backup og meta

Sintomas Ng May Problema Sa Matres, Alamin Dito

Sintomas Ng May Problema Sa Matres, Alamin Dito

Madalas talakayin ang ang kalusugan ng kababaihan, partikular na ang mga kondisyon sa reproductive system. At bahagi ng naturang body system ang matres na siyang nagsisilbing tahanan kung saan lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng isang ina. Kung kaya, marami ang nangangamba sa posibilidad ng pagkakaroon ng mga problema rito. Anu-ano nga ba ang mga sintomas ng may problema sa matres? Ating alamin sa artikulong ito. 

Isa sa mga unang sintomas ng may problema sa matres ay ang pagdurugo sa pagitan ng pagkakaroon ng regla o pagkatapos ng pakikipagtalik. Maaaring kabilang sa mga sanhi ang mga hormone, mga problema sa thyroid, fibroids, polyp, cancer, impeksyon, o pagbubuntis. Sa seksyong ito, ating tatalakayin at ilalahad ang mga posibleng senyales at sintomas sa uterine fibroids. 

Ano Ang Uterine Fibroids?

Bago tayo tumungo sa mga sintomas, atin munang bigyang depinisyon kung ano ang uterine fibroids. 

Ang uterine fibroids ay tumutukoy sa pinakakaraniwang noncancerous tumors sa mga kababaihan sa panahon ng panganganak. Ito ay kilala rin bilang leiomyomas o myomas. Ang mga fibroids ay gawa sa mga muscle cells at ibang mga tissue na tumutubo sa loob at paligid ng matres o sinapupunan, kung tawagin. 

Mayroong iba’t ibang laki ng mga fibroids. Ito ay maaaring maging sinlaki na mga punla, na hindi nakikita ng mata ng tao, hanggang sa malalaking mga masa na maaaring makasira at magpalaki ng matres. Posible kang magkaroon ng isa lamang o maramihang mga fibroid sa matres. Sa mga matinding kaso, labis ang paglaki at paglawak ng matres na umaabot sa rib cage at maaaring maging dahilan ng pagtaas ng timbang.

Karamihan sa mga kababaihan ay maaaring magkaroon ng uterine fibroids. Subalit, maaaring hindi mo ito agarang malalaman sapagkat kadalasang hindi basta-basta napapansin ang mga sintomas ng may problema sa matres. Maaaring matuklasan mo lamang ito kapag nagsagawa ng pelvic exam o prenatal ultrasound ang iyong doktor. 

Mga Sintomas Ng May Problema Sa Matres

Marami ang maaaring makaranas ng uterine fibroid na walang anumang mga sintomas. Ngunit sa mga babaeng mayroon, ang mga sintomas ay maaaring maimpluwensyahan ng lokasyon, laki, at bilang ng fibroids. Sa seksyong ito, iisa-isahin natin ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng may problema sa matres. 

Heavy Vaginal Bleeding

Ang malakas na pagdurugo ay karaniwang sintomas ng may problema sa matres. Kadalasan, pakiramdam ng mga babae ay nababad ang kanilang regla sa napkin sa loob ng wala pang isang oras. Bilang karagdagan, nararamdaman nila ang pamumuo ng dugo na para bang hindi sila makalabas dahil sa kalakasan nito. Dahil dito, ang ilan ay nagkakaroon din ng anemia o pagbaba ng dugo. 

Pelvic Discomfort At Pain

Ang mga babaeng may malalaking fibroid ay maaaring makaramdam ng bigat o presyon sa  ibaba ng kanilang tiyan o pelvis. Minsan, ang paglaki ng matres ay nagpapahirap sa paghiga nang nakaharap, yumuko, o mag-ehersisyo. 

Bukod sa karamdaman ng paghihirap, ang isang hindi gaanong karaniwang sintomas ng may problema sa matres ay ang talamak at matinding pananakit. Ito ay nangyayari kapag ang isang fibroid ay dumaan sa isang proseso na tinatawag na degeneration. Karaniwan, nasa iisang partikular na bahagi lamang ang sakit at kalaunang bumubuti ito.

Pangangailang Umihi Nang Madalas

Ang pinakakaraniwang sintomas ng problema sa pantog ay ang pangangailangang madalas na umihi. Maaari kang magising ng ilang beses sa gabi upang umihi. Paminsan-minsan, hindi maiihi ang mga babae sa kabila ng puno ng pantog. Ito ay maaaring sanhi ng pagdiin ng fibroid sa pantog. Binabawasan nito ang kapasidad upang mapigil o maharang ang pag-agos ng ihi. Ang iba ay maaari rin namang makaranas ng kahirapan sa pagtanggal ng laman ng pantog. 

Pananakit Ng Likod

Bagaman bihira, maaaring maaapektuhan ang mga muscles at nerves sa likod sa pagdiin ng mga fibroids. Ito ang maaaring maging sanhi ng pananakit. Dahil karaniwang sintomas ng iba’t ibang mga kondisyon ang pananakit ng likod, nararapat na matukoy ang sanhi ng pananakit bago ito iugnay sa uterine fibroids.

Pananakit Habang Nakikipagtalik

Maaaring maging masakit o hindi komportable ang pakikipagtalik kapag mayroon kang fibroids. Gayunpaman, ito ay maaaring mangyari lamang sa mga partikular na posisyon o kung minsan sa panahon ng pagreregla. 

Kabilang din sa listahan ng mga sintomas ng may problema sa matres ang mga sumusunod:

Ang mga naturang sintomas ay karaniwang nagtatagal o nawawala pagkatapos mong dumaan sa menopause. Ito ay marahil bumababa ang mga antas ng hormone sa loob ng iyong katawan.

Key Takeaways

Maaaring mabagal ang pagkakaroon ng mga sintomas sa paglipas ng ilang taon. Ngunit, maaari rin namang mabilis sa loob ng ilang buwan. Karamihan sa mga babaeng may fibroid ay may walang anumang sintomas. Kung mayroon man, ito ay kadalasang mild lamang at hindi kinakailangan ng paggamot. Subalit, ang ilan ay nakararanas ng ilang mga sintomas at problema dahil dito. Kung kaya, mainam ang regular na check-up sa iyong doktor upang maiwasan ang paglaganap nito. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Uterine Fibroids dito.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fibroids Signs and Symptoms, https://www.ucsfhealth.org/conditions/fibroids/symptoms July 8, 2022

Symptoms, https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/womens-health/uterine-fibroids/symptoms.html  Accessed July 8, 2022

Uterine Diseases, https://medlineplus.gov/uterinediseases.html Accessed July 8, 2022

Uterine Fibroids, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9130-uterine-fibroids Accessed July 8, 2022

Uterine Fibroids, https://www.acog.org/womens-health/faqs/uterine-fibroids Accessed July 8, 2022

Uterine fibroids, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/uterine-fibroids/symptoms-causes/syc-20354288 Accessed July 8, 2022

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

UTI Pagkatapos Magsex, Paano Nga Ba Ito Nangyayari?

Sanhi Ng Uterine Fibroid, Alamin Dito Ang Mga Ito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement