aphrodisiac. Ito ay naitalang kapaki-pakinabang sa pagtamo ng orgasm. Ito rin ay nagtataglay ng amino acid L-arginine. Ang L-arginine ay nakatutulong na marelaks ang daluyan ng dugo, isang mahalagang salik sa pagpapanatili ng erection at sa pagtamo ng orgasm.

Kamatis

Bukod sa nakatutulong sa pag-iwas sa prostate cancer, ang kamatis ay kilala ring nakatutulong sa pagpapabuti ng sperm concentration, motility, at morphology.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kalalakihan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Erectile Dysfunction, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/erectile-dysfunction/symptoms-causes/syc-20355776, Accessed May 25, 2020

Erectile Dysfunction (ED): Causes, Treatment, Symptoms & More, https://www.healthline.com/health/erectile-dysfunction, Accessed May 25, 2020

52 Foods That Boost Penis Health, Libido, and Pleasure in Men, https://www.mensjournal.com/food-drink/52-foods-boost-penis-health-supercharge-libido-and-increase-pleasure/, Accessed May 25, 2020

11 foods that reduce your risk of erectile dysfunction, https://www.mensjournal.com/food-drink/11-foods-reduce-your-risk-erectile-dysfunction/, Accessed May 25, 2020

Erectile Dysfunction (ED): Causes, Treatment, Symptoms & More, https://www.healthline.com/health/erectile-dysfunction, Accessed May 25, 2020

Erectile Dysfunction: Symptoms and Causes | Everyday Health, https://www.everydayhealth.com/erectile-dysfunction/, Accessed May 25, 2020

Can Alcohol Cause Erectile Dysfunction? | Livestrong.com, https://www.livestrong.com/article/28126-can-alcohol-cause-erectile-dysfunction/, Accessed May 25, 2020

Can Caffeine Cause Erectile Dysfunction? | Livestrong.com, https://www.livestrong.com/article/28032-can-caffeine-cause-erectile-dysfunction/, Accessed May 25, 2020

Kasalukuyang Version

05/22/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Balbas, Alamin Dito

Lalaking may Malaking Suso? Ano ang Gynecomastia?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement