backup og meta

Sanhi ng Irregular na Mens, Anu-ano nga ba?

Sanhi ng Irregular na Mens, Anu-ano nga ba?

Ang menstruation o period ay natural na nangyayari sa oras na maabot ng isang babae ang partikular na edad, kadalasang nasa 12 taong gulang. 28 araw +/- 7 araw ang average na menstrual cycle at nagkakaiba-iba ito sa bawat babae. Sa kabilang banda, may mga babaeng nakararanas ng irregular na mens. Ang mga sanhi ng irregular na mens ay hormonal changes, kondisyon ng kalusugan,  at marami pang iba. Alamin natin kung ano ang mga ito. 

sanhi ng irregular na mens

Ano ang irregular na menstruation?

Kung hindi magbubuntis, ang iyong period ang natural na paraan ng iyong katawan upang tanggalin ang makapal na lining ng iyong matris dulot ng pagbabago sa hormones.  

May irregular na mens ang isang babae kung hindi pare-pareho ang kanyang menstrual cycles sa loob ng nakalipas na anim na buwan. Kung tila magsisimula nang maaga, masyadong huli, o masyadong paiba-iba ang iyong menstrual cycle, maaaring may irregular na mens ka.

Kadalasang mas maikli pa sa 21 araw at mas mahaba sa 38 na araw ang irregular na menstruation. Karaniwan ang irregular na menstruation sa mga babaeng unang beses pa lang na nagkaroon ng period at sa mga nakararanas ng perimenopause. 

Ano ang mga sanhi ng irregular na mens?

Ang mga sanhi ng irregular na mens ay mula sa moderate hanggang severe. 

Kabilang sa mga sanhi ng irregular na mens ang:

Stress

Kapag stress ka, naglalabas ang iyong katawan ng stress hormone na kilala sa tawag na cortisol na puwedeng makaapekto sa levels ng iba pang hormones gaya ng estrogen at progesterone. 

Nagdudulot ng abnormalities sa iyong menstrual cycle ang mga pagbabago sa iyong hormones tulad ng kulay ng iyong menstrual blood, dami ng dugong lumalabas, at ang consistency ng iyong bleeding patterns.  

Perimenopause

Puwedeng makaranas ng biglaang pagbabago sa kanilang menstrual cycle ang mga babaeng dumaraan sa perimenopause dahil nagiging paiba-iba ang kanilang estrogen at progesterone hormones.

Kung nagkaroon ng normal na menstrual cycle ang isang babae bago ang perimenopause, mas magiging kapansin-pansin ang mga pagbabagong ito. 

Postpartum

Pagkatapos manganak, hindi agad babalik sa normal ang iyong menstrual cycle. Normal lang talaga ang irregular na period sa postpartum at bahagi ito ng pag-a-adjust ng iyong katawan na makabalik sa pre-pregnancy state.  

Breastfeeding

Kung kasalukuyan kang nagpapasuso, maaaring mapansing hindi pa bumabalik ang iyong period sa normal o talagang wala pa. Nangyayari ito dahil sa hormone na gumagawa ng gatas na kilala sa tawag na prolactin.

Hinaharang ng prolactin ang iyong katawan na makapag-ovulate at pinahihinto o binabago ang iyong menstrual cycle. Hindi ka dapat mag-alala dahil mas magiging consistent na ang iyong period pagkatapos mong huminto sa pagpapasuso. 

Hormonal birth control

Ang function ng hormonal birth control ay pigilan ang ovulation upang hindi magbuntis. Gayunpaman, gayunpaman, maaaring makagulo sa iyong menstrual cycle ang ganitong klase ng birth control kung pabago-bago ng pag-inom (iba-iba ng oras sa bawat araw), lalo na kung hindi ka nakainom ng ilang doses. 

May ilang mga babaeng maaaring makaranas ng mga pagbabago sa dami ng kanilang menstrual blood, at mayroon namang nakararanas ng pabago-bagong bleeding patterns. 

Polycystic ovarian syndrome (PCOS)

PCOS ang isa sa mga pangunahing sanhi ng irregular na mens sa mga babae. 

Ang PCOS ay isang kondisyong resulta ng hormonal imbalance, na sanhi ng hindi pag-ma-mature ng mga itlog sa ovaries. Nagreresulta sa anovulation ang disruption o pagkagambala sa normal na levels ng estrogen at progesterone. 

Primary Ovarian Insufficiency (POI)

Nakikita ang kondisyong ito sa mga babaeng wala pang 40 taong gulang kung saan humihinto ang pag-function ng kanilang ovaries. May maaga silang transition sa menopause. Ang mga babaeng nakararanas ng ganitong kondisyon ay maaaring hindi magkaroon ng period sa loob ng ilang taon at maaaring magkaroon lang randomly. 

Pelvic inflammatory disease (PID)

Puwedeng sintomas ang irregular na menstruation ng PID – isang bacterial infection sa reproductive system ng babae na karaniwang nagmumula sa sexually transmitted diseases. 

Puwede ring makakuha ang babae ng PID sa pamamagitan ng panganganak, at iba pang procedures na ginagawa sa reproductive system. 

Endometriosis

Ang mga babaeng nakararanas ng endometriosis ay madalas makaramdam ng matinding sakit kapag may period. 

Resulta ang disorder na ito ng lumalaking endometrial tissue sa labas ng uterus. Maaaring magdulot ng mas maikling interval sa menstrual cycles at abnormal na sobrang pagdurugo ang endometriosis.

Thyroid disease

Puwedeng makaapekto ang mataas at mababang level ng thyroid hormones sa menstrual cycle ng isang babae. Ang levels ng iyong thyroid hormones ay kayang gawing mahina, matindi, at pabago-bago ang iyong menstrual flow. 

Maaaring mapahinto ng thyroid disease ang iyong menstrual cycle sa loob ng ilang buwan o mga taon, at puwedeng magpahirap sa babae na mabuntis. 

Asherman’s syndrome

Nangyayari ang kondisyong ito sa uterine kapag nagkaroon ng scar tissues sa loob ng uterus o cervix. Karaniwang nangyayari ito sa may history ng instrumentation gaya ng curettage. Nagdudulot ng madalang na menstruation ang Asherman’s syndrome na puwedeng maging sobrang sakit minsan. 

Eating disorders

Ang irregular na period ay puwedeng indikasyon ng eating disorder sa babae. (kadalasang anorexia nervosa).

Gayunpaman, puwedeng mauwi sa missed periods ang eating disorders gaya ng bulimia nervosa at binge eating. 

Hindi Ginagamot na Diabetes

Kapag napabayaan ang diabetes, puwede itong magdulot ng irregular na menstrual cycle at matinding menstrual flow. Ngunit puwedeng bumalik sa normal ang iyong period sa oras na makontrol na ang iyong diabetes. 

Obesity

Kung obese ang isang babae, mas malaki ang tsansa na mawalan o magkaroon siya ng irregular period.

Kapag sobra ang iyong timbang, lumilikha ang iyong katawan ng mas maraming estrogen na nakatutulong upang ma-regulate ang reproductive system ng mga babae. Ngunit ang mataas na level ng estrogen ay madalas na nagiging sanhi ng mga pagbabago sa iyong menstrual cycle.  

Mga Gamutan

Puwedeng maging sanhi ng inconsistencies sa period ng babae ang anti-epileptics at antipsychotic drugs.

Kailan Ka Dapat Magpunta sa Doktor

Kung nagkaroon ka na ng normal na menstrual cycle mula pa noong una mo pang period, ngunit bigla na lang naging irregular, pinakamainam na kumonsulta agad sa isang OB-Gyne. 

Makatutulong ang pagkonsulta sa doktor upang malaman kung ano ang mga posibleng sahi ng irregular menstruation na kasalukuyan mong nararanasan.

Makatutulong ito sa iyo at sa iyong doktor upang makahanap ng pinakamabuting paraan upang matugunan ang iyong sitwasyon.  

Key Takeaways

Ang mga sanhi ng irregular na mens ay puwedeng magkaiba-iba para sa bawat babae. Kaya naman, hindi ipinapayo ang mag-self-diagnosis. Kapag nalaman mo ang sanhi ng iyong menstrual irregularities, mas magiging madali na para sa iyo na maiwasan ang paglala nito. 
Sa oras na magbigay ang iyong doktor ng treatments at mga gamot na kailangan mong inumin, tiyaking magagawa mo ito upang makuha ang mga benepisyo nito. 

Matuto pa tungkol sa Women’s Health Issues, dito

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Abnormal Menstruation (Periods) https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14633-abnormal-menstruation-periods Accessed August 26, 2020

Irregular Periods https://www.nhs.uk/conditions/irregular-periods/ Accessed August 26, 2020

What Causes Menstrual Irregularities? https://www.nichd.nih.gov/health/topics/menstruation/conditioninfo/causes Accessed August 26, 2020

Period Problems https://www.womenshealth.gov/menstrual-cycle/period-problems Accessed August 26, 2020

Heavy, Prolonged, or Irregular Periods https://www.med.unc.edu/obgyn/patient_care/specialty-services/our-services/heavy-prolonged-or-irregular-periods/ Accessed August 26, 2020

Kasalukuyang Version

04/11/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Bakit Mahina Ang Menstruation? Heto Ang Mga Posibleng Maging Dahilan

Ano ang Pinagkaiba ng Implantation Bleeding sa Menstruation?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement