backup og meta

Nakababaog Ba Ang Myoma? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Nakababaog Ba Ang Myoma? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ang uterine fibroids o myomas ay benign na tumors na nagde-develop sa uterus ng mga babae habang nasa kanilang reproductive na taon. Bagaman ito ay maaaring ma-develop sa karamihan ng mga babae, hindi lahat ng mayroon nito ay magpapakita ng sintomas. Ang fibroids ay non-cancerous tumors at hindi kadalasang sanhi ng alarma. Gayunpaman, marami pa ring mga babae ang nag-iisip: nakababaog ba ang myoma?

Nakababaog Ba Ang Myoma?

Nakababaog ba ang myoma? Oo at hindi. Ayon sa pag-aaral, may fibroids sa nasa 5 hanggang 10 porsyento ng mga baog na babae. Gayunpaman, nagpakita ang mga test na 1 hanggang 2.4 na porsyento ng mga babaeng baog ay may seryosong fibroids o myomas na pinipigilan sila na magbuntis.

Habang may klinikal na ebidensya upang suportahan ang pahayag na ang myoma ay kaugnay ng pagkabaog, ang mga mananaliksik ay hindi pa nakukumpirma ang direktang kuneksyon sa pagitan ng dalawa.

Mahalaga na bigyang-diin na may fibroids ang karamihan ng mga babae, at karamihan ng mga babaeng ito ay baog. Maraming mga babae na may myomas ay naging matagumpay sa pagbubuntis. Kung may problema ka sa sa pagbubuntis dahil sa myomas, may mga lunas na maaaring makatanggal ng tumors upang matagumpay na magbuntis.

Ano Ang Iba’t Ibang Uri Ng Fibroids?

May epekto ang fibroids sa fertility sa pamamagitan ng lokasyon ng paglaki nito na salungat sa laki o dami. May tatlong pangunahing uri:

Subserosal fibroids. Ang mga ito ay benign na tumors na hindi nakaapekto na magbuntis ang babae. Kadalasan ito nakausli palabas mula sa labas ng uterus. Ang subserosal fibroids ay maaaring direktang umusli mula sa labas ng lining ng uterus o maaaring lumaki na tangkay o peduncle (pedunculated fibroids) upang ilagay o itanim ang sarili nito. Maaari din silang lumaki at maglagay ng pressure sa ibang katabing organs tulad ng pantog at bowels. Ang pagtanggal ng subserosal fibroids ay posible sa pamamagitan ng myomectomy (kung ito man ay laparoscopy o laparotomy)

Intramural fibroids. Ang uri ng myoma na ito ay lumalaki sa parte ng muscle ng uterus. Ayon sa pag-aaral, ang intramural fibroids ay maaaring makaapekto sa fertility at maaaring mapataas ang banta ng mga babae na makunan. Ang pagtanggal ng tumor/s ay posible sa myomectomy, surgical na pamamaraan na nakatatanggal ng tumor ngunit pinananatiling intact ang uterus. Gayunpaman, ang matagumpay na myectomy ay walang garantiya na ang pasyente ay maaaring mabuntis.

Submucosal fibroids. Ang submucosal fibroids ay ang pinaka madalang na uri ng uterine fibroids na maaaring mag-develop sa mga babae na maaaring mabuntis. Lumalaki ito sa loob na layer ng uterus, kaya’t nagiging imposible ang implantation. Sa lahat ng tatlong uri ng uterine fibroids, ang mga babaeng may submucosal fibroids ay mas may banta na mabaog at makunan. Kahit na ang submucosal fibroids ay benign tumors, maaari pa rin itong maging sanhi ng komplikasyon tulad ng malakas na pagreregla, frequent passing of clots, at anemia.

Lunas Sa Submucosal Fibroids

Ang pinaka mainam na paraan upang malunasan ang submucosal fibroids ay sumailalim sa hysteroscopic myomectomy, na procedure kung saan magpapasok ang doktor ng hysteroscope sa loob ng ari papuntang uterus upang makita at matanggal ang fibroids. Ang pagtanggal ng submucosal fibroids ay nagreresulta sa pagpapabuti ng sintomas ng fibroids tulad ng malakas na pagdurugo at sakit sa pelvic area.

Paano Nagiging Sanhi Ng Pagkabaog Ang Uterine Fibroids?

Maliban sa pagharang ng daan ng sperm at ng fertilized egg, may ibang mga salik din na nakaaapekto sa kung paano nagiging sanhi ng pagkabaog ang fibroids:

  • Ang ilang fibroids ay maaaring lumaki na nababago nito ang laki at hugis ng uterus at cervix, na nagiging resulta sa mga sperm na hirap makadaan.
  • Maaaring makaharang ang fibroids sa fallopian tube, na nakahahadlang sa fertilization.
  • Ang paglaki ng fibroids sa uterine cavity ay maaaring magresulta sa deformation, na nagpapahirap sa implantation.
  • Nagpapahina at nakapipinsala rin sa daloy ng dugo ng sub-endometrial artery ang fibroids sa uterine cavity. Nagreresulta ito sa embryo na mahirapan na itanim ang kanyang sarili sa uterine wall.

Nakababaog ba ang myoma? Minsan oo, minsan hindi. Tatalakayin natin dito ang iba't ibang uri ng uterine fibroids o myomas at kung anong gagawin tungkol dito.

Maiiwasan Ba o Ma-Manage Ang Uterine Fibroids?

Ang mga paraan upang maiwasan ang paglaki ng uterine fibroids ay hindi pa rin alam. Gayunpaman, ang mga lunas ay available kung nais mong tanggalin ang mga tumor. May mga paraan din upang mabawasan ang mga tiyak na sintomas ng fibroids, kabilang ang:

  • Pagkakaroon at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay.
  • Pagkain ng mga masustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay.
  • Pagpapanatili ng malusog na timbang at pagpapanatili na aktibo.
  • Maayos na pagma-manage ng stress.

Key Takeaways

Nakababaog ba ang myoma? Marami pang mga impormasyon tungkol sa uterine fibroids ang hindi pa nadidiskubre ng mga mananaliksik. Kaya’t sa ngayon, ang pinaka mainam na aksyon ay magpatingin ng regular sa doktor. Ang pagsasagawa nito ay makatutulong kung dapat mo bang tanggalin ang mga ito. Lalo na kung ikaw ay nagpaplano na magkaroon ng anak sa hinaharap. Siguraduhin na konsulathin ang iyong doktor at magtanong ng ibang opsyon na magpapataas ng tsansa na maging nanay.

Matuto pa tungkol sa Uterine Fibroids dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fibroids, Infertility, and Laparoscopic Myomectomy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3304294/, Accessed October 1, 2020

Fibroids and Infertility, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4859843/, Accessed October 1, 2020

Fibroids and Fertility, https://www.reproductivefacts.org/news-and-publications/patient-fact-sheets-and-booklets/documents/fact-sheets-and-info-booklets/fibroids-and-fertility/, Accessed October 1, 2020

Uterine Fibroids, Infertility and Getting Pregnant, https://www.stamfordhealth.org/healthflash-blog/womens-health/uterine-fibroids-fertility-pregnancy/, Accessed October 1, 2020

What are Fibroids? https://www.uclahealth.org/fibroids/what-are-fibroids, Accessed October 1, 2020

Uterine Fibroids, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/uterine-fibroids/symptoms-causes/syc-20354288, Accessed October 1, 2020

Kasalukuyang Version

12/24/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Totoo bang Nakaka-cancer ang Myoma?

Myoma Ng Buntis: Mga Posibleng Komplikasyon


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement