backup og meta

Alamin: Bakit Nagkakaroon Ng Malakas Na Menstruation? Dapat Ba Itong Ipag-Alala?

Alamin: Bakit Nagkakaroon Ng Malakas Na Menstruation? Dapat Ba Itong Ipag-Alala?

Habang ang ibang mga kababaihan ay nahihirapan dahil hindi sila regular na nagkakaroon, karamihan naman ay nakararanas ng malakas na menstruation. Isa ka rin ba sa mga babaeng ito ang nararanasan kada buwan? Kung gayon, makatutulong ang artikulong ito upang maunawaan mo ang mga posibleng dahilan ng malakas na regla mo at malaman kung dapat ka bang mangamba buhat nito. 

Pag-Unawa Sa Kung Ano Ang Malakas Na Menstruation

Madalas na isyu ang pagkakaroon ng malakas na menstruation at dysmenorrhea sa mga kababaihan. Kung kaya, ating higit na talakayin ang kondisyon sa likod nito. 

Ang menorrhagia ay tumutukoy sa malakas na regla na nagtatagal ng mahigit sa pitong araw. Kung mayroon ka nito, maaari kang magpalit ng iyong napkin wala pang dalawang oras ang nakalilipas. Tinuturing din itong heavy menstrual bleeding kung mayroon kang namuong dugo na kasinlaki ng isang piso o higit pa. Bagaman marami ang nakararanas ng malakas na pagdurugo, hindi naman lahat ay ikinokonsidera bilang menorrhagia. 

Bukod sa mga nabanggit, ang mga sumusunod ay kabilang sa mga senyales at sintomas ng naturang kondisyon:

  • Pagkakaroon ng regla na nakapagbabad sa isa o higit pang mga napkin o tampon bawat oras sa loob ng magkakasunod na oras 
  • Pangangailangang mag-double up sa paggamit ng sanitary napkin upang makontrol ang daloy ng regla
  • Pangangailangang magpalit ng napkin o tampon sa gabi 
  • Pagkakaroon ng patuloy na pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan 
  • Pagkapagod o kulang sa lakas
  • Pagkakapos ng hininga 

Sa menorrhagia, mahihirapan kang maisagawa ang mga nakagawiang aktibidad kapag mayroon kang regla. Ito ay marahil marami ng dugo ang nawala sa iyo at nakararanas ka na ng tinatawag na cramping. Dahil dito, maaari itong humantong sa anemia na maaaring magdulot ng pagkahina at pagkapagod. Kapag ganitong klase na ang nararamdaman mo, siguruhing magpatingin na sa doktor upang magkaroon ng agaran at angkop na paggamot.

Iba’t Ibang Mga Sanhi Ng Malakas Na Menstruation

Mayroong ilang mga kaso na hindi matukoy ang sanhi ng menorrhagia. Gayunpaman, maraming posibleng dahilan kung bakit ikaw ay nakararanas ng malakas na menstruation. Kinabibilangan ito ng hormonal imbalance, problema sa matres, at iba pang mga kondisyon.

Hormonal Imbalance

Ang mga hormone, tulad ng estrogen at progesterone, ay nakatutulong sa pag-regulate ng iyong menstrual cycle, maging kung gaano kalakas ito. Kapag nagkaroon ng naturang imbalance, ang endometrium ay gagawa ng labis at kalaunan ay malalaglag sa pamamagitan ng malakas na mestruation. 

Ang ilang mga kondisyon ay maaaring magdulot nito, kabilang ang polycystic ovary syndrome (PCOS), anovulation, thyroid disease, obesity, at insulin resistance.

Cancerous At Non-Cancerous Growths Sa Matres

Ang uterine cancer at cervical cancer ay maaaring magdulot ng mabigat na regla. Ito ay higit pa kung ikaw ay postmenopausal o nagkaroon ng abnormal Pap test noong nakaraan.

Sa kabilang banda, ang mga benign growths sa matres at mga kondisyon ay maaaring maging sanhi ng hindi tamang paglaki ng mga cells sa iyong matris. Ito ang dahilan para magdulot ng matinding regla. Kabilang ang pagkakaroon ng polyps, uterine fibroids, at adenomyosis sa mga posibleng sanhi. 

Impeksyon

Ang mga sexually transmitted infections (STI) ay maaari ring magdulot ng malakas na regla. Kabilang dito ang trichomoniasis, gonorrhea, chlamydia, at chronic endometritis. Bukod sa mga ito, maaari ring maging sanhi ang ilang mga pelvic infections.

Komplikasyon Sa Pagbubuntis

Isang karaniwang babala sa isang nagdadalang-tao ang pagkakaroon ng malakas na pagdurugo. Ito ay marahil maaari itong humantong sa mga komplikasyon tulad ng pagkalaglag, ectopic pregnancy, maging ang pagsasagawa ng cesarean section.

Iba Pang Medikal Na Kondisyon At Mga Gamot

Ang malakas na menstruation ay isang sintomas na nauugnay sa iba’t ibang mga kondisyon, kabilang ang ilan sa mga sumusunod:

  • Von Willebrand disease
  • Liver disease
  • Kidney disease
  • Pelvic inflammatory disease
  • Leukemia o iba pang mga platelet disorders

Bukod sa mga nabanggit na kondisyon, ang mga gamot ay maaari ring makaambag sa mabigat at matagal na pagreregla. Ilan sa mga ito ay nakalista sa ibaba:

  • Anticoagulants (blood thinners)
  • Aspirin
  • Hormone replacement therapy
  • Intrauterine devices
  • Ilang mga anti-inflammatory drugs
  • Ilang mga birth control pills at injectables

Ang hindi pag-alis ng mga contraceptive device kung kinakailangan ay maaari ring maging sanhi ng abnormal uterine bleeding. 

Key Takeaways

Ang menorrhagia ay isang kondisyon kung saan ang malakas na regla ay maaaring maging pansamantala o pangmatagalan. Gayunpaman, mayroong iba’t ibang mga paraan ng paggamot na maaaring gawin depende sa sanhi nito. Kung ikaw ay nakararanas ng malakas na menstruation, kumunsulta na agad sa iyong doktor. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Regla dito.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Heavy Menstrual Bleeding (Menorrhagia), https://www.chop.edu/conditions-diseases/heavy-menstrual-bleeding-menorrhagia, Accessed August 22, 2022

Menorrhagia (heavy menstrual bleeding), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/menorrhagia/symptoms-causes/syc-20352829, Accessed August 22, 2022

Heavy Menstrual Bleeding (Menorrhagia), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17734-menorrhagia-heavy-menstrual-bleeding, Accessed August 22, 2022

Heavy Menstrual Bleeding, https://www.cdc.gov/ncbddd/blooddisorders/women/menorrhagia.html, Accessed August 22, 2022

Menorrhagia, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/menorrhagia, Accessed August 22, 2022

Kasalukuyang Version

08/29/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kulay Ng Regla: Alamin Dito Ang Ibig Sabihin Ng Iba't Ibang Kulay

Matagal Na Regla, Paano Ito Mapipigilan? Heto Ang Home Remedies


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement