Ang pagsusuot ng bra ay nakasanayan ng maraming kababaihan sa buong mundo mula nang ito ay nilikha noong 1914. Simula noon, ito ay naging mahalagang parte ng wardrobe ng isang babae. Gayunpaman, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung ano ang gamit ng bra? Bakit kailangang magsuot ng bra ang mga babae? May benepisyo ba ang pagsusuot ng bra?
Ang Tamang Bra Para Sa Iyo
Alam ng sinumang babae ang mga hamon sa paghahanap ng perpektong bra. Mahirap maghanap ng bra na magbibigay sa iyo ng pinakamahusay na suporta at perpektong sukat. Ang usaping bra ay hindi lamang tungkol sa kaginhawaan o aesthetics. Tungkol din ito sa kalusugan. Ang pag ka hila at pagtalbog ng dibdib o mga suso kapag ikaw ay abala ay maaaring humantong sa pananakit ng iyong likod.
[embed-health-tool-ovulation]
Wala namang eksaktong panuntunan sa pagpili ng perpektong bra. Yun nga lang, may iba’t ibang hugis ang suso ng bawat babae na dapat isaalang-alang sa pagsusuot ng bra. May mga paraan para malaman mo kung anong laki ng bra ang pinaka angkop sa iyo. Kapag pinili mo ang tamang sukat ng bra, dulot nito ay kaginhawaan. At dahil dito, mapapangalagaan mo rin ang iyong kalusugan.
Mga Benepisyo Sa Pagsusuot Ng Bra
Mahalaga na pumili ang isang babae ng tamang uri ng bra para pangalagaan ang kanyang pangkalahatang kalusugan. Kapag hindi angkop ang pagsusuot mo ng bra, hindi nito mabibigyan ng tamang suporta ang iyong suso. Ang maling bra ay maaaring makasakit at mag-displace ng breast tissue. At sa kalaunan, ang iyong dibdib ay maaaring mag sag at lumaylay. Natural naman ang paglaylay ng suso sa pagtanda pero mapapabilis ito ng gravity at ng pagsuot ng maling bra.
Napakasarap sa pakiramdam kapag tinanggal mo na ang hook ng iyong bra pagkatapos ng isang abalang araw. Ngunit alam mo bang may ilang mga benepisyo sa pagsusuot ng bra? Isa na dito ay ang pagpapabuti ng iyong postura. Ang pagsusuot ng bra na may tamang sukat ay pumipigil sa pagyuko. Tinutuwid nito ang likod dahil sa suporta na natatanggap ng suso.
Ang pagsusuot ng bra ay may benepisyo din sa iyong kalusugan: Ang isang maayos na bra ay maaaring magbawas sa pananakit ng likod, pangangati ng balat at pananakit ng dibdib. Ngunit tandaan, ito ay hindi laging totoo para sa lahat ng kababaihan. Ang mga benepisyong ito ay mas naaangkop sa mga babaeng may mas malaking dibdib.
Pagsusuot Ng Bra O Hindi
Ang suso ng babae ay naglalaman ng fats and glands. Kahit nagbibigay na ng suporta ang mga ligaments na ito, magiging laylay din kalaunan ang iyong dibdib. Gayunpaman, maaari mo itong ipagpaliban pansamantala sa pamamagitan ng paggamit ng tamang bra. Napapanatili ang natural na tindig at hugis ng suso sa pamamagitan ng internal suspensory ligaments at ng external skin. Naiiwasan naman ang paglaylay ng dibdib sa pamamagitan ng bra.
Kung hindi ka naman komportable sa pagsusuot ng bra, maaaring hindi ito ang tamang sukat para sa iyo. Maaaring may problema sa sukat o sa kalidad ng bra kung kaya hindi ito nagbibigay ng tamang suporta sa iyong dibdib.
Mas komportable ang pagsusuot ng bra na sakto sa iyong sukat. Kadalasan, hindi mo na nga namamalayan na may suot ka palang bra dahil natural ang sukat nito sa iyong katawan. Hindi lamang ang strap ng bra ang importante, kung hindi mas lalo na ang back fabric ng bra.
Pagsusuot Ng Bra Na May Tamang Sukat
“In reality, the bra preserves the subtle connections that lie between the basal plane of the mammary gland as well as the pectoral muscles known as Cooper’s ligaments.” ayon kay Professor Jean-Denis Rouillon, isang espesyalista ng Sports Medicine sa University Hospital of Besancon.
Ang pagsuot ng bra na akma sa iyong sukat ay makakabuti sa iyong dibdib. Alam naman natin na inaakit ng gravity pababa ang halos lahat ng bagay pati na ang iyong dibdib. Ang bilis ng paglaylay ng iyong dibdib ay nakasalalay sa maraming bagay. Huwag hayaang mag sag agad ang iyong suso. Dapat gumamit ng may tamang sukat na bra. Maaasahan mo ang mas magandang posture, at maiiwasan pa ang problema sa spine at sakit ng likod.
Key Takeaways
Siguraduhing maganda at may tamang sukat hindi lamang ang iyong evening dress kung hindi pati na rin ang nasa ilalim nito. Bukod sa ginhawa, makakaasa ka ng mas mataas na kumpiyansa sa iyong sarili sa bawat okasyon. Ang isang maayos at ligtas na pagsusuot ng bra ay maaaring magpabuti sa iyong tindig, body language, at bilib sa sarili.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kababaihan dito.