backup og meta

UTI sa Lalaki, Ano ang Maaaring Maging Sanhi?

UTI sa Lalaki, Ano ang Maaaring Maging Sanhi?

Ang urinary tract infection (UTI) ay sanhi ng pagdami ng bacteria sa urinary system na nagkokompromiso sa mga bato, ureters, pantog, at urethra. Ang UTI ay mas karaniwan sa pantog at urethra, ang tract na nagde-drain ng ihi palabas sa katawan mula sa pantog. At bilang karaniwan ito sa mga babae, ang UTI sa lalaki ay posible rin.

Ang bacteria na pumapasok sa urinary system ay normal basta’t ito ay lumalabas sa ating katawan kasama ng ihi. Ang medikal na kondisyon na ito ay nangyayari kung ang bacteria ay hindi nawala at nanatili sa urinary tract. Kadalasan na hindi makikita ang UTI sa lalaki kumpara sa mga babae. Nasa 3% ng mga lalaki ang apektado nito sa buong mundo. Gayunpaman, kung ito ay mangyari, ito ay karaniwang seryosong medikal na kondisyon na karaniwang kumakalat sa mga bato at itaas na bahagi ng urinary tract. Sa mga malalang kaso, kinakailangan ng operasyon.

Mga Uri ng Urinary Tract Infection (UTI)

Ang UTI ay maaaring iuri sa dalawang kategorya depende sa lokasyon ng impeksyon sa urinary system. Nasa ibaba ang mga ito:

Lower tract infections

Ito ay sanhi ng intestinal bacteria, ang uri ng UTI na nakaaapekto sa pantog, urethra, o prostate. Ang impeksyon sa pantog at urethra ay tinatawag na cystitis at urethritis.

Sa ganitong uri ng urinary tract infection, ang bacteria ay papasukin ang urinary tract mula sa ibaba at kakalat mula sa balat papuntang urethra at dahan-dahan sa pantog. Ang urethritis ay maaaring mangyari bilang resulta ng microorganisms na ipinapasa sa pamamagitan ng sexual contact kung ang isang tao ay mayroong chlamydia o gonorrhea.

Upper tract infections

Ang bacteria ay maaaring kumalat at manatili sa itaas na organs ng urinary tract tulad ng ureter. Sa kabilang banda, ang bacteria sa mga bato ay maaaring maiwan kabilang sa pagdaloy ng dugo na naisu-supply sa mga bato.

Sintomas ng UTI sa lalaki

Ang mga sintomas ng medikal na kondisyon na ito ay hindi palaging makikita. Kung mapansin man ito, narito ang mga sintomas na dapat na bantayan:

  • Dalas sa pag-ihi
  • Biglaan at hindi kontroladong pagnanais na umihi
  • Hirap na magsimulang umihi
  • Sakit, o hapdi habang umiihi
  • Tumatagas na ihi
  • Madalas kaysa sa karaniwan na pag-ihi
  • Sakit sa gitnang ibaba ng tiyan
  • Nahihintong daloy ng ihi kahit na hindi kontrolado ang pag-ihi
  • Dugo sa ihi
  • Ihi na may amoy

Ang mga sintomas ng komplikasyon sa urinary tract infection ay tumutukoy na ang bacteria ay kumakalat sa upper urinary tract tulad ng mga bato. Ang mga sintomas na ito ay ang mga sumusunod:

  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Chills
  • Lagnat
  • Sakit sa bandang likod ng balakang

Mga Banta ng UTI sa lalaki

Nasa ibaba ang mga banta o risk ng pagkakaroon ng nasabing medikal na kondisyon:

  • Matandang edad
  • Nakaraang pagkakaroon ng UTI
  • Hindi kayang kontrolin ang pag-ihi, isang kondisyon na tinatawag na incontinence
  • Paggamit ng urinary catheter o self-catheterization
  • Hindi natuli
  • Diabetes
  • Obesity
  • Ibang urinary tract na kondisyon tulad ng constriction, hindi kayang ubusin ang laman ng pantog ng lubusan, mga bato sa kidney, at iba pa

Paano i-diagnose ang UTI sa lalaki?

Nasa ibaba ang mga karaniwang diagnostic na pamamaraan na isinasagawa:

Pisikal na eksaminasyon

Maaaring suriin ka ng doktor sa pisikal na aspekto sa pamamagitan ng pagpisil ng likod, sa may bandang tagiliran ng balakang, na siyang lokasyon ng mga bato sa likod, base sa iyong mga sintomas. Matutukoy nila kung ikaw ay nakararamdam ng sakit sa partikular na bahagi ng urinary tract.

Medikal na pagsusuri

Base sa kanilang pagsusuri sa pisikal na eksaminasyon, maaari silang magrekomenda ng mga medikal na pagsusuri upang i-diagnose ang sanhi ng iyong kondisyon sa kalusugan.

Lunas ng UTI sa lalaki

Ang mga sumusunod ay lunas na karaniwang ipinapayo para sa medikal na kondisyon na ito:

Lunas para sa bacterial infection sa lower urinary tract

Maaaring ireseta ang antibiotics base sa resulta ng iyong urine test. Ang impeksyon sa lower tract na hindi komplikado ay karaniwang ginagamot sa pamamagitan ng antibiotics sa loob ng 5 hanggang 7 mga araw.

Matapos makompleto ang gamutang ito, maaaring payuhan ka ng doktor na muling makuha ang sample ng ihi upang matukoy kung mayroon pang bacterial infection sa ihi, ngunit kadalsan kung nalulunas ang sintomas ay hindi na pinapaulit or pinapagawa ito. Kung magtuloy o lumala ang sintomas matapos ang 48 hanggang 72 na oras na inuman ng antibiotics ay maaaring pagawan ka ng doctor ng urine culture bukod sa naunang urinalysis. Kapag may pagtutuloy at pagbabalik ng sintomas matapos makumpleto ang inuman ng antibiotics, maaring masuri na rin na magkaroon ng prostatitis.

Lunas para sa bacterial infection sa upper urinary tract

Para sa mga malalang kaso ng urinary tract infection ng mga bato, maaari kang ma-ospital. Ang karaniwang gamutan ay antibiotics na idinadaan sa ugat sa pamamagitan ng intravenous catheter. Akma sa mga may sintomas ng pagkahilo, pagsusuka, at lagnat (mayroon o walang chills) ang lunas na ito. Ang mga sintomas na ito ay nagpapataas ng banta ng dehydration at hindi ipinapayo ang reseta ng oral antibiotics na gamot.

Pag-iwas sa UTI sa lalaki

Ilan sa mga pinaka inirerekomendang gawin para sa medikal na kondisyon na ito ay:

  • Walang dapat na kapalit sa pag-inom ng tubig sa regular na pagitan upang makontrol ang banta ng urinary tract infection. Ang pagkonsumo ng tubig at iba pang fluids kahit na mayroon kang bacterial infection sa urinary tract ay inirerekomenda. Gayunpaman, ang fluids na ito ay hindi tumutukoy sa diuretics tulad ng tsaa at kape, juices ng maaasim na prutas, at alcohol. 
  • Siguraduhin na umihi matapos makipagtalik upang maalis ang bacteria na maaaring makapasok sa urinary tract matapos maipasok ito ng iyong partner habang nakikipagtalik.
  • Umihi kung nakaramdam agad na naiihi. Ang hindi pag-ihi kung kinakailangan ay nagpapataas ng banta ng impeksyon sa urinary tract. Maaari itong maging sanhi ng mas maraming iritasyon sa pantog at maaaring lumala ang medikal na kondisyon. Higpitan ang muscles ng iyong pantog at panatilihing naiipit ito sa loob ng 5 segundo na mukhang pinananatili mo ang iyong ihi. Sunod, i-relax ang iyong muscles sa loob ng 5 segundo at ulitin ang parehong hakbang ng 10 segundo. Ulitin ito ng 15 na beses upang makompleto ang unang hakbang. Gawin ng 3 sets ito o mas marami pa gaya ng inirekomenda ng doktor.
  • I-exercise ang iyong pelvic muscles upang makatulong sa proseso ng pag-ihi nang hindi masakit o anumang komplikasyon.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Lalaki rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Everything You Should Know About Urinary Tract Infections (UTIs) in Men https://www.healthline.com/health/mens-health/uti-in-men Accessed on 27/04/2020

All you need to know about UTIs in men https://www.medicalnewstoday.com/articles/320872 Accessed on 27/04/2020

Men and urinary tract infections https://www.health.harvard.edu/mens-health/men-and-urinary-tract-infections Accessed on 27/04/2020

Urinary Tract Infection in Men https://www.health.harvard.edu/a_to_z/urinary-tract-infection-in-men-a-to-z Accessed on 27/04/2020

Urinary Tract Infection (UTI) in Males https://emedicine.medscape.com/article/231574-overview Accessed on 27/04/2020

Urinary Tract Infection in Men https://www.drugs.com/cg/urinary-tract-infection-in-men.html Accessed on 27/04/2020

Urinary Tract Infection (UTI) in Males Treatment & Management https://emedicine.medscape.com/article/231574-treatment Accessed on 27/04/2020

Recent advances in recurrent urinary tract infection from pathogenesis and biomarkers to prevention / https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5615991/ Accessed on 06/08/2020

Kasalukuyang Version

09/26/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hernia: Ano Ito at Ang Minimally Invasive Robotic Hernia Repair Surgery

3 Benepisyo ng Pag-ahit ng Balbas, Ayon Sa Mga Doktor


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement