backup og meta

Bakit Hindi Gumagaling ang Bacterial Vaginosis sa Treatment?

Bakit Hindi Gumagaling ang Bacterial Vaginosis sa Treatment?

Kalahati ng mga kababaihan na nakakaranas ng bacterial vaginosis (BV) ay walang mga sintomas. Pero para sa mga nakaranas nito, maaari nilang mapansin ang malakas na amoy at manipis na discolored discharge. Karamihan ng mga kaso, ang BV ay madaling gumagaling sa mga antibiotic na inireseta ng doktor. Kung sa tingin mo ay mayroon kang hindi gumagaling na bacterial vaginosis, huwag mag-panic.

Ayon sa mga eksperto, karaniwan na umuulit ang bacterial vaginosis, lalo na kung mayroon kang mga sumusunod na habits: 

Hindi Gumagaling na Bacterial Vaginosis: 6 na Habits

Regular kang gumagamit ng feminine wash

Nangyayari ang BV kapag may sobrang pagdami ng partikular na uri ng bacterya na natural na lumalabas sa ari. Kaya, karaniwan, anumang bagay na nakakaistorbo sa balanse ng bakterya sa genital area ng babae ay maaaring humantong sa paulit-ulit at hindi gumagaling na bacterial vaginosis.

Ang isang dahilan na maaaring humantong sa pagkaantala ay ang paggamit ng feminine wash. Ayon sa karamihan sa advertisements, ay nakakatulong sa iyong “pakiramdam na fresh at malinis” doon.

Binibigyang-diin ng mga medical experts na self-cleaning organ ang vagina. Kaya hindi kailangang mag-douche o gumamit ng feminine wash lalo na ang mga may pabango. Maaaring makairita sa balat o maging sanhi ng imbalance sa bacterial environment.

Kung may hindi gumagaling na bacterial vaginosis, pinakamahusay na itigil ang paggamit ng feminine wash. Sa halip, hugasan ang labas ng ari ng maligamgam na tubig.

Nakasanayan mong magsuot ng masikip na pantalon o nylon undergarments

Kung ang BV ay hindi gumagaling sa paggamot, i-check ang underwear at pantalon mo. 

Ayon sa mga doktor, ang masikip na pantalon at nylon undergarments ay maaaring humarang sa daloy ng hangin sa genital area at magdulot ng pagdami ng bakterya. Ito ay humahantong sa paulit-ulit o lumalalang BV. 

Dagdag pa rito, ang mga ganitong uri ng damit ay maaaring magresulta sa pagpapawis, isa pang kilalang kontribyutor sa bacterial vaginosis.

Sa halip na masikip na pantalon at nylon undergarments, pumili ng maluwag na pang-ibaba at breathable cotton underwear.

Nakipag-sex ka habang ginagamot ka pa

Sa ilang mga kaso, ang pakikipagtalik habang may bacterial vaginosis ka pa ang dahilan kung bakit hindi nagre-respond ang BV sa mga antibiotic. At kahit na ang bacterial vaginosis ay hindi isang STD, ang pagkakaroon ng multiple sexual partners ay nagpapataas ng mga pagkakataon na magkaroon ng kondisyon.

Sinasabi ng mga eksperto na ang pakikipagtalik ay pwedeng makaapekto sa vaginal pH levels. Ito ay maaaring mag-promote ng pagdami ng bakterya. Ang kanilang payo ay pigilin ang pakikipagtalik hanggang sa matapos mo ang antibiotic therapy, at mawala ang mga sintomas. 

Kung gusto mong mapanatili ang intimacy, tingnan ang iba pang uri ng sexual activities.

Huminto ka sa pag-inom ng iyong mga gamot

Kapag binigyan ka ng iyong doktor ng antibiotic cream o pills, kailangan mong mag-apply o uminom ng gamot ayon sa inireseta.

Kaya, kung ang doktor ay nagsabi ng dalawang beses sa isang araw sa loob ng 7 araw, mahigpit na sundin ang utos kahit na ang iyong mga sintomas ay nawala pagkatapos lamang ng 3 o 4 na araw ng paggamot.

Ayon sa mga doktor, ang paghinto ng iyong mga gamot nang masyadong maaga ay maaaring humantong sa pag-ulit ng BV.

Bukod dito, ang paghinto ng antibiotic nang maaga ay maaaring magresulta sa antibiotic resistance. Ibig sabihin kapag umulit ang iyong bacterial vaginosis, maaaring hindi nag-respond nang maayos sa naunang antibiotic.

Nakalimutan mong linisin ang iyong sex toys

Kung sakaling mawala ang iyong impeksyon, at pagkatapos ay mapansin mong patuloy itong bumabalik, tingnan ang sex toys mo.  

Kapag ang sex toys mo ay hindi malinis, maaari itong pagmulan ng bakterya sa vagina na magreresulta sa hindi gumagaling na bacterial vaginosis. 

Huwag kalimutang linisin ang sex toys bago at pagkatapos gamitin. Syempre, maghintay hanggang na bumuti na ang kondisyon mo bago ang muling pakikipagtalik.

Masyado kang nakadepende sa mga home remedy

Kapag napansin mo na ang mga sintomas ng bacterial vaginosis, kailangan komunsulta ka sa iyong doktor para mabigyan ka niya ng naaangkop na antibiotic treatment.

Ang labis na pag-depende sa mga home remedy, tulad ng pag-iwas sa pakikipagtalik, pagsusuot ng cotton underwear, at pag-inom ng probiotics ay hindi makakapag-alis ng kasalukuyang impeksyon.

Higit pa rito, kapag hindi angkop ang antibiotic, maaaring hindi gumaling ang bacterial vaginosis sa paggamot at mauwi sa komplikasyon. Ito ay tulad ng pelvic issues, mas mataas na panganib sa impeksyon, at miscarriage o preterm birth sa mga buntis.

Key Takeaways

Mayroon ka bang hindi gumagaling na bacterial vaginosis? Kung ito ay nauulit, balikan ang ilang aspeto ng pamumuhay.  
Tandaan: kausapin ang iyong doktor at huwag umasa lamang sa mga home remedy.
Panghuli, tiyakin na inaalagaan mong mabuti ang iyong feminine area. Huwag mag-douche o gumamit ng mabangong mga produkto, linisin ang iyong sex toys at piliin ang cotton underwear.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bacterial vaginosis
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bacterial-vaginosis/diagnosis-treatment/drc-20352285
Accessed December 9, 2020

Bacterial Vaginosis
https://www.rchsd.org/health-articles/bacterial-vaginosis/
Accessed December 9, 2020

Recurrent Bacterial Vaginosis
https://www.bcm.edu/healthcare/specialties/womens-health-maternity/obgyn-conditions/recurrent-bacterial-vaginosis
Accessed December 9, 2020

Bacterial vaginosis
https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/bacterial-vaginosis
Accessed December 9, 2020

Managing recurrent bacterial vaginosis
https://sti.bmj.com/content/80/1/8
Accessed December 9, 2020

Kasalukuyang Version

11/17/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Bacterial Vaginosis o Yeast Infection: Ano ang Pinagkaiba nilang Dalawa?

Hindi Magandang Amoy Ng Vagina Na Ayaw Mawala: Heto Ang Dapat Gawin


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement