backup og meta

Paano Magpalaki Ng Ari? Posible Nga Bang Magawa Ito?

Paano Magpalaki Ng Ari? Posible Nga Bang Magawa Ito?

Hindi na bago sa mga kalalakihan ang maging conscious sa laki ng kanilang ari. Marami ang nakakaranas ng inadequacy, o ang pag-iisip na hindi nila napapaligaya ang kanilang partner. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming lalaki ang nagnanais malaman kung paano magpalaki ng ari.

Ngunit, kailangan ba talaga ng malaking ari? Paano magpalaki ng ari? Posible ba ito? Ating alamin.

Gaano Ba Kalaki Ang Average Na Ari?

Bago natin pag-usapan kung paano magpalaki ng ari, dapat muna nating malaman kung gaano ba kalaki ang average na ari.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni David Veale, isang psychologist sa South London and Maudsley NHS Foundation Trust, kapag malambot ay 3.61 inches ang haba at 5.16 inches naman ang haba kung matigas ang ari ng lalaki.

Pagdating naman sa lapad o girth, 3.66 inches ito kung malambot at 4.59 inches kung matigas.

Napag-alaman rin nila sa pag-aaral na ang mga sobrang liit at sobrang laking ari ay bihira lamang. Bukod dito, napag-alaman nila na walang kinalaman ang tangkad ng isang lalaki sa laki ng kaniyang ari.

Depende sa lahi ng isang tao, posible ring magbago ang laki ng ari. Pero hindi rin gaano nagkakalayo ang size ng ari ng mga lalaki.

Bagama’t ito ang naging resulta ng kanilang pag-aaral, marami pa ring kalalakihan ang nais malaman paano magpalaki ng ari. Tinatayang 55% ng mga kalalakihan ang hindi satisfied sa laki ng kanilang ari.

Paano Sa Pilipinas?

Sa Pilipinas naman, ang average na size ng ari ay 4.3 inches kung matigas. Gayunpaman, mayroong hindi ito gaanong mapagkakatiwalaan dahil wala pang komprehensibong pag-aaral ang isinagawa tungkol dito.

Mas may kinalaman ang genetics ng isang tao pagdating sa laki ng kaniyang ari. Ibig sabihin nito, hindi na rin nalalayo ang penis size ng mga Pilipino sa global average penis size.

Kailan Ba Tumitigil Ang Paglaki Ng Ari?

Nagsisimulang lumaki ang ari ng isang lalaki kapag siya ay nakaranas na ng puberty. Tumitigil naman ito kapag 18-19 na ang isang lalaki, at ito na ang magiging penis size niya habang buhay.

At dahil naka-base sa genetics ang laki ng ari ng isang lalaki, wala talagang siguradong natural na paraan para mapalaki ang ari.

Paano Magpalaki Ng Ari? May Mga Ibang Paraan Ba?

Mayroon nga ba talagang paraan kung paano magpalaki ng ari?

Siguro ay nakakakita ka ng mga ads sa social media o kaya sa mga shopping sites tungkol sa mga pampalaki ng ari. Madalas ito ay mga pills o creams na sinasabing kapag ginamit mo ay siguradong magiging mas malaki ang iyong ari.

Ngunit ang katotohanan ay bukod sa penis enlargement surgery, walang ibang paraan upang magawa ito. Walang exercise, pills, creams, o kung anu-ano pa na magpapalaki ng ari.

At bagamat isinasagawa ang penis enlargement surgery, maraming doktor ang naniniwala na hindi ito kinakailangan at bagkus baka pa makasama. Kakaunti lamang ang pag-aaral na isinagawa tungkol sa ganitong procedure, at hindi pa gaanong napapag-aralan ang risks nito.

Paano Magpalaki Ng Ari? Ano Ang Puwede Mong Gawin Tungkol Dito?

Kung sa tingin mo ay maliit ang iyong ari, posibleng mas may kinalaman ito sa iyong self-esteem. Ang katotohanan ay karamihan ng mga lalaki ay hindi dapat mag-alala sa laki ng kanilang ari.

Mas malaking problema ang pagkakaroon ng kulturang naniniwala na “bigger is better.”

Gayunpaman, ayon sa ilang pag-aaral, mas gusto raw ng mga babae ng ari na mas malaki ng kaunti sa average. Pero mas gusto raw nila ito sa mga one-time na partners.

Para sa mga mayroong long-term partner, hindi naman raw issue ang penis size para sa kanila.

Ibig sabihin, mas mahalagang malaman mo kung paano mapapaligaya ang iyong partner bukod sa pagkakaroon ng malaking ari. Malaking bagay ang pakikinig sa gusto ng iyong partner, at ang pagkakaroon ng malalim na koneksyon sa isa’t-isa.

Kung nag-aalala ka pa rin sa laki ng ari mo, puwede ka ring kumausap ng isang therapist tungkol dito. Ito ay dahil posibleng may mas malalim pa na pinaghuhugutan ang iyong mga agam-agam, at hindi mismo ito tungkol sa laki ng iyong ari.

Ang Pagiging Overweight Ay Posible Ring Dahilan

Paano magpalaki ng ari? Posible rin maging dahilan ng “maliit” na ari ang pagiging overweight or obese. Kadalasan, sinasabi na kapag mataba raw ay mas maliit ang ari, pero hindi naman ito totoo.

Ang problema nga lang ay kung mataba ang isang tao, posibleng magkaroon siya ng extra na fat sa pubic area. Sa ganitong kaso, posibleng magmukhang mas maliit nga ang ari ng isang lalaki.

Kaya mahalaga sa mga obese o overweight na magbawas ng timbang hindi lang para magmukhang mas malaki ang kanilang ari, pero para rin sa kanilang kalusugan. Bukod dito, mas nakakatagal sa kama ang mga physically fit na kalalakihan, kaya’t mas nakakasatisfy rin sila ng mga partner.

[embed-health-tool-bmi]

Ang pinakamahalagang dapat mong tandaan ay ang pakikinig sa pangangailang ng iyong partner. Kung alam mo ang gusto nila sa sex, ay mas magagawa mo silang paligayahin. Wala namang kinalaman ang malaking ari pagdating sa kaalaman kung paano mapapaligaya ang iyong partner. Ito ang sikreto para sa masayang sex life.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Penis dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

On call: penile length – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/newsletter_article/On_call_penile_length, Accessed July 21 2020

‘Am I Normal?’ Check Biggest Study Yet Of Penis Size, Among 15,000 Men | CommonHealth, https://www.wbur.org/commonhealth/2015/03/03/biggest-study-penis-size, Accessed July 21 2020

How big is the average penis? | Science | AAAS, https://www.sciencemag.org/news/2015/03/how-big-average-penis#:~:text=According%20to%20the%20team’s%20analysis,inches)%20for%20an%20erect%20one., Accessed July 21 2020

Is Your Penis Normal? – Health Essentials from Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/is-your-penis-normal/, Accessed July 21 2020

Micropenis: Symptoms, Causes, Treatments, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17955-micropenis, Accessed July 21 2020

Penis-enlargement products: Do they work? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/sexual-health/in-depth/penis/art-20045363#:~:text=The%20most%20widely%20used%20surgical,more%20of%20it%20hangs%20down., Accessed July 21 2020

Women’s Preferences for Penis Size: A New Research Method Using Selection among 3D Models, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4558040/, Accessed July 21 2020

Kasalukuyang Version

03/20/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bakit Mahalaga Ang Sex Sa Babae? Alamin Dito Ang Dahilan

Gaano Kadalas Dapat Mag-Sex? Alamin Dito Ang Kasagutan


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement