Ano ang Endometriosis?
Ang endometriosis ay nangyayari kapag ang tissue na pareho sa endometrial, o ang tissue lining sa uterus ay lumalaki sa labas ng uterus. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga kababaihang nasa edad 30 hanggang 40 taon gulang. Ang endometriosis ay isa sa mga karaniwang sanhi ng pananakit ng pelvic ng mga babae. Ito ay karaniwan ding lumalabas bilang dysmenorrhea at abnormal na pagdurugo ng uterine. Ngunit paano nakaaapekto ang endometriosis sa kakayahang reproductive ng babae? Puwede ba mabuntis ang may endometriosis?
Habang ang pinakasanhi ng endometriosis ay hindi pa malinaw, natuklasan ng pag-aaral na ang pagkakaroon sa history ng pamilya ng endometriosis at pagkakaroon ng regla sa murang edad ay maaaring magpataas sa panganib ng pagkakaroon ng kondisyong ito. Ang endometriosis ay mada-diagnose gamit ang pamamaraan na tinatawag na hysteroscopy, kung saan ang uterus ay direktang isinilalarawan gamit ang scope.
Nangangailangan ng pangmatagalang paggagamot ang endometriosis na may layuning mabawasan ang posibilidad na sumailalim pa sa operasyon. Ang pagpili sa uri ng paggagamot ay nakaayon sa bawat babae depende sa kanilang edad, lala ng sintomas, at kagustuhang mabuntis.
[embed-health-tool-ovulation]
Pwede ba mabuntis ang may endometriosis?
Natuklasan na ang endometriosis ay negatibong nakakaapekto sa pagbubuntis. Sa magkasintahan kung saan ang babae ay may endometriosis ay may mababang fecundity rate o mababang potensyal ng pagbubuntis. Sa karagdagan, pinakita ng pag-aaral na ang infertile na babae ay 8 beses na mas may posibilidad na magkaroon ng endometriosis kumpara sa fertile na babae. May ilang mga teorya na nagmumungkahi kung paano nakakaapekto ang endometriosis sa fertility. Iminungkahi ng ilan na ang fertility ay naapektuhan dulot ng distorted pelvic anatomy, abnormalidad sa ovulatory, at paiba-iba ng hormones. Gayunpaman, wala pang napagkasunduan alinman sa mga ito.
Ano ang mga epekto nito sa pagbubuntis?
Habang nagbubuntis,ang endometriosis at ang mga sintomas nito ay pawang bumubuti. Ito ay dahil sa pagbabago ng hormonal environment. Gayunpaman, ito ay hindi nangangahulugan na ang kondisyon din ay bumuti. Sa katunayan, sa mga naitalang kaso inilarawan ang mga komplikasyon na maaaring lumabas habang nagbubuntis ang mga kababaihang may endometriosis. Kabilang sa mga ito ang:
- Intestinal perforation
- Acute appendicitis
- Hemoperitoneum o pagsasama-sama ng dugo sa abdominal cavity
Nagpapakita rin ng mga negatibong epekto ang endometriosis sa kalalabasan ng pagbubuntis. Ang mga buntis na may endometriosis ay nasa mataas na panganib ng:
- Preterm na panganganak
- Preeclampsia
- Cesarean delivery
- Pagkalaglag
- Ectopic na pagbubuntis
- Placenta previa
- Antepartum and postpartum hemorrhage
Paano mapataas ang fertility kung may endometriosis?
Sa karamihan ng mga kaso, ang pinagsamang medikal at operasyon na pamamaraan ay kinakailangan upang mapabuti ang mga sintomas at mapataas ang fertility.
Ang babae na may Stage I o II na endometriosis ay may pagpipilian na sumailalim sa pamamaraan ng natural na paglilihi. Ngunit maaari din silang makinabang sa ovulation induction, intrauterine insemination (IUI), at Assisted Reproduction Technology (ART).
Habang ang ART ay natuklasang mas epektibo kaysa sa ibang paraan, ito ay mas mahal at hindi laging accessible sa mga pasyente. Sa kabilang banda, ang ovulation induction at IUI, ay hindi gaanong mahal, ngunit magreresulta sa pagkaantala sa paglilihi kung walang bisa.
Ang pagpipiliang mga paraan ng paggagamot para sa mga baog na mga kababaihan na may endometriosis ay batay sa payo ng clinic, sa edad, at kagustuhan ng pasyente, at panganib sa pamamaraan.
Ang mga sumusunod ay mga kasalukuyang mungkahi para sa mga kababaihang may endometriosis na nais mabuntis.
- Para sa mga kababaihan 35 taon gulang pababa na nais subukan ang natural na paglilihi, ang anim na buwan na timed na pakikipagtalik ay iminungkahi. Kung ito ay bigo matapos ang anim na buwan, ang ovulation induction na may clomiphene citrate (CC) at IUI ay iminumungkahi.
- Ang mga kababaihang na nasa 35 taon gulang pababa na mas gusto ang infertility treatment (kaysa sa natural na paglilihi), o ayaw ng natural na paglilihi ay maaaring sumailalim sa ovulation induction na may CC o letrozole plus IUI.
- Para sa mga kababaihan na 35 taon gulang pataas, ang pinaka minumungkahi ay sumailalim sa ART. Gayunpaman, ang clomiphene ay maaaring gawin kung ang ART ay hindi posible sa anumang rason. Ang ART ay nagpakita ng pagbawas sa panahon ng paglilihi. Bukod pa rito, ang ART ay mayroong pagpipilian na i-freeze ang sobrang embryos para sa mga posibleng gamit sa hinaharap.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Women’s Health Issues dito.